Title: Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora, P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua
Author: Honorio López
Release date: August 20, 2004 [eBook #13233]
Most recently updated: December 18, 2020
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
Periodistang tagalog, Director artístico
sa Kapisanan nang
man~ga autores lírico-dramático La Juventud Filipina
at Autor nang maraming casulatan: Kalendario,
istoria, biografia, etc.,
etc.
ICALÁUANG PAGCAHAYAG.
MAYNILA: 1912.
IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA
NI
J. MARTINEZ.
Plaza Moraga
34-36, Plaza Calderón 108 at Estraude 7, Binundok.
Sa cay P. Dr. José Burgós (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taón), P. Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na dinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abang ala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayó sa pooc nang Espaldon ó Bagumbayan nang icá 28 nang Febrero nang 1872.
HONORIO LÓPEZ.
P. Dr. JOSÉ BURGOS
Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís. Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat. Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan. Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang «monumento» ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas. Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam. Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga «Martir» alalahaning tiquís, huag lilimutin laguing isa-isip alang-alang baga sa m~ga sinapit. Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal «n~g Dios na Poon», bago'y m~ga hunghang. Caya ang mabuti ay tularang lubós m~ga halimbaua ni na Padre Burgos, Gómez at Zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog. Sa baua't may nasang ibig na bumatid n~g canilang búhay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiquís cusang ipatuloy itong natititic. Bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua't talatang inyong matagpuan uari'y nalilihis doon sa catuiran. N~guni't ang samo co bago mo punahín ang lihís sa uari, maiguing linin~gin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing. Cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag-utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat. Honorio López. |
ANG TUNAY NA BÚHAY
NI
AT NANG MAN~GA CASAMA.
Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad Fernandinang sacdál sagana sa galác sa buong Iloco na ualang catulad doon naguing tauo si Burgos na hayág. Taóng isang libo ualong daang tunay apat na puo't dalua siyang cabilan~gan nang siya'y ianác nang ináng hinirang may tacot sa Dios, mabuting magmahal. Siya'y na-uucol sa isang «familia» na iguinagalang natatan~gi baga sa buting ugali at gauang maganda sa ciudad na yaong mayaman sa sayá. Mulang camusmusan nitong ating Burgos sa bait na taglay uala nang aayos gayon din sa talas nang isip na impóc, caya't maaga siyang pinaturuang lubós. Hindi nalaunan caniyang pag-aaral naisipan n~gani nang m~ga magulang dito sa Maynila iluas na tunay upang pag-aralin sa San Juan de Letran. Caya iniluas itinuloy muna sa bahay nang canyang tióng sinisinta teniente práctico nang artilleria Juan Antonio Aelle ang pan~galan baga. Siya'y itinirá na hindi naluatan sa Letrang colegio, ang nacacabagay ay duc-hang ulila sa m~ga magulang, sa loob nang Dios tinangap din naman. Sisiyám na taón cabilan~gang edad nang siya'y parito at masoc na cagyat sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad nang caniyang budhi at loob na in~gat. Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan hangan sa sinapit at cusang nacamtan ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral sa "artes" nahayág ang siyang pan~galan. Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin gumising sa caniyang puso ang tun~guhin yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing sa "eclesiásticong carrerang" mahinhin. At hindi na niya tinuloy na lubós "carrerang derechong" sinisintang puspus nang m~ga magulang, ang cusang sinunod ang buco nang dibdib gumising sa loob. Caya n~ga't pagdaca ay pinag-aralan Teologiang mahal sa isang maalam na fray Ceferino Gonzalez ang n~galan na hindi nalaon ay naguing Cardenal. Dito na tinamó yaong mantong azúl at belang mapula na ualang caucol, caya ang caniyang familia n~ga noon ang toua nang dibdib ay hindi gagayon. Madali't salita nang ito'y malaman na sa Pagpapari ang pag-aaralan nang caniyang magulang cusang binayaan tanang hanap buhay sa ciudad nang Vigan. Dito sa Maynila sila'y tumahan na dahil sa pagsunod sa anác na sinta na di man nangyari caibigán nila ano mang pamanhic di nangyari baga. Ang luhang tumulo sa man~ga magulang hindi man pinansin at pinagpilitan ang hilig n~ga niya na mag-paring tunay Ministro nang Dios sa lupang ibabao. Baga ma't gayon ang nangyaring lubós pag-ibig nang Ama'y lumalalong puspos sa naquiquita niya't napapanuod sa caniyang anác carunun~gang impóc. Mula sa hindi n~ga na nahuhulog man sa tanang "exameng" pinagdadaanan, at caya't baga man may lungcot na taglay ang galác sa puso'y siyang gumiguitao. Gayong pag-aaral ay hindi nagluat "órdenes menores" ay quinamtang cagyat caya lalo na n~ga ang "familiang" lahat toua'y mago't mago sa dibdib namugad. N~guni't uala pa siya na apat na buan n~g pagca tangap niya n~g "órden" quinamtan nagcaroon nang gulo sa tinatahanan Colegio nang Letran sa fraileng casaman. Mula baga ito sa pagpapasunod "sa m~ga colegial" pauang filipinos nang m~ga Fraileng sa samá ay supot n~g m~ga abuso at gauang pag-ayop. Caya nacaisip ang tanang Colegial gayong pag-aalsá sa pacanáng tunay binabago nila ang caugalian na dating paquita sa canilang tanan. Oras n~g hapunan n~g mangyari ito na aquing sinabi na pagcacaguló caya ang guinaua n~g Fraileng pan~gulo sa justiciang bayan ay napasaclolo. Dahil sa marami ang Fraileng nasactan may bali ang butó at may nasugatan; caya yaong habla umano sila rao ibig na patain nang tanang