Title: Cinematografo
Author: Jose Maria Rivera
Release date: July 16, 2005 [eBook #16311]
Most recently updated: December 12, 2020
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
scans provided by University of Michigan.
Si D. TIBURCIO lamang.Tagpo I.
Si D. TIBURCIO at si BRUNOTagpo II.
Si BRUNO at si MARTINA lamang.Tagpo III.
Si BRUNO lamang.Tagpo IV.
Si ANGELING lamangTagpo V.
Si ANGELING at si BALTAZARA.Tagpo VI.
Sila din at si BRUNO.Tagpo VII.
Ang mga dati at ang mga bagong dating.Tagpo VIII.
Coro ng mga BABAE at LALAKE.Tagpo I.
Ang TINDERA at si PELITagpo II.
Sila din, at sina LUISITO at MARCOS.Tagpo III.
Sila din, at ang mga bagong dating.Tagpo IV.
Sila din at ang PULIS.Tagpo V.
Si ANGELING at si LUISITO.Tagpo VI.
Si MARCOS at si LUISITOTagpo VII.
Tio BESTRE at si BETENG.Tagpo VIII.
Si TIA MARTINA at si MARTATagpo IX.
Si D. TIBURCIO, pagkatapos si BRUNO at si MARTINA.Tagpo X.
Ang PULIS lamangTagpo XI.
Si ANGELING at si LUISITO.Huling Tagpo.
G. Eusebio GabrielTIBURCIO
Gg. Felisa BuenaventuraBALTAZARA
Bb. Juanita AngelesANGELING
G. Alfredo RatiaLUISITONG Makaw
G. Joaquin GavinoBRUNO
Gg. Ildefonsa AlianzaMARTINA
G. Eusebio ConstantinoTIO BESTRE
Gg. Antonia del RosarioTIA MARTINA
Bb. Natividad NonatoMATEA
G. Gregorio L. LopezBETENG
G. Pedro MarianoMARCOS
Batang Fortunato RafaelPELI
G. José SuarezPULIS
Gg. Mercedes NonatoTENDERA
Koro ng̃ Lalake at Babae.
PANAHONG PINANGYARIHAN: Kasalukuyan.
Ang dulang ito ay itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg Gran Compania de Zarzuela Tagala ñg dramaturgong Severino Reyes, noong ika 1.o ñg Hunyo ñg 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri.
Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.—Dalawang bintana sa siping ng pintuan.—Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga nanonood.—Hapon.
Pag-aañgat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan.
Si D. TIBURCIO lamang.
¡Sussssssss....! Sa lahat ng̃ araw na isinasal ng̃ init, ay lumabis naman ang araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan ng̃ trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (Saglit na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala ng̃ isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako! (Hihinto) Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa mg̃a mang̃ang̃alakal na lamang! Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan na lamang ng̃ mg̃a taong mapuputi, dahil na ... munting kibot, ang mg̃a makapangyarihan ay nagtatakda ng̃ mg̃a kautusang.... halos ay makalunod na sa mg̃a mahihirap. At, kung sakali namang, ang isa ay nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang Páhiná 6utos ang ibibigay. Nariyan ang kailang̃ang papintahan umano ang bahay o kaya'y palagyan ng̃ gayon o ganitong mg̃a ... ¡Sussssssss ...na buhay ng̃ buhay na ito!! (Hihinto ng̃ matagal) Ang araw na magamit ng̃ patuluyan ang "aeroplano", ay bibile ako agad, ng̃ upang maligtas na lamang sa mg̃a ganyang kautusan. Kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano pang amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa o kaya'y uupahang "ventilador"? Ng̃uni't, ipagpatuloy ko ng̃a ang pagbasa sa pahayagang ito, at ng̃ matalos ang mg̃a balitang dala niya. (Muling babasahin ang pahayagang tang̃an: Babasa) "Sakaling sa loob ng̃ pitong taon, ay maipakita ng̃ Bayang Pilipino ang kaniyang kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya ng̃ bayang Amerikano ang ganap na paglaya." (Hihinto.) ¡Salamat sa Dios, at kung papalarin ang bill na ito ni Mr. Jones, ay