colegial. Naparatan~gan pa na naguing pan~gulo itong ating Burgos sa nangyaring guló, datapua uala rin naguing hanga ito cundi ang pasia iuan ang Colegio. Silang calahatan paalisin lamang sa Colegiong yaon sa iba'y mag-aral n~guni't di nangyari pagca silang tanang sa m~ga Fraile curang namanhican. Dahil sa marami di nacatapos pa n~g canicanilang tun~guhing carrera caya't napilitan nagtiis din sila sa m~ga pasunód n~g Fraileng lahat na. Lalong lalo na n~ga itong ating Burgos dahil sa Derecho Cómicong lubos siya'y hindi pa na nacacatapos caya nagtiaga rin sa iba'y umayos. Hindi rin naluatan ang pagca Decano sa laong panahón cusa ring tinamó sa aua n~g Dios at dusang totoo na tinitiis niya sa Fraileng abuso. Caya di nalaon siya ay lumipat n~g hindi na siya tumagal sa hirap sa m~ga pasunod niyong Fraileng lahat Colegiong S. José, ang tinun~gong agad. Ang namamatnugot sa colegiong itó ang quilalang doctor si Padre Mariano García ang caniyang dalang apellido tunay na tagalog tauong filipino. Nang siya'y matira at dito mag-aral ay hindi nagtagal siya'y inordinan nang pagca «Diácono» gayong cabataan mulá sa talino nang isip na tagláy. Hindi nacaraan ang ilang panahón sa madaling sabi nama, i, nagcataon nagcaron nang isang noong "oposición" sa tanang Diácono mag "cura" ang layon. Noon ay "vacante" yaong catungculan segundo curato sa sagrariong mahal nang bunying S. Pedro balitang Catedral sa sangcapuluan nang Maynilang bayan. Sa guinauang ito: "oposicióng" tiquís nan~guna sa lahat si Burgos na ibig, caya tinamó niya sa talas nang isip gayong "Pagcucurang" caloob nang Lan~git. Ang tungcol na ito hindi matatamó nang sino't alin mang cahit may "empeño", cungdi ang may taglay pagca Presbítero ay siyang marapat na magcamit nito. N~guni at sa dunong nitong ating Burgos baga ma't Diácono ay quinamtang lubós palibhasa dising naasa sa Dios matalinong lubha maganda ang loob. Maca ilang buan ay quinamtang cagyat pagca licenciado sa bunying «faculcad» niyaong filosofía sa gayong capahat, gayong pag-aaral na lubhang mahirap. Hindi nacaraan ang malaong arao nahalal na mulí siya, i, maguing "fiscal" sa "juzgadong" sacdal "eclesiásticong" hirang at sa "ceremonias" ay "maestro" din naman. Ito ay caloob nang daquilang Rector sa Sto. Tomás n~ga, mula sa di gayong carunun~gan niya na ualang caucol na napagquiquita nang tanang naroon. Nang ito'y matamó dito na nagcamit nang dan~gal na lalong ualang cahulilip caya ang bala na n~ga nagalang na tiquis baga ma't matanda't caniyang cauan~gis. Ang boong Maynila dito na nagtaca sa dunong na in~gat ualang macapara nitong ating Burgos na caaya-aya pati n~g ugali at loob na dala. Di pa nagluluat ang panahong ito n~g caniyang pagtangap ng lahat n~g «grado», ano't nagcataon sa Españang reino nagcaron n~g isang malaqui n~gang gulo. Ito'y noong taóng isang libong ganap ualong daan anim na puo't ualong singcad buan n~g Septiembre sa istoriang saad n~g ito'y mangyari caguluhang cagyat. Dalauang binata ang naguing pan~gulo na taga Maynila, Manuel at Antonio Regidor ang n~galan sa nangyaring gulo sa bayang España niyaong unang daco. Caguluhang ito ay ualang ano man, na hindi n~ga gulo n~g pagpapatayan, cung di isa lamang na pag-uusapan n~g Fraile't Tagalog sa Gobiernong mahal. Pagtatalong ito ay di nai-iba cung di yaong gustó nito n~gang dalaua ang magcaron dito mabuting reforma n~g pamamahala tayong lahat baga. Ang tanang clérigo, ang dapat n~ga lamang mag cura sa lahat m~ga bayan bayan nitong Filipinas, at magcaron naman n~g representacion de Cortes ang n~galan. At cusang baguhin, pag-ayusing cagyat ang escuelang bayan at colegiong lahat, at ito'y ibigay ang siyang marapat sa Paring tagalog tubong Filipinas. Ang gayong usapín ay lumaquing tunay ang lahat nang Fraile'y pauang naguluhan, caya't napilitang sila ay naghalal n~g Procuradores na Fraile rin naman. Si Fray José Checa at Fray Joaquin Coria ang naguing defensor taga usig baga ng usapíng ito sa dalaua'y habla na taga Maynila sa baya'y may sinta. Sa lahat n~g «diario» ang usapíng ito sa Corte n~g Madrid nalagdang totoo't pauang naaayon tanang artículo sa tanang tagalog, Fraile siyang talo. Baquit ang isa pa naquiayong tunay isang tubo rito na naguing general D. José Orosco Zuñiga ang n~galan at iba pa n~gani na may catungculan. Na sina D. Juan Záenz de Vismanos[1] José Ochoteco[2], Rafael[3] na bantog García López n~gani ang pan~galang lubós n~g m~ga nag-usig na pauang tagalog. Sa pagtulong nito na lubhang malihim, ang lahat n~g Fraile ay di napatiguil, lalong inululan n~g galit na tambing sa dalauang ito na Regidor natin. Lalong lalo na n~ga n~g sila'y lantacan sa diariong «Discución»[4] halos arao arao n~g binatang Manuel, Fraileng calahatan lalong nan~gag-usig panalo'y macamtan. Dito na si Burgos cusang sumulat na ilang «artículong» casagutan baga sa lagdang sinulat n~g Fraileng si Coriang naquiquipagtalo mag-uagui ang pita. Sa usapíng ito n~g cusang malaman, ang ating si Burgos dito ay capisan, ang lahat n~g Fraile lubós n~g tumahan, tinimpi sa loob yaong cagalitan. Dito na umusbong sa canilang dibdib si José Burgos n~ga ay sinumpang tiquís at paghigantihan gauan niyaong pan~git lihim na pacaná na asal balauis. Baga ma't gayon na ay cusang tumiguil ang lahat n~g Fraile sa gayong usapín, di rin naampat at napatuloy rin sapagca't tumauid sa lupain natin. Sa boong lauigan nitong Filipinas caguluhang ito cusang lumaganap dahil sa ang lahat na Fraileng dulin~gás ay pauang nagbago n~g ugaling in~gat. Yaong pan~gan~gamcam siyang natutuhan nang lupa at buquid sa catagaluga't cusang pataasin ang dating cabuisan n~g m~ga hacienda na atin di't tunay. Caya siyang mula n~g panghihimagsíc niyaong si Eduardo Camerinong sulit na taga Caviteng nahalal na tiquís pan~gulo sa hocbo na pauang nilupig. Isa pang casama ni Eduardong hirang ay yaong si Luis Parang ang pan~galan na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay n~g paghihimagsic sa Fraileng