makikita ko pa ang paglaya ng̃ Pilipinas! ¡Maanong totohanin na ang pang̃akong ito ng̃ Bayang Amerika! (Titigil sumandali, at pagkatapos ay mapapalundag: Babasahin) "Pangkat ng̃ mg̃a nakawan". ¿Pangkat ng̃ mg̃a nakawan? ¿Di yata? (Babasahin) "Kagabing magiika 12 at 1 ng̃ madaling-araw, ay pinanhik ng̃ mg̃a magnanakaw, ang bahay ng̃ tagapang̃asiwa ng̃ aming pahayagan, at matapos na mabuksan ang lahat ng̃ mg̃a taguan ng damit, ay nang̃a-kadala ang mg̃a naturang magnanakaw ng̃ mg̃a hiyas at pagaari ng̃ taga pamahala namin, na umaabot sa halagang tatlong libong piso. Ang nakawang nabanggit, kahi't ginawa ng̃ mg̃a kampon Páhiná 7ni Kako sa isang daang hayag, ay hindi man lamang nabalitaan ng̃ mg̃a nagtatanod sa ating mg̃a lansang̃an. (Lalo pang gulilat) ¡Dios ko! ¡¡Dios ko!! Anong salot ito na gumagala at naghahari dito? ¿Ito baga ang katunayan ng̃ sinabi ng̃ ilang ginoo na kabutihan ng̃ pamamalakad? ¿Nasaan ang katiwasayang binibili ng̃ mg̃a mamamayang nagbabayad ng̃ di kakaunting kuwalta sa pamamagitan ng̃ mg̃a "contribuciones" at "amillaramientos"? ¡Mabuti na ang nangyayari! ¡Nagkakaroon ng̃ mg̃a nakawan, harang̃an at patayan ng̃.... hindi man lamang natatalos ng̃ mg̃a pulis at "secreta". (Hihinto ng̃ matagal) Sinasabi ko na ng̃a ba, at ang paglipana ng̃ayon ng̃ mg̃a kabalbalang ito, ay, galing sa mg̃a nagkalat na babasahing natutungkol kay Nick Carter. Ang mg̃a cineng iyan na walang ibang idinudulot sa mg̃a nagsisipanood kundi ang mg̃a nakawang sistema Zigomar at ang halikan. Wala, ito ang siyang totoo. At dahil sa bagay na ito, buhat ng̃ayon ang mg̃a cineng iyan, ay hindi na makikinabang sa akin, kahi't na isang kusing man lamang!..... (Tatawag) ¡Bruno!... Brunooooo ...! (Lalabas si BRUNO.)
Si D. TIBURCIO at si BRUNO
(Buhat sa loob) ¡¡¡Pooooooo.....!!!
Halika.
(Lalapit na pakimi) Pagutusan po.
Lumapit ka, torpe!
(Lalapit ng̃ payuko, tulad ng̃ karaniwang Páhiná 8gawin ng̃ mg̃a taga lalawigan, lalo na ang ilang tagabukid.) ¡Pagutusan po, siñor!
(Tataban siya sa isang tayng̃a.) ¡Torpe, halika't may sasabihin ako sa iyo. (Sisipain sa kaliwang pigi)
¡Naku....! ¡¡Naku pooo....!! Malabis po pala naman kayong makapagsalita, ah ... Talo pa po ninyo si kabisang Umeng doon sa amin na, munting kibot, ay........ ¡¡¡Naku......!!!
(Anyong sisipa uli.) ¿Naka ano, ha?
Nakatawa po't,....nagbibigay ng̃ kuwalta!
(Sa sarili) May hayop ang katawan nito. (Harap.) Siya, lumapit ka, at may iuutos ako sa iyo.
(Sa sarile.) ¿Bibigyan kaya ako ng̃ kuwalta? (Harap.) Turan po ng̃ aking pang̃inoon.
Huwag mong lilimutin, ha?
(Patulala) ¿Ang alin po? (Sa sarili) ¿Ang isinipa kaya niya?
Ang iuutos ko sa iyo.
Aba, umasa po kayong hindi. (Sa sarile) Ang akala ko'y kung ano na ang kaniyang ipa-aala-ala sa akin ah. Akala ko'y, ang sipa na....
Dingin mo. Buhat ng̃ayon, pagkatugtog na pagkatugtog sa ating orasang malaki ng̃ ika pito at kalahati ng̃ gabi ay....
Naku, pang̃inoon ko, ¿paano po ang pagtugtog ng̃ ating orasan, sa matagal na po siyang namamahing̃ang kaparis ng̃ orasan sa Santa Cruz?
(Sa sarile) May katwiran. (Hayag) Totoo ng̃a. Kung gayon, ang gawin mo'y, ganito. Pagtugtog ng̃ orasan ng̃ sambahan dito sa atin, ay ilalapat mong mabuti ang Páhiná 9pintuan, at huwag mong bubuksan kahi't na kang̃ino. ¿Naring̃ig mo ba?
Opo.
Nalalaman na daw nito. Hale ng̃a, tignan ko kung tunay na nalalaman mo na, ang aking inihabilin sa iyo. Dale, sabihin mo: ¿Ano ang iyong gagawin mamaya, pagkatugtog ng̃ ika pito at kalahati ng̃ gabi?
(Patulalang sasagot) Ma....ma....ma maya pu ba?
Oo, mamayang maka 7:30 p.m.
(Sa sarile) Para din akong ikakasal ng̃ayon ah! Sinusulit pa ako. (Hayag) Mamaya pong ika pito at kalahati, ay ... (Waring magiisip sumandali) ay, di, bubuksan ko po ang lahat ng̃ pintuan.
(Patalak.) Nakita mo na, ang sinalibat na ito ng̃ isang kallang.... (Duduhapang̃in si Bruno at tatadyakan.) Naku, ang hayop na ito, ah, paghindi kita pinatay ...!
Mangyari po'y, sinabi ninyong ika pito at kalahati p.m.
¿Eh, ano ng̃ayon?
Aba, ang sabi po ni Ñora Sara sa akin, ng̃ minsan pong itinanong ko sa kanila kung ano ang kahulugan ng̃ p.m. na malimit kong makita sa mg̃a anyaya, ay sinabi po nila sa akin na ang kahulugan daw po'y....
¿Ano? ¿Ano daw ang kahulugan?
Eh, magbukas daw po ng̃ pinto.
(Sa sarile) ¡Que atrocidad! (Hayag) Pareho na kayo sa pagka ling̃as ng̃ iyong Ñora Sara. (Galit) Kung ang lahat ng̃ maglingkod sa akin ay gaya mong mg̃a bruto, ay hindi malayong magkaroon tuloy ako ng̃ tisis galopante.
(Pagkaring̃ig ni Bruno sa sinabing bruto Páhiná 10ni D. Tib. ay iiyak ng̃ ubos lakas.) ¡¡Inaku, Dios ko po, inakuuuuu!
Aba, at bakit ganiyan na ang ng̃alng̃al mo?
Mangyari po'y....(Iiyak ng̃ lalong malakas) Mangyari po'y ... tinawag ninyo ako ng̃ bruto, eh, Bruno po naman itong ng̃alan ko.... Huuuuu ...!!!! (Iiyak uli)
¡Tinamaan ka ng̃ ... isang bakurang.... (Matatawa siya, ng̃uni't pipigilen) Siya, siya, huwag mong lilimutin ang ipinagbilin ko sa iyo ha? (Babatukan at pagkatapos ay aalis.)
Opo.... Aruuuy, aruuuuy....! (Liling̃ap sa kaniyang likuran at pagkakita na wala nang tao doon, ay magsasabi.)
¡Naku ... kung hindi ko lamang siya pang̃inoon, ay nagkahalohalo na sana ang, balat sa tinalupan. (Susubsob sa lamesa at iiyak na parang bata)
(Lalabas si MARTINA na pagkaring̃ig; sa pagiyak ni Bruno ay magtatawa.)
Si BRUNO at si MARTINA lamang.
TUGTUGIN.
¡Ha....Ha....Ha....Ha ... Bruno!
Martina, ¿bakit, ano? ¿Pagtawa mo'y kang̃ino?
¿Kang̃ino? Tuturan ko.
SILANG DALAWA
Martina: | Bruno: |
Kahit ano ang isulit
Ako'y hindi makikinig,
Sa batang walang batid,
Ang mabuti ay pagtikis.
|
Kahit ano ang isulit
Ako'y hindi makikinig,
Sa babaeng walang batid
Nararapat ay pagtikis.
|
SALITAAN.
(Tatawa) ¡Ha....Ha....Ha....!! Kawawa naman itong si Bruno.
(Natutuwa.) ¡¡Ay,.... salamat, Martina ko at, sa akin dinaingdaing, ay nakuha mo din ang maawa.
(Galit) ¿Ha? ¿Baka naloloko ka na! Sino ang nagsabi sa iyong ako'y....?
Sino daw, hindi ba't, kasasabi mo pa lamang ng̃ayon?
Hooy, maglubay ka ng̃a ng̃ pagsasalita ng̃ ganiyang mg̃a kamangmang̃an. (Sasabihin ito ng̃ padabog)
At, hindi ba sinabi mo kang̃ina lamang na, naaawa ka sa akin?
(Patuya) ¿Na-aawa pala ako sa iyo, ano ha? Mangyari ng̃a ba, (Lalong patuya.) sa, mukhang tinampalasan ka na naman ng̃ ating pang̃inoon.
Aba, Martina, naloloka ka na ba? ¿Bakit ako tatampalasanin ng̃ ating pang̃inoon? ¿Hayop ba ako na kaparis ng̃ iba diyan?....
(Patuya.) At, hindi ka pala tinampalasan, ha? Sabihin mo ng̃a, ¿bakit ba namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo?
¡Ah, loka, loka ka ng̃a! ¿Di mo ba, nalalaman na ang gayon ay isang malaking saksi ng̃ pagmamahal niya sa akin?
¿Ang tampalin ka ba?
Oo, dahil na iyan ang tinatawag ng mg̃a kastila na tunay na kariño. Ikaw ba, ay tinampal na o hinawakan man lamang ang mukha mo ng̃ ating pang̃inon?