sucaban. Ang bayan n~g Imus noo'y gulongulo sapagca't nacuha nitong si Eduardo caya't n~g mahuli ang dalauang "lego" sa "casa hacienda" binitay n~ga nito. N~g ito'y matanto n~g bunying general nagulo ang diua caya't naisipan tumauag n~g pulong sa lahat n~g mahal na m~ga tagalog n~g ito'y mahusay. Pagca't yaong guló lubhang malaqui na di na naapula ano mang gauin niya, hangang sa inabot ang «casa hacienda» sinilabang tunay n~g nag si pag alsá. Caya naisipan n~g upang tumahan caguluhang ito nasabing general, ang tanang tagalog na may carunun~gan at caunting yaman bigyang catungculan. Caya n~ga't inipon si Roxas, Vismanos, Ascarraga't Tuáson, González na lubós, Padilla't Esquivel, si Calderóng bantog saca si Icasa pauang filipinos. Sila hindi iba ay cusang nahalal «vocales civiles» na puno sa bayan, saca n~ga sinunod ang ilang cabanghay niyong cay Regidor «reformas» na tanan. Dito na naghalal sa corte n~g Madrid n~g isang Comisión sa nag-uusig nitong si Regidor na di naiidlip tayong calahatan mapaiguing tiquís. Caya ang Ministro de Ultramar noon ay siyang namuno gayong pagpupulong, at ang m~ga vocal sa ganitong layon m~ga generales na ualang caucol. Na sina Orosco, Saportillang tunay Gandara at sina Ochoteco naman, Coballes na pauang coroneles lamang Rodriguez, Bona't Pillon iba pang capisan. Ang pulong na ito pauang nag caisa at pinaayunan ang tanang "reforma" nitong si Regidor na capisan nila gayong pag-uusap sa guinauang junta. Caya n~g matapos itong pag-uusap dito sa Maynila'y pinahatid agad niyaong capulun~gan sa Madrid na hayag ang naguing pasiya n~g upang malutas. N~guni sa samá din n~g pamamahala n~g Gobierno rito'y isinalamuha sa "junta" n~ga rito yaong fraileng madla nala n~g inimbot cundi ang masamá. Dina naalala itong ating Burgos doo'y isinama't cusang inilahóc caya sa uala rin dito'y napanuod na "caliuanagan" tanang filipinos. Sa gayong nangyari yaong caguluhan dito sa Maynila, Bulacan at Tan~guay Silan~ga't iba pang m~ga lalauigan ay lalong lumubha apuy ang cabagay. Ang man~ga pinuno't tanang autoridad dito sa Maynila'y nagulong cagyat caya napatulong sa loob na tapat n~g m~ga tagalog may dunong na in~gat. N~g upang maampat cusang mapatiguil caguluhang ito na ualang cahambing caya sinunod na ang lahat n~g hilíng n~g tanang tagalog may dunong na tambing. Si Padre Gómez n~ga ang siyang guinaua comisióng nahalal cusang papayapa sa cay Camerino na naghimagsic n~ga sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila. N~g ito'y parunan niyaong Padre Gómez ay hindi nalaon ang paghihimagsic, dahil sa pan~gaco n~g autoridades sa tanang tagalog na nag-alsang tiquís. Caya ang "tratado" biglang pinirmahan sa bayang Navotas n~g bunying general sa pinamansagang balitang tulisan na si Camerino at si Luis Parang. Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-galác pagca't napayapa caguluhang cagyat, at tanang «hacienda» nilang ini-in~gat, ay muling babalic na di magluluat. Baga ma't sila'y cusang nagastahan nag-gugol n~g pilac na hindi mabilang, di na alumana humusay n~ga lamang lacad n~g panahong man~ga caguluhan. Ang general noong balitang D. Cárlos de la Torre n~gani ang pan~galang lubós na naguing mabuti sa man~ga tagalog at sa tanang Fraileng nag-asal balaquiot. Nabalita naman sa panahong yaon ang ating si Gómez cura sa Bacoor dahil sa guinaua at pag dedefensor sa tanang tagalog na piniit noon. At gayon din naman sa pagpapahusay sa nangyaring guló sa bayan n~g Tan~guay, caya yaong puri at uagás na dan~gal ay tinamó niya sa catagalugan. Dahil sa mahiguit na tatlong libong ganap ang napi-it noon tagalog na lahat na napacaualan cay Gómez nagbuhat sa cárcel n~g dusa na dilang bagabag. At pati ni Parang sampuo ni Eduardo cusa ring nagcamit n~g mabuting trato sa man~ga castila tumirá pa rito sa bayang Maalat may «pencióng» totoo. Saca sinunod pa ang pinag-usapan niyaong caayusang magcura sa bayan at yaong "reforma" niyaong pag-aaral ay pinaghusay din na hindi naluatan. Nagcaroon pa noon n~g carrera civil lahat n~g tagalog may dunong na tambing caya si Vivencio del Rosario natin sa Lagunang bayan ay nag alcalde rin. At si D. Mariano Villafranca naman sa bayang Misamis alcaldeng nahalal na pauang tagalog may dunong na taglay nagcamit n~g tungcol sa cacastilaan. Nagcaroon pa rito n~g m~ga Jueces pauang filipino't man~ga Relatores, at lahat pa disin n~g m~ga napiit dito nacauala't cusang nacaalis. Pinatiguil pa n~ga ang pag-eembargo sa tanang lupain n~g naramay rito, at pinagalang pa man~ga bahay dito sa tanang justicia nagalang totoo. Sa madali't sabi ating pagbalican: ang cusang sinapit nitong si Luis Parang sampuo ni Eduardo Camerinong hirang niyaong macaraan yaong ilang arao. Pagca't di nalaon sila ay piniit pinatay sa bitay, sa namucong galit sa dibdib n~g tanang Fraileng m~ga ganid uala n~g inimbot cung di gauang pan~git. Sila'y nag-gasta rin n~g lubhang malihim sa general ditong lumabo ang tin~gin sa saganang pilac canilang inyahin mapapatay lamang dalauang butihin. Naualang halaga ang pinag-usapan tratadong guinaua sa Malabóng bayan at cusang naniniig lubos na guinitao pagtin~gin sa yaman nasabing general. Nagn~git-n~git na naman n~g ito'y matalós ang lahat n~g dibdib n~g m~ga tagalog, n~guni't sa uala rin dito ay inabot caguluhan baga gaya n~g natapus. Sa panahóng ito siyang pagcacamit nitong ating Burgos «ordeng» ninanais niyaong Pagcapari sa tanang tiniis man~ga cahirapan na ualang cauan~gis. Hindi n~ga nalaon na nagcantamisa, sa ating Catedral nahalal na cura, at siyang pagtamó n~g mahal na «borla» niyaong pagca "Doctor" sa Santa Teología. Saca sa Derecho Canónicong mahal ay gayon din naman "Doctor" na mahusay caya sa Tribunal n~g exameng tunay naquiquialam na sa colegiong tanan. Caya bala noong ibig na cumuha magcamit n~g grado sa facultad baga sa Santa Teologia't bunying Filosofía at sa Canónico daraan sa caniya. Sapagca't n~ga siya nahalal na cagyat na "Examinador" at una sa lahat cusang "eexamen" estudiong facultad na sino ma't aling ibig macalabas. Sa caniyang pagsunod sa tungcol na dala naguing masamá siya sa fraileng lahat na; datapua gayon man di cumibo sila uari hindi pansin tanang naquiquita. Cusang nagsaloob higantihan lamang putulin ang gayong man~ga cahigpitan n~g pag-eexamen sa sino't alin man sa Fraileng capua lipós n~g casam-an. Caya ang nangyari n~g lumubhang tiquís yaong pag n~gin~gitn~git cay Burgos na ibig dito na ang lahat; ang Fraile'y lumupít sa Paring tagalog na casanib-sanib. N~g ito'y malaman nitong Burgos natin. lahat n~g capua ay inipong tambing pinaquipagtalo lahat n~g inilíng na Paring tagalog n~g Fraileng butihin. Sa nangyaring ito, dito na inusig sa Arzobispado ang leyes ni Moret ay sundin totoo pagca't natititic sa pinag-usapan ito'y susunding pilit. N~g ito'y matanto n~g fraileng si Roxas Cornejo, Ariaga, Cabrerang dulin~gás, Pardo, Gala't ibang lumahóc na cagyat si Padre Burgos n~ga cusang pinaghanap. At ipinaglaban canilang catuiran cahit nalilicó sa magandang daan; n~guni't sa uala rin silang hinanganan cung di yaong hiyá na ualang cabagay. Sapagca't n~ga sila'y nan~gabilangó pa, ang canilang ari enembargong sadiya sa nangyaring ito na usapín nila sa bunying Juzgado Eclesiástico baga. N~g ito'y masapit nilang calahatan sila'y nacaisip pasaclolong tunay sa cay P. Burgos at paquiusapan, n~g sa pagcapiit macalabas lamang. Gayon din ang tanang man~ga Presbítero na pauang linupig man~ga fraileng ito sampuo niyaong ibang man~ga filipino, cay P. Burgos din ay napasaclolo. Sa nangyaring ito itong ating Burgos hindi nagmalaqui't pinaquingang lubós, ang sa tanang Fraile at man~ga tagalog man~ga paquiusap sa gayong inabot. Siya n~ga'y naggugol lubos nagcagasta na hindi sinin~gil capaguran niya, sa fraile't tagalog n~g macamtan nila ang pagcacauala sa cárcel n~g dusa. Itong si Fray Galan recoletong hirang si Fray Ariaga franciscano naman at si Fray Cornejo Domenicong tunay: si Padre Burgos n~ga siyang nagsangalang. Sila'y napabalic at cusang nagcura sa bayang tagalog dating lagay nila at ang ari nila na enembago baga ay cusang nagbalic na caracaraca. Sa panahóng íto lubos nagcaroon din n~g isang sumbong n~ga taga S. Rafael sacop n~g Bulacan mula baga't dahil sa canilang cura na nag-asal suail. Caya ang guinaua dagling pinatauag ni Padre Burgos n~ga't inaralang cagyat na sa uli't uli ang guinauang lahat huag n~g gagauin sapagca't di tapat. Ito hindi iba ay si Fray Antonio Piernavieja n~gani bunying agustino totoong nasinsay, cusang umabuso sa ipinag-uutos n~g Eclesiástico. Macaraan ito ay hindi naluatan sa Corte n~g Madrid may isang lumitao diariong casang-ayon n~g catagalugan «Eco Filipino» ang siyang pan~galan. Dito n~ga si Burgos ay cusang tumulong naggugol n~g yaman at sampuo n~g dunong upan n~g lumauig at cusang yumabong magcaroon n~g madla na m~ga suscritor. Nagtayó rin naman isang capisanan dito sa Maynila sa nagpapaaral sa reinong España filipinong tanan ibig na dumunong lahat ay malaman. Caya sa dalauang Regidor na tiquís nangyaring lumagda n~g usiguing pilit tanang filipinos may dunong sa Madrid magcamit título't condecoraciones. At gayon din naman ang catagalugan cusang natatan~gi't may in~gat na yaman nagcarón nang uagás bunying catungculan sa lahat nang poóc nang sangcapuluan. Saca isinunod na caniyang inusig yaong pagcucura nang fraileng balauís sa bayang tagalog sila'y mapaalis at pauang clérigo ang siyang mapalit. Dito pinasunod utos sa "Concilio ni Trento" ang tauag at biling totoo marapat na sundin nang simbahan dito nang man~ga castila sa silan~ganang daco. At sinabi pa niyang ipinagmatigás sa lahat nang fraile cun ang caniyang han~gad ay hindi susundin arao'y di lilipas sila'y pasasacop sa inglés na cagyat. Caya ang nangyari lumagdá pagcuan nang isang "escrito't" inihaying tunay sa Ministrong hayág nang bunying Ultramar sa reinong España na cabalitaan. N~guni't bago ito ipinadalang lubós cay Izquierdong hirang general na bantóg ay nuhang sanguni't bilang pahintulot nang huag masinsay sa catouirang puspos. Ang escritong ito'y pinaayunan niya at pinapirmahan bago ipinadala cay Padre Mendoza[5] Lasa[6] at Sevilla[7] Danda't[8] del Rosario[9] Guevara't[10] Zamora[11]. Napisang parito sina Desiderio,[12] Hilario del Pilar, Gainsa't Gimeno[13] Roxas,[14] Regidor,[15] Ramirez[16] parito Calderó't[17] Esquivel[18] iba pang totoo. Gaya ni na Tisca[19] at sina de la Rosa[20] Acuelle[21] at Agustin[22] pauang nagsipirma sa escritong yaon cusang pinadala sa Corte nang Madrid nang caracaraca. Parang naligalig fraileng calahatan sa nangyaring itong man~ga caisipan nitong Burgos natin caya silang tanan sinilaban n~gani niyaong cagalitan. Dito na isinumpá nag-isip nang cagyat na paghigantihán, caya silang lahat cusang nagpupulong halos oras-oras cung anong magaling nang ito'y maampat. Lalong-lalo na n~ga fraileng recoleto at ang dominico siyang gulóng-guló dito sa nangyaring hindi mamagcano caya silang tunay ang mausig dito. Caya niyaong minsang sila ay magjunta Prior sa convento nang Recoletos baga sa bayan nang Tan~guay na ang n~galang dala Fray Mariano Gómez dito naquisama. At gayon din naman ang castilang uldóg Fray Antonio Rufian órden S. Juan de Dios ay nacasama rin at silang tibobos nan~gacong gagauang higanti cay Burgos. Sa pan~gacong ito dito nan~gagalac ang lahat n~g fraileng may galit na in~gat sa cay Dr. José at maipahahamac nang dalauang ito na magcapua oslac. Hindi na naglicat nang magcahiualay itong man~ga fraile na aquing sinaysay mabuting paraan mapapatay lamang ang naguing catotong quinagagalitan. Caya ang na-isip nitong si Fray Gómez si Miguel Zaldua[23] at ang casing ibig cusang hinicayat na sulsulang pilit tanang sa Arcenal jornalerong tiquís. Upang silang tanang tumutol na cagyat sa upahang dati cung hindi itaas at siyang bahala cusang magliligtas cung ito'y umabot sa di hinahagap. Sa paquiquinyig n~ga ni Miguel Zaldua sa aral nang fraile'y cusang inaquit na