(Galit) Hindi ng̃a, ¿bakit?
Nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakariño?
(Yamot.) Kuñg hindi, ay hindi. Kariño pala ang tawag mo sa papamulahing parang saga ang mukha mo. ¿Bakit ba naman, namimiskotso ang iyong mg̃a labi?
Mangyare, ako'y kaniyang pinang̃ang̃a.
¡Ah ...hang̃al, ...torpe ...gago ...!! (Hihilatan ng̃ mata, at pagkatapos ay aalis.)
Si BRUNO lamang.
¿Hang̃al? ¿Torpe? ¿Gago? ¿Gago ako nitong kay tuwid kong magsalita? ¡Ah.... hindi, ako'y wala ni alin man sa mg̃a ipinaratang sa akin ni Martina. Naiingit lamang siya sa aking pamumuhay.
(Buhat sa loob) ¿Are you going to the Cinema to night?
Yes.
¿Is it true, dear Angeling?
Yes.
I shall await you there.
Yes. Don't speak to loud; we might be heard.
At the same place?
Yes. Go away now, Papa might see you. (Pagkatapos ay makariringig ng animo'y naghahalikan.)
Nakú, nandagit na naman ang lawin....! Diablo!...Dimonyo! Heto ang nagiging tubo ng̃ magulang na bayaan matuto ang anak ng̃ "yes". Buhay na buhay siyang napaglalakuan....¡¡Kuuuu!! Magtiwala ka ng̃a naman sa anak na babae. Panibulos na panibulos ang aking pang̃inoon na hindi pa natatalos ng kanyang anak ang gawang umibig....¡Ha....Ha....Ha....!! eh ito pala'y papauwí na. At, ang na iibigan pa naman, ay isa diyan sa mga binata na, palaging walang sumbalilo kung magpasyal sa lansang̃an, tatlo o apat na lupí ang laylayan ng̃ pantalon at kung mag mericana'y yaong palaging may bigkis sa likod....!! ¡Maniwala, maniwala ka ng̃a naman sa babae....Hesus!....(Aalis at papasok sa kaliwa.)
Lalabas si ANGELING.
Si ANGELING lamang
TUGTUGIN
SALITAAN.
Oo ng̃a, wala nang buhay na gaya ng akin; punong punó sa ligaya, busog sa kasayahan. Sa mg̃a magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon. ¡Ah ...! ¡Anong sarap ng̃ buhay na gaya nitong aking taglay....
Lalabas si BALTAZARA.
Si ANGELING at si BALTAZARA.
(Buhat sa loob) ¡Angeling, Angeling ...!
¡Pooooo ...!
(Parang may hinahanap) ¿Hindi mo ba nakikita ang aking pustisong buhok? Kag̃gi-kang̃ina ko lamang hinusay, eh, nawaglit na ng̃ayon. At napakiramay pa mandin ang aking postisong ng̃ipin na kalilinis ko din.
Hindi ko po nakikita, nanay.
¿Saan kaya napasaksak? Hale ng̃a, hija, tulung̃an mo ng̃a ako sa paghanap.
Opo, nanay. (Kunwa'y hahanap ng̃ sumandali at pagkatapos ay babalikan ang kaniyang Ina,) nanay, mamaya ay magpapasyal ako, ho? (Palambing na sasabihen)
¿Na naman? ¿Saan ka na naman paroroon?
Sa Cine, po. ¿Papasok akó, ha nanay?
¿Cine na naman? ¿Hindi ba't, kagabi lamang ay nasok ka na?
Siyang̃a, nanay. (Lalong palambing)
Gayon pala, ¿bakit ibig mo na namang pumasok mamaya?
(Tatawa ng palihim) Aba, si nanay naman! Hindi ba ninyo nalalaman na ng̃ayon ay Huwebes?
¿Eh, ano kung Huwebes?
Eh, araw po ng̃ayon ng̃ kambio.
Kambio ba ng ano ang pinagsasabi mo?
Kambio ng̃ programa po.
At, ¿ano daw na naman ang palalabasin?
Zigomar contra Nick Carter po.
¿Magaling daw ba iyon?
Magaling daw po, ayon sa balita ng mg̃a pahayagan. Papasok ako, ha nanay?
(Lalabas si BRUNO na sumisigaw at waring may hinahabol na aso. Tang̃an sa kanang kamay, ang isang postizong buhok at sa isa naman ay postisong ng̃ipin,)
Sila din at si BRUNO.
(Waring hinahabol ang aso. Humihing̃al. Takot.) ¡Che ...! ¡Che ...! ¡Cheeeee ...! (Lalong takot) ¡Nakú, malaking basagulo ang nangyare; ang aso ... ay nakakawala, at ... nakamatay ng tao ...!!!!!
(Gulat) ¿Ano ang nangyare, ha, Bruno? ¿Ano ang nangyare?