tanang jornalero sa Arcenal baga na sila'y tumutol sa ugaling upa. Cung sacasacaling ayao na itaas sila'y man~gag-alsa huag na magulat sapagca't tutulong ang caual na lahat sa Maynila't Tan~guay at pauang casabuat. Napahinuhod n~ga, ang lahat nang jornal sa mabuting aquit ni Zalduang nasinsáy caya ang guinaua nitong Fray Rufian umisip naman siya nang ibang paraan. Caya ang sumagui sa caniyang acala sina Montesino't Morquechong daquila pinaquiusapan na tulun~gang sadiya ang lahat nang jornal sa pag-aalsa n~ga. Ang dalauang ito ay castilang taal na capua tenienteng napipiit lamang sa Castillong sacdal sa bayan nang Tan~guay n~gala'y San Felipe lipós cahirapan. Sa sabing matamis sa dalauang ito ay hindi tumangui sumagot nang oo upang sila lamang macalabas dito sa pagcacapiit doon sa Castillo. Ang lihim na ito ay hindi nagdaan arao nang sábado dumating na tunay nang pagbabayaran sa lahat nang jornal na nagsisigaua doon sa Arcenal. Icadalauang puo buan nang Enero siyang cabilan~gan nang arao na ito caya nagsitutol, sinunod ang trato nang sila'y bayaran sa di nila gusto. Nang ito'y matanto nang coronel Buttler bunying Gobernador nang caual na tambing sa lalauigang Tan~guay ay hindi pinansin reclamo nang jornal na ualang cahambing. Ang caniyang guinaua umaga nang lingo humin~gi nang "fuerza" sa General dito hayág na Izquierdo pagca't natanto nito ang lahat nang jornal ibig na mangulo. Naisipang isa pahaliling tunay nang oras ding ito sa isang capantay nang coronel Roxas nang di niya camtan yaong caguluhan naramdamang tunay. Saca pinaglirip sa sariling isip magcaroon man siya nang caual na cabig, cung uala naman siyang escuadra sa tubig ay uala rin anyang tunay masasapit. Pagca't ang nangyari guinaua ni Mac-Rohon contra-almirante sa escuadra noon tanang cañonero nang panahong yaon ay pauang dinala sa Isla del Sur[24]. Sucat na natira dito ay iisa caya't si Buttler nagpumilit baga ang lupa nang Tan~guay iuan muna niya nang huag nang datnin caguluhang sadya. Capagdaca naman caniyang cahilin~gan ay agad inamin biglang pinayagan nang caniyang general Izquierdong maran~gal nang umagang yaon na hindi lumiban. N~guni't bago siya sa Tan~guay umalis sina Montesino't Morquechong nasambit ay caniyang hini~ging dito na mapiit sa Maynilang Ciudad na sacdal nang diquit. Cahilin~gang ito ay di na nahintay sapagca't guló na ang lahat nang jornal sa hindi pagpayag sa ibinibigay dating caupahán, caya binayaan. Ugali't salita madaling malutas nang ito'y matanto ni Rufiang dulin~gás lalong sinulsulan jornal na alin~gas sila'y maghimagsic sa castilang lahat. Sinabi pa nito huag mag-alaala sila'y tutulun~gan tanang caual baga dito sa Maynila Infantería't Guía sampuong artillero na ualang pagsala. At hindi dadaan dugtong na sinambit ang mamayang gabi mag-aalsang pilit ang taga Maynila cung inyong marin~gig ang putucan doon sumabay na tiquís. Aco ma'y castila muli pang uinica nitong si Fray Rufian uldóg na cuhilá, n~guni't sa aua co sa inyo n~gang paua dugó co'y naculo sa tanang castila. Caya sa hatol co cayo ay sumunod nang cayo'y lumaya na man~ga tagalog huag naman cayong magcaroong lubós niyaong «desconfianza» sa ipinatalós. Sapagca n~ga't aco'y catotong mahigpit ni Burgos n~ga ninyo at caisang isip sa nilalayon niya na lubhang mapilit ang pananarili ay macamtang tiquís. Caya cun sacali cayo'y man~gagdiuang ay inyong ihiyao si Burgos mabuhay at ang Filipinas guilio ninyong bayan España'y mamatay, mamatay na tunay. Sa «enga~nong» ito sa hina nang isip niyaong man~ga jornal sila ay naquinyig sa hicayat nitong lalaquing mabait uala nang inimbot cundi gauang lihis. Sa madaling tacbo nang panaho't oras yaong cagabihan sumapit na cagyat ano't nagcataon parang pinagtiyap pista sa San Anton[25] guinauang magalac. Nagcaroon nang putoc castillo at bomba cuites saca luces na ualang capara sa boong magdamag at iba pang sayá na nacauiuili sa guinauang pista. Caya n~ga't maraming tauong nagsidaló taga ibang pooc na di mamagcano sa canilang toua sa pistang ganito na sa cailan man di naquiquita ito. Baquit nasabay pa ang pistá n~g Calmén na pinagsasayá na ualang cahambing, fraileng recoleto pauang nahihimpil sa San Sebastian n~ga pooc na maalio. Sa sabing matulin itong casayahan dito sa Maynila nang cusang malaman jornales sa Tan~guay paua nang gumalao hindi naapula nang sino't alin man. Sapagca't acala nitong nan~ga-aquit nang fraileng si Rufian putóc na narin~gig dito sa Maynila ay paghihimagsic man~ga taga rito cay Burgos na cabig. Ang man~ga marino sampuong infanteria man~ga artillerong nasa sa muralla na pauang tagalog dito sumunod na na naquigalao din sa jornal sumama. Dito si Lamadrid sargentong ilongo hindi nagpabaya't agad sumaclolo pinatáy ang púno pauang castellano ang gradong teniente nilagay na rito. Sina Montesino at Morquecho naman lumagay sa lugar sumanib sa caual caya't pinaghati ang fuerzas na tanan saca namiyapis nang ualang cabagay. Caya ang putucan nang cañón at baríl sa boong magdamag hindi nagtitiguil natalacsáng bangcay di maipagturing nang man~ga castila't tagalog na tambing. Gobernador Roxas mabuti na lamang agad nacatacas at hindi napatáy caya't nacuha pa sa acay na caual ni coronel Sawa cusang naquipisan. Sila'y nagsihanay hangang umumaga sa calle principal niyaong Porto Vaga na naquiquisagót sa putucan baga nang naghihimagsic na aquing binadya. At caracaraca siya'y nagpa-atas cay Izquierdong hayág n~g isang calatas ang bagay na ito'y ipinatalastas upang sila doon abuluyang cagyat. Nang ito'y matanto nitong si Izquierdo sumubó ang galit na di mamagcano caya capagdaca ang tanang sundalo dito sa Maynila ay pinasaclolo. Ang segundo cabong general Espinar ay siyang umacay sa dinalang caual pauang voluntario cubano n~gang tunay ang iba'y castila't tagalog din naman. Silang calahatan nagsilulang cagyat sa man~ga vapores na hindi nagluat at doon huminto na cusang sumadsad sa Puerto nang Tan~guay na ualang bagabag. Nang sa Kabite n~ga