(Lalo pang gulat.) ¿Ano, ano daw ang nangyare?
(Takot) Ang atin pong aso na Mariano Gil ay nakakawala at....
¿At, ano?
¡¡Nakamatay po ng̃ tao....!! ¡¡¡Nakuuu.!!
¡¡Susmariosep!!....(Manginginig sa takot)
¿Tunay ng̃a ba?
Opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu ng̃ ng̃ipin ng̃ taong: napatay ...¡Susmariosep.....! ¡Talagang hayop si Mariano Gil! ¡Naku ang ng̃ipin ng̃ taong napatay! (Ipakikita ang ng̃ipin at buhok na postizo)
(Tatang̃anan, at mapapasigaw sa takot.) ¡¡¡Naku po, Dios ko ...!!! (Pagkatang̃an sa ng̃iping pustiso ay makikilala. Galit) ¡Aba, eh ito ... ang ng̃ipin kong postiso na hinahanap ah ... (Galit) Ang hayop na ito. (Kay Bruno) ¡Animal, sa lahat ng ginawa mo sa akin, ito ang....
¿Bakit po, Nanay?
Eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman akó.
(Sa sarile) Sa lahat daw ng̃ ginawa ko sa kanya ...(Harap) ¿Kaylan ko po ba kayo linoko? (Papakumbabá)
(Ipakikita ang pustiso.) At, itó, masama pa bang pagloko?
Eh, hindi po ba buhok iyan?
Oo ng̃a, buhok, ng̃uni't ito'y pustiso ko animal at hindi sa patay na taong gaya ng̃ sinabi mo. (Sisiyasating ang buhok.) Tignan mo ang ginawa mong ito, ginusot mo. Babayaran mo ng̃ayon ito.
Aba, hindi po ako ang sumira niyan. Di po, pabayaran natin sa aso.
(Kay Balt.) Siyang̃a naman, nanay.
(Kay Ang.) Aayunan mo pa ang hayop na iyan. (Kay Bruno) Babayaran mo ng̃ayon itong aking buhok.
(Sa sarile) Katuwirang diablo na itong nalalaman ng̃ aking ama. Iba ang sumira, at, ako ang papagbabayarin. Maniwala kang̃a naman sa ayos ng̃ babae. (Titigil) Kay don Tibursio, ay walang sandaling di pagpuri sa buhok ng̃ kaniyang asawa ang nariring̃ig dahil sa kalakihan umano, ito pala'y ...pustiso lamang ...Baka pa kaya, pati ang......este, pati ang mata nito'y pustiso na din ah.....!
(Galit) ¿Ano ba ang ipinagbububulong mo, ha?
Wala po, señorita, wala po akong ibinubulong ng̃ laban sa inyo....Na aala-ala ko po lamang ang nangyare sa pustiso....
(Galit na lalo) Pues, hindi mangyayare. Ginusot mo ang aking buhok, at babayaran mo ng̃ayon.
(Lalabas si D. TIBURCIO na kasabay nina TIO BESTRE, TIA MARTINA, BEPáhiná 18TENG at MATEA. Ang mg̃a ito, tang̃i lamang si D. TIBURCIO, ay paraparang may mg̃a bitbit na tampipe. Si BETENG ay hilahila ang isang asong payat. Ang gayak ng̃ mg̃a itó, ay mg̃a lipas na sa "moda". Si TIO BESTRE, ay nakasuot ng̃ isang "chaqueta" ng̃ mg̃a tininté sa barrio ng̃ panahong yumao ng̃ kastila. Ang magsisiganap ng̃ mg̃a tungkuling ito, ay nararapat na, ang kanilang isuot na damit ay iyong nakatatawa. Ang mg̃a bagong dating ay mg̃a tagalog na napatirang matagal sa isang nayon ng̃ Kapampang̃an.)
Ang mga dati at ang mga bagong dating.
(Mula sa loob) ¡Tuloy, tuloy kayo! ¡Sarang....! (Kay Baltazara) ¡Sarang ...! Eto, eto ang mga kaka! Nagsidating na kasama ang dalawa nilang anak na kambal, iyong madalas na isulat sa atin noong hindi pa malay na dumating dito sina Dewey.
(Sa mg̃a bagong dating) ¡Naku ...salamat sa Diyos, at na ka-ala-ala pa kayo sa amin.
Bah, taganang maluwat nang tutu ing sa aming buri na dalawin ikayu, pero dapo't, tutung marayu ing sa amin, saka ame karagul ing sa kekaming gastus. Lalu na ng̃eni, malaki ing natuyot na pale sa kekami.
(Sa sarile) ¡Diablo ...! Saan kaya nagsipangaling ang mg̃a bikas na ito? Ito ata ang tinatawag na antidiluviano ah! Naku, kung panahon lang ng̃ayon ng̃ Karnabal, sinabi ko na sanang sila'y mg̃a naka balat kayo.
(Sa dalawa niyang anak) Oh, Beteng, Matia, ano, oh bakit hindi kayo sumiklaud ng̃ gamad sa inyong bapa? ¿Nanung hihintain yu?
Yapin naman, obakit ekayu siklaud? ¡Diablus kong anak....!
(Tatang̃anan ang kamay ni D. Tib.) Mano po, mg̃a bapa. (Madalas na sasabihen) Kamusta kayo, ali ko pu misasalunan? Ikami pu mayap, lugud ing Ginung Dios. Nukarin lapú ding anak, kumusta la naman? ¿Nuya pu karin ding kakung pinsana ¿Ala lapu?
Naririto. (Kay Angeling) Angeling, heto ang mg̃a pinsan mo.
¡Ah, ikayu pala! ¡Kalaguyu! (Kay Angeling) Kumusta ka pisan, nanu ing bili mu queti? Masaya ba queti quecayu, ja? ¿Ali ba masaya, ja? (Madalas)
(Sa sarile) ¡Naku, parang kalakwerda kung magsalita ito.
(Kay Ang.) ¿Mayap wari? ¿Magpapasiyal ka baka queti beng̃ibeng̃i?
(Sa sarile) ¡Tinamaan ng̃....! Talo pa ng̃ babaeng ito ang elektrika sa bilis kung magsalita ah.
(Mamasdang patulala si Matea na hindi sasagutin, at pagkatapós ay haharapin si D. Tib.) Tatay, nakú, napakadalas namang magsalita ng̃ anak ng̃ Tio Bestre.
(Si BETENG na pagkakita sa mesedora ay umupo doon, mapapasigaw ng̃ malakas, ng̃ ang naturang mesedora ay gumiwang.)
(Lulundag) ¡Ba, dipaning alti ...!
(Pagulat) Bakit, hijo, napano ka? ¿Ano ang nangyari?
(Kay Beteng) Oh, bakit, ¿mepilay ba ika?
Ali pú, balaku pu mate naku.
(Sa sarile) Sinasabi ko na ng̃a ba kang̃ina pa at gagawa ito ng̃ aliwaswas eh ...Dagukan ko yata ah.
(Kay D. Tib.) Papá ayoko nang̃ang makipagusap sa anak ng̃ Tio Bestre. Napakadalas magsalita. Nakabubuwisit ... ¡Nakú, masakit na po ang ulo ko!
Pasiensia ka na hija, at talagang ganiyan na iyan, buhat ng̃ ipang̃anak. Pasusuhin pa lamang iyan eh, wala ng̃ lagot kung umiyak.
(Lalapit sa kanyang ama. Mamasdan si Angeling at magsasabi.) Tatang, buriqu ...
(Sa sarile) ¡Nakita mo na, di ang hayop na ito'y tinawag pa ng̃ buriko ang kanyang ama?
(Kay Tio Bestre.) ¿Bakit, ka Bestre, ano ang nangyayare kay Beteng?
(Mamasdan uli si Angeling: Kay Tio Bestre.) ¡¡Tatang ...Tatang ...Barike.....!! (Maninigas.)
(Gulilat) Aba, bakit, may sakit bang naninigas ang anak mo?
Oo, atin ng̃a. (Bubuhatin nila ni D. Tiburcio si Beteng at ilalagay sa kabilang mesedora: Pagkalagay doon, ay gigiwang na muli at si Beteng ay lulundag sa takot.)
(Gulilat) ¡¡¡Pigbung̃anapu ning al ...!!!
Bah, o bakit, nanung nangyayare sa iyo?
O baquit gagalo ya ing sillang yan, malikiu ku.
(Parang galit) Beteng, huwag kang mamulang.
Tatang, burike ing pinsan ku, i Angeling ...
Alika maing̃ay, sabe aku ing bahala.
(Kay Tio Bestre.) Eh, ano ba, pinsan, ano at nakaisip kayong dumalaw dito?
Mallari, ibig ko na sanang gawan natin ing pinagkayarian ta, kanita pang limang taon ng̃ayon.
Ampong, maninap nakung maninap pamanlumbe sipitograpo, uling babalita ng̃ kabisang Gusting kekami.
(Kay Baltazara) Sarang, ito ang pinsan kong pinang̃akuang pagpakasalan sa anak niyang lalake sa ating Angeling. Ng̃ayon ay ibig niyang matupad ang aking pang̃ako, kaya't ang mabute ay, kausapin mo ang ating anak. Ipina-aalaala ko sa iyo na sila'y mayaman, Hale na, sulsulan mo na sana ang ating Angeling upang ibigin na si Beteng.