sila'y magsidating general Espinar nag-utos na tambing na aniya't panhiqui't agad salacayin ang muog na yaong ualang macahambing. At ang baua't doo'y inyong maabutan babaye ma't báta ay pataying tanán huag paligtasin ang sino't alin man tungcól filipino naguing cautusán. Ang utos na ito ay biglang sinunod nang lahat nang caual na pauang cubanos caya naman dito ang man~ga tagalog cusang nagpaquita nang tapang na impoc. Ang pagpapatayan sabihin pa baga dugó'y umaagos batis ang capara bangcay natalacsán sa guitna nang plaza niyaong Porto Vaga gayong pagbabaca. N~guni't sa dayucdóc at quinamtang puyat nang man~ga tagalog sa boong magdamag quinulang nang palad caya't napahamac sila ay nagapi nang man~ga calamas. Baquit quinulang pa nang polvora't bala lalong cailan~gan sa paquiquibaca caya di mangyaring tumagal pa sila sa paghihimagsic nilang lahat baga. Utos ni Espinar dito na sinunód militar ma't hindi ay cusang tinapos sargento Lamadrid at si Montesinos siyang unang unang namatáy na lubós. Yaong si Morquecho ang quinana naman nang caniyang maquita na uala nang daan nirevolver niya caniyang palipisan sa nasang matapos ang in~gat na búhay. Dapoua't di nangyaring namatáy na tiquís cung di nang icatlong arao nang sumapit siyang pagcatapos nang búhay na quipquip nitong si Morquecho na aquing sinambit. Lahat nang naculong na di nacalabás sa muog nang Tan~guay ay pauang nautás parang hinocoman ang nacacatulad canilang sinapit gayong paglalamas. Ang iba'y sa tacot sa dagat nagtalón nasang mailigtas ang búhay sa lan~góy n~guni't nahuli rin nang cañonero roon cusang nagtatanod na ualang caucol. Ang ibang nagtago at hindi gumalao sa sariling bahay tinacas na tanan at pinagbabaril yaong iba naman dito sa Maynila ay dinalang tunay. Hindi n~ga nalao't binitay na cagyat nang icadalauang puo't isa ang saad nang buang Enero't ualang nacaligtas ni isa man lamang sa canilang lahat. Tanang man~ga presong cusang nagdudusa doon sa Arcenal di nacalabas baga sa paghihimagsic ay biglang dinala cusang dinestierro doon sa Paragua. Ang fraileng si Rufian na umaquit dito sa nan~gapahamac doon sa Castillo nang magcagulo na'y nagtagong totoo ang toua'y malaqui na di mamagcano. Pagca't inacala'y cusang masusunod ang bumucong nais nang capua balaquiot fraileng solopicá caisa nang suot na maipabitay ang ating si Burgos. Caya nang maquita at siya'y matuclás nang capua castila inalpasang agad pagca't quinatuiran siya rao'y nalalabas sa alsahang yaon nang nan~gapahamac. Dito sa Maynila ay hindi nagtagal sa Reinong España'y omoui pagcuan sapagca't inisip maca pa macunan niyaong declaración gayong caguluhan. Sa nangyaring ito ang lahat nang fraile pauang nan~gagalac hindi mapacali at cusang nilacad lihim sa sarili si P. Burgos n~ga'y cusang ipaputi. Ugali't salita caguluhang ito ipagpatuloy co sa man~ga marino na nasa Arcenal nang matanto ito dito nagsilaban nang di mamagcano. Halos patay na n~ga nagsisilaban pa sa man~ga castilang canilang cabaca at isinusumpa fraileng lahat baga hangang ipiniquit yaong man~ga matá. Ang ibang nahuli doon sa Arcenal babaye at bata matanda't hindi man sa cañonero n~ga'y pauang isinacay saca ipiniit na pinarusahan. Hindi naluata't sa corte nang Madrid ibinigay alam ang paghihimagsic nang taga Kabite ni Izquierdong tiquís general na hayag na sacdal nang lupít. Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina doon n~ga dumatal bigay alam niya caya capagdaca ay sinagót siya maghalál nang Fiscal taga usig baga. Dito na inusig at cusang hinusay nang naturang Fiscal ang tanang nadamay sa nan~gaghimagsic sa lauigang Tan~guay at pinarusahan ang may casalanan. Binigyang indulto iba naman dito ualang man~ga malay sa nangyaring guló n~guni't yaong ibang may salang totoo lalong nahigpitan sa pagcaca-preso. Dito na hinuli si Miguel Zaldua naguing artillero nang panahóng una, na nan~gan~galacal nang talacsang baga doon sa Kañacaw, sa Udiong ang cuha. Caya nang piniit siya'y cabubuhat sa pan~gan~galacal na dati niyang hanap nasa lorcha pa n~ga nang dacping cagyat pati nang asauang pinacaliliyag. Sila'y itinuloy nang caracaraca doon sa Bilibid na piitang sadiya na di man quinunan declaración baga at caagad-agad sila'y pinagdusa. Yaong diligencia'y cusang itinuloy nang nasabing Fiscal nahalál n~ga noon, upang mapag-usig nan~gulo sa gayong man~ga caguluhan na ualang caucol. Nang maliuanagan dito lumabas na sa declaraciones na guinaua nila ang cusang nan~gulo sa caguluhan baga na nangyari noon na ualang capara. Ang unang lumabas di umano'y Imperio ang nasang itayó tanang filipino, at ang Emperador na lumabas dito si D. Joaquin Pardo de Taverang totoo. Ang man~ga ministros si Burgos at Basa Antonio Regidor, Paraiso't iba dito ay nadamay ualang malay baga caya nang dinaquip pauang napataca. Nang ito'y matanto man~ga fraileng lahat pauang nan~gaguló ang isip na in~gat caya ang guinaua'y canilang nilacad upang nang mabago ang sa unang hagap. Dito na n~ga sila gumaua nang pulong anila'y mabuti magcontribución nang ang ating nasang nilalayon-layon ay cusang matupad sa habang panahón. Sa pasiyang ito'y pauang nagsi-amin ni isa'y uala mang tumutol na tambing caya't nan~gag-gugol nang lubhang malihim sambuntong salapi cay Izquierdong saquím. Ipinagpilitan ang nan~gulo dito ang bunying si Burgos sa nangyaring guló caya ang marapat baguhing totoo ang sa diligenciang guinaua nang daco. Caya sa pagdin~gig at cusang pagtitig niyong si Izquierdo sa salaping tiquís yaong diligencia ay binagong pilit sinunod ang nasa nang fraileng balauis. Dito na lumabas nang ito'y mabago caya nan~gag-alsá man~ga filipino sa lalauigang Tan~guay ang nasang totoo maguing República ang lupaing itó. At cusang nahalál Presidenteng lubós ang ating marunong na si Dr. Burgos at ang man~ga hayag na m~ga Ministros ay ang natatalá dito ay casunod. Si Pardo Tavera siyang sa Estado sa Hacienda naman ay si Paraiso si A. Regidor siyang sa Gobierno si María Basa nama'y siyang sa