Hindi ko masasangayunan ang iyong nais. Gayon man, ay pagbibigyan kita. (Kay Angeling) Angeling, ibig daw ng̃ Tio Bestre mo na ikaw ang mapang̃asawa ng̃ kaniyang anak na Beteng.
(Pataka) ¿Ano ang sinabi ninyo, Nanay? ¿Pakasal ako sa antipatikong iyan? Bah, mabuti pa'y uminom na ako ng̃ lason. (Pasamo) Nanay, huwag kayong pumayag na ako'y makasal kay Beteng.
Hayaan mo at ako ang bahala.
(Kay Baltazara.) Nanay, pag ako'y pinilit ng̃ tatay, ay papasok na akong monha.
Lokang bata ito, hayaan mo't ako ang bahala (Kay D. Tib.) Tibo, ayaw kay Beteng ang ating anak. May katwiran naman siya......
(Galit) Pues, hindi mangyayare, SusuPáhiná 22nod at susunod siya sa aking ibigin. No faltaba mas. Ng̃ayon pa namang nagkayari na kami ni ka Bestre.....¡Hindi mangyayare!......
Aba, hindi naman ako makakapayag na ikasal ang aking anak sa di niya nagugustuhan. Mangyare na ang mangyayare!!
(Galit din) Sarang, sukat na ang pagsagot! Ayoko ng̃ sasagot ka sa akin!... ¿Naring̃ig mo ba?
(Patuya.) Bah, para ka namang kaiser ah.
(Kay D. Tib.) Nung makanyan, pinsan aasahan ko na ang iyong pang̃ako.
Oo, ka Bestre, asahan mo na....
(Nariring̃ig ang paguusap ni D. Tib. at Tio Bestro: Kay Baltasara.) Nanay, huwag ninyo akong bayaan....Ipinang̃ako ako ng̃ Tatay sa Tio Beatre.
Hayaan mo sabi at ako ang bahala, eh.
(Kay Tio Bestre) Oh, Tatang, etamu lumbé cine? (Kay Angeling) Pinsan, tukika quekami, ja? Tara na miblas. Nung mipuntaka karin quekami, akit mula ding sesesen kung ayup, babi, manuk ampong ...
(Sa lahat) Bueno, itamung lahat lumaue cine pota.
Kayo na lamang, ka Bestre.
Aba, alí mallari....Itamungan. Itamungan lumbé tamung Cine....
Bueno, tayong lahat ay pumasok. (Aparte) Naipang̃ako ko pa namang hindi na ako papasok sa Cine.
(Kay Tib.) Eh, ako po ba'y hindi ninyo ipagsasama?
Hindi. Ikaw ang matitira dito sa bahay.
(Takot) Aba, aking pang̃inoon, natatakot po akong magisa dito. Natatakot po ako..!
Pasasamahan kita kay Martina, duwag!
(Pataka. Galak.) ¿Ho? Aba....kung gayon po'y....masok na kayo ng̃ayon din. Ang pagpasok po sa Cine, mientras maaga, ay mabute, dahil na, baka hindi na tuloy ninyo matapos.
(Sa kaniyang mg̃a panauhin) Eh, siya, tayo na humapong maaga at ng̃ makapasok agad sa Cine.
Yaping mabute. Tara na mang̃an ...
(Lahat ay magsisipasok. Mamasdang mabute ni Beteng si Angeling; pandidilatan naman nito iyon ng̃ mata, matatakot si Beteng at patakbong papasok.)
Pagaañgat ng Tabing ay makikita ang larawan ng isang kilalang lansañgan sa Maynila, na mangyayaring maging ang daang Azcarraga o alin man ibang daan. Sa gitna, ay makikita ang panglabas (fachada) ng isang mainam na Cine. Maraming tao na magyayaot dito sa naturang daan, na ang ibá'y magsisipasok sa Cine matapos namakakuha sa taquilla ng bilyete. Sa gawing kanan ng Cine, ay makikita ang isang tindahan na may babala na: MONGO CON HIELO Y LECHE-EXTRA. Sa gawing kaliwa, ay makikita naman ang isang babae na nagtitinda ng mga kakanin. Mag-iikawalo't kalahati ng gabi.
Lalabas ang KORO ng BABAE at LALAKE, na nagsisiawit: Gabí.
Coro ng mga BABAE at LALAKE.
(Pagkatapos ng̃ pag-awit, magsisigawa ng̃ isang "evolución" at saka magsisipasok sa pinto ng̃ Cine.)
Lalabas ang batang lalake, si PELI, at lalapit sa may tindang mg̃a kakanin.
Ang TINDERA at si PELI
(Kay Peli) Ano, Peli, ¿Papasok ka na naman sa Cine?
(Waring kagagaling pa lamang sa pagiyak.) Hindi po. Wala po akong pera, eh.
Bakit hindi ka huming̃i sa iyong Nanay?
Huming̃i po ako, ng̃uni't, ang ibinigay po sa akin, ay palo.
¿Ha? ¿At bakit?
Mangyari po, ng̃ ako'y humihing̃i ay nataon naman na sila'y napantoche sa pang̃uingue, kaya po,t en vez na kuwalta, ang ibinigay po sa akin ay palo at kurot.
(Lalabas sina LUISITO at MARCOS, buhat sa kaliwa.)
Sila din, at sina LUISITO at MARCOS.
(Kay Luisito) Luisito, dito ang mabuting paghihintay, ng̃ makapangaliskis tayong mabute ng̃ mg̃a dalaga.
Ikaw naman ang taong wala nang na-aala-ala kundi ang dalaga. At, minsan man, ay hindi ka na nagkasiya sa isang kasintahan. Marahil ang puso mo'y walang iniwan sa repollong china.
(Patawa) Nagsermon na naman si Padre Luis. Nalilimutan mo lamang marahil kaibigan ang kasabihang: Pues que la vida es corta, soñemos, alma, soñemos! Hale ng̃a, sabihin mo ng̃a naman, eh bakit ikaw, hindi ka na nagsawa sa amerikanang de cinturon at sa di pagsusuot ng̃ sumbalilo?
Tao ka ng̃a pala. ¿Hindi mo ba natatalos na iyan ang costumbre americana?
Naku, maniwala kang kung ang lahat ng̃ costumbre ang susundin natin, eh hindi malayong, bukas o makalawa, ay maglagay ka na ng̃ kumot sa ulo.
Aba, iyan ang hindi ko magagawa.
At, ¿bakit hindi? Eh, kung mamoda?
Kahit na.
(Pagkatapos na masdan ang bata: si Peli: Kay Luisito.) Luisito, masdan mo ang batang iyan. (Ituturo si Peli na nakaupo.)
¿Sino bang bata iyan?
Iyan ang isa sa mg̃a dakilang amateur ng̃ Cine. Walang gabi na di nanasok sa Cine ang batang iyan.
¿Gayon ba? ¡My God!
Oo, maniwala ka. Halika't ating lapitan at kausapin tuloy, samantalang hindi pa dumadating ang ating hinihintay. (Lalapit silang dalawa, at kakausapin ni Marcos si Peli.) ¡Hooy, Peli, narito ka na naman, ha? Tila nawiwili ka sa panonood ng̃ Cine, ano?
(Pakimi) Kaunti po lamang.
¿Bakit mo ba naiibigan ang Cine?
Mangyari po'y sa Cine ako inpinang̃anak ng̃ aking nanay.
¿Siyang̃a ba?
Gayon po ang sabi ng̃ nanay ko sa akin. Buntis daw po silang kagampan, ng̃ naisipan nilang masok sa Cine. Nang̃ang̃ahalati na daw po ang pelikulang kanilang pinanonood, ng̃ ipinang̃anak nila ako.
¿Saan ka inpinang̃anak?
Sa Cine po.
¡Jesus......!
At, ¿ano daw naman ang pelikulang ilinalabas ng̃ ikaw ay ipang̃anak?
Zigomar daw po.
(Sa sarile) ¡¡Que barba....ridad!!!....
(Sa sarile) ¡¡¡Kay liit namang Zigomar nito....!!!
(Kay Peli) Eh, ano naman ang ing̃inalan ng̃ nanay mo sa iyo?
Pelicula, po.
¡Santa Barbara!.... (Makakaring̃ig ng̃ yabag at sipol ng̃ auto: kay Luisito.) Luisito, tila sila na ang dumarating. Hayan at sipol ng̃ auto nina D. Tiburcio ang nariring̃ig ko, ah.
Sila nang̃a. ¡Salamat sa Dios! Tayo kumanlong.
(Lalabas sina D. TIBURCIO, BALTAZARA, ANGELING, TIO BESTRE, TIA MARTINA, BETENG at MATIA. Ang tatlong nauuna, ay mabute ang gayak, ang apat na huli, ay lalo pang nakatatawa ang mg̃a suot.)
(Kay Luisito.) Ang mabute. Luisito, ay pumasok muna tayo sa magmomongo.
Pakikita muna ako sumandali, at pagkatapos ay tumung̃o tayo sa mongo. (Sa sarile) ¡Sinabi ko na, at papagkakagastahin ako, ah....! ¡Ipapalo't ipapalo ang kaniyang kaliskis.....!
Sila din, at ang mga bagong dating.
(Hilahila ang kanyang aso.) ¡Tatang, burique ing cacung pinsan.
Sinabi ko na sa keka, aku ing bahala.
(Kay Angeling) Pinsan, iti wari ing cine? O, itang metun nanu neman ing lagyu na?
(Wala sa loob) Mongo con hielo.
(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok, mientras maaga, at ng̃ makauwi agad.
Yaping mabute. Tarana. (