Fomento. At si Maurante siyang sa Marina at si Mauricio siyang sa de Guerra marami pang iba dito ay nasama cusang idinamay binigyan nang sala. Caya n~ga pagdaca ang lahat nang ito sa lacás nang cuarta ay pauang napreso ang abang catuiran nalugmoc na rito sa abáng candun~gan nang dusang totoo. Bucód pa sa rito ay pauang nadamay sina Padre Lara, Sevilla at Dandan, Rosario, Guevarra, Hilario del Pilar, Tuason, Desiderio tagalog na tanán. Saca sina Sánchez, León at Carrillo, Enriquez at Serra, Máximo Paterno ay pauang natapon cusang dinestierro sa iba't iba n~gang bahagui nang Mundo. Natan~gi n~ga lamang sina Padre Burgos, Gómez at Zamora at si Zalduang puspos ang hindi natapon at cusang násunod sa nan~ga destierrong balót nang himutóc. Palibhasa disin sa salaping lacás sa diligencia n~ga pilit na lumabas ang apat na ito sa castillong cagyat sila ay mapasoc na cusang maghirap. Madali't salita ay hindi nagdaan yaong isang buan apat na tinuran sa sadyang Consejo de Guerra ang n~galan sila'y ipinasoc nang pinunong tanán. Lahat nang matouid ni na Padre Burgos, Gómez at Zamora ay pauang naayop nang lacás at bisa nang salaping handóg niyong man~ga fraileng asal ay balaquiot. Ang Consejong ito nang cusang minulán icadalauang puo't anim yaong bilang nang buang Febrero hapon yaong lagay nang panahóng lubós na lubhang mapanglao. Baquit ang nahalal Presidenteng tiquís sa gayong Consejo ang sacdal nang lupít Coronel nang hocbó, ang n~galan at sambit Francisco Moscoso na ualang cauan~gis. Fiscal instructor si Manuel Boscasa Comandante naman catungculan niya na isa sa man~ga caututan bagá nang dila nang fraileng man~ga palamara. A las cuatro n~gani nang ito'y minulán, si Padre Burgos n~ga ang una sa tanán sacá isinunod si Zamorang hirang at sacá si Gómez na casamang tunay. Anopa't ang lahat na man~ga defensor ay ualang nagaua sa Consejong yaon palibhasa disin caalam nang pusóng na fraileng sucaban caya-napagayón. Pagca't ang lumabás ó hatol na tunay ang Pena de Muerte ang siyang cacamtán nang apat na ito sa pagcacadamay na parang namuno sa gulóng nagdaan. Ang hatol na ito matanto ni Burgos ay cusang tumugón sa Consejong bantóg siya'y di papayag sa defensang lubós nang caniyang defensor sa fraileng caumpóc. Pagca't aniya siya'y hindi umaamin na siyang namuno sa bintang na tambing caya't ang tutol niya sa tanáng casalio siya'y ualang malay niyaong pagtatacsil. Ang bagay na itó di rin pinaquingán nang tanáng doroon cay Burgos na saysay palibhasa n~gani sila'y binayaran niyong man~ga fraileng higuít sa halimao. Uala ring nangyari cundi ang maghari sa canilang dibdib ang masamáng budhi na maipapatáy si Burgos na bunyi at pati nang tatló na casamang tan~gi. Caya n~ga't ang hatol n~g Consejong hirang apat na may sala alisán nang búhay dalhin sa Capilla doon ay ilagay hangáng may panahón macapan~gumpisál. Sumunód na arao nang pagca-umaga ang plaza de armas pinatanuran na isang regimiento hocbóng infantería sacá ang escuadrón niyaong caballería. Caramihang tauo ang siyang casunód na pauang nagtaglay n~g muc-hang malungcot sa pagcacaabá nang palad na capós niyaong tatlóng paring bibitaying lubós. Si padre Burgos n~ga siyang unang una at si padre Gómez at padre Zamora pauang ualang malay sa atáng na sala saca ang dinayang Francisco Zaldua. Ang apat na ito't pauang filipinos sa bayang tinubua'y maalam umirog lalong lalo na n~ga ang daquilang Burgos na anác na tunay tubo sa Ilocos. Si padre Zamora tagalog na tunay at tubong Maynila sa dacong Pandacan na naguing Rector n~ga't Cura sa Catedral niyaong nacaraang panahón at arao. Si P. Gómez naman ay tauong Sta. Crúz sacop nang Maynila sa diquít ay puspós sa lahing mabuti nagbuhat na lubós ang amá at iná mabuti ang loob. Sa gremiong Mestizo nang m~ga Sangleyes siyang nasasacop cusang natititic pagca't siya'y ancán nang man~ga japonés sa unang daco pa dito'y nagsi-alís. Nang ito'y mag-aral camusmusang edad dahil sa naquita sa gayong capahát man~ga catalasan nang isip na in~gat at bait na tan~gi na ualang catulad. Caya sa talino at dunong na taglay siya ay nagpari at nagcurang tunay saca nag Vicario Foráneo naman sa bayang Bacoor na sacop n~g Tan~guay. Cahulihulihan nacamtáng tibobos pagca Examinador Sinodal na lubós sa Arzobispado na ualang caayos m~ga carunun~gan na caniyang inimpóc. At siya rin naman naguing sugong tunay nang m~ga castila sa cay Luis Parang cusang naghimagsic niyaong dacong arao caya siyang mula nang capayapaan. Tumulong din naman sa m~ga pag-usig nang m~ga tagalog sa córte nang Madrid ang lahat nang fraile dito'y mapa-alis siyang naguing dahil caniyang pagcapiit. Ang naguing sundalong si Miguel Zaldua taga Camarines Vicol na talagá cusang naguing quintos na nahulog bagá sa batallóng hayág niyaong Artilleria. Ito'y nadestino sa lauigang Tan~guay naguing asistente nang tenienteng hirang na si Faustino Villabrilleng tunay saca nag-asaua sa isang timtiman. Ang timtimang ito na naguing asaua ay isang babaye lubós caquilala nang fraileng si Gómez Recoleto baga na Prior sa Tan~guay sa simbahan nila. Ito't hindi iba siyang humicayat na masamáng fraile sa magcasing liyag na paghimagsiquin jornalerong lahat doon sa Arsenal cusang napahamac. Ito'y siyang mula nang pagcacasama at pagcacadamay nang cauauang Zaldua na cusang nadaya pati nang asaua nitong m~ga fraileng lilo't palamara. Sa sabi at saad nang m~ga nagsulit ang babayeng ito ay cusang napiit sa cárcel nang dusa n~galan ay Bilibid siya ay napasoc nagtiis nang sáquit. Bayaang co ito ang ipagtuturing ang oras nang gabi nang cusang dumating may isang dalaga na lubhang mahinhing nag-isip ang tatlo ay cusang agauin. Ang n~gala'y Clarita na sacdál nang gandá cusang nagmasaquit nagnasang iadyá si na P. Burgos, Gómez at Zamora nang gabí ring yaon doon sa Capilla. Caya n~ga humanap nang macacatulong at may anim na puo ang caniyang naipon pauang sandatahan nang m~ga talibóng ang iba'y revolver pistola't remington. A las doce n~gani canilang tiapan ang lahat nang cuartel cusang lolooban n~guni't di nangyari pagca't piniguilan nang iláng clérigo cusang nacaalám. Caya pa n~ga ito nang maalamang lubós nang m~ga clérigong nasabi cong puspós suot lalaqui na sa bay-uang may sucsoc nang isang magara't mainam na guloc. Ang bagay na ito dapat n~gang pagmasdán at tularan sana nang babayeng tanán man~ga filipinang aquing cababayan marunong umibig sa tinubuang bayan. Ang bagay na itó ay iiuan co na at ang sasabihin madaling umaga nang arao nang sáquit binatbát nang dusa ang apat n~gang itó bibitaing sadya. Ito't hindi ibá di dapat limutin mapanglao na arao na calaguim-laguim dalauang puo't ualó ang bilang na tambing nang Febrerong buan sa sabi at turing. Nang mag á las seis ang lahat n~g caual nang man~ga castila cusang pinatahán sa Santa Lucía n~ga at sa Bagumbayan na pauang barilán at may cañóng tagláy. Sacá sa muralla nang Fuerza Santiago ang hocbóng castilang man~ga artillero pauang naca-abáng sa maguiguing guló na nababalita sa panahóng ito. Nang cusang sumapit á las sieteng oras yaong bibitayáng binacod na cagyat nang man~ga sundalo na dalá't aquibat nang Segundo Cabo Espinar na hayag. Bitayáng nasabi itinayóng tunay doon sa Espaldón pooc na malumbay at may sampuong metro yaong cataasan sa lupang tuntun~gan sa sabi at saysay. Ang tugtóg nang tambor at m~ga corneta dito na minulán na hinipan baga casabáy ang ayos nang man~ga música sa tinig nang marcha ang pagcacabadyá. Dito na quinuha ang na sa Capilla apat na taan na namamatáy bagá, ang man~ga sundalo nagbihis de gala saca n~ga barilán na may bayoneta. Casama sa lacad ang m~ga Cofradía nang Misericordia na caacbáy bagá tanang Comunidad nang Religión Santa nang Poong si Cristong sumacop sa sala. Si Miguel Zaldua ang una sa lahat cusang inalacad balót niyaong posas isang Franciscano at Recoletong cagyat siyang caagapay na cumacausap. Sacá ang casunod yaong isang lupong sari-saring órden nang fraileng pulutóng dalauang Jesuita na capulong-pulong ni Padre Zamora na nagcura Rector. Isang Agustino at Recoleto naman ang siyang casunód cusang umaacbay sa cay Padre Gómez na nagcura naman at Examinador Vicario sa Tan~guay. Cahuli-hulihan ay si padre Burgos na ina-acbayán nang dalauang puspós na m~ga Jesuitang natauag sa Dios na nananalan~gin nang lubhang tibobos. Baua't isa n~gani sa apat na ito ay binabantayán apat na sundalo at isang oficial sacá isang cabo at may m~ga hauac isang crucifijo. Nang sila'y dumating sa laang bitayán sila'y inahintó sacá binasahan nang bunying sentenciang sila'y mamamatay cusang bibitayin sa salang quinamtan. Matapos mabasa ang sentenciang titic ang nadayang Zaldua unang ipinanhic doon sa bitayán at inaupong tiquís sacá yaong liig ay cusang inipit. Si Padre Zamora ang siyang sumunód si Padre Gómez naman ang icatlong puspós na cusang tumutol hangang sa matapos ang hinin~gang ibig sa m~ga balaquiot. Bilang na icapat at huling binitay ay si Doctor Burgos na di nagulat man nagturing sa haráp nang caniyang calaban aniya; ¡Miserables! cayong fraileng tanán. Saca nang maupo sa uupang cagyat tumin~gin sa lan~git sa Dios tumauag ¡Poon co, Iná co, caloloua co'y tangáp nang camahalan mo't ito'y di co tatap! Nang masabi ito panaho'y nagdilím at parang naglucsa ang lan~git na tabing sucat isang sinag sa Arao na ningning ang siyang tumitig sa apat na MARTIR. Ang tanang nanood na m~ga tagalog pauang lumuluha sa quinamtang lungcót caya ang iba n~ga naglucsang tibobos bilang na pagdamay sa m~ga natapos. Nang ito'y mangyari ay nagsi-ouing lahat yaong m~ga fraile masayá't magalác baga ma't ang sindác sa dibdib namugad hindi ini-inó niyaong man~ga sucáb. Di naman nalaon ang apat na bangcay nitong ualang palad ay quinuhang tunay nang carro fúnebre nang bunying Hospital ni San Juan de Dios cusang nalalaan. Saca n~ga dinalá tunay inihatid niyaong sa Hermandad Misericordiang tiquís sa Pacong libin~gan cusang nalilibid nang Caballería't sundalong maquisig. Hangáng nilalacad nagsunod-sunoran ang maraming tauo hangang sa libin~gan at ualang usapan na bulong-bulon~gan cundi ang sa fraile na man~ga casamán. Sucat hangáng dito ititiguil co na itong pag-aauit nang abá cong Musa yamang natanto na guilio cong nanasa ang abáng sinapit nitong apat baga. Ang hiling co lamang huag lilimutin sa cailan pa man ualang pagmamalio n~g m~ga KAPATID abáng m~ga MARTIR sa tinubuang lupa (PATRIANG) guiniguilio. At cung mangyayari atin pang alayan sa taón-taón n~ga isang capistahan bilang pa ala-ala sa canilang tanán touing 28 N~G FEBRERONG buan. Para baga naman ating guinagaua cung cusang nadating arao na mistula n~g pagcacabaril sa MAPAGPALAYA nitong FILIPINAS, RIZAL na daquila. Cung magcacagayón cusang nalalaan sa m~ga Capatid pag-utusang tunay acong inyong lingcód, magpacailan man at HONORIO LÓPEZ ang aquing pan~galan. Katapusán |
[1]Isang mayaman.
[2] Coronel.
[3] Naguing alcalde sa Kagayan.
[4] Periódicong castila na inihayag sa Madrid.
[5] Si P. Agustin Mendoza, nagcura sa Sta. Cruz sa Maynila.
[6] Si P. Miguel Lasa, Prbro.
[7] Si Dr. Mariano Sevilla, Prbro.
[8] Si P. Pedro-Dandan, Prbro.
[9] Si P. Vicente del Rosario, Capellan Militar.
[10] Si P. José Guevara, cura sa Kiapo.
[11] Si P. Jacinto Zamora, Prbro.
[12] Si P. Anacleto Desiderio, Prbro.
[13] Man~ga castilang obispo.
[14] Si D. José Bonifacio Roxas, Alcalde na icalauang halál sa Ayuntamiento.
[15] Si D. Antonio Regidor.
[16] Si D. Ramón Ramirez, Provisor.
[17] Si D. Ramón González Calderón, Concejero sa Administración.
[18] Si D. José Gabriel González Esquivel na Naguing-Alcalde na unang halal sa Ayuntamiento.
[19] Si D. Javier Tiscar, castila.
[20] Si D. José de la Rosa.
[21] Si D. Juan Antonio Aenlle, amain ni Burgos coronel retirado.
[22] D. Gimeno Agustin, Intendente de Hacienda.
[23] Hindi Francisco gaya nang hula ni Eulogio Julian Tandiama.
[24] Isla del Sur: ang man~ga pulong cabisayaan at camorohan.
[25] San Anton ay isang nayon nang bayang Sampaloc (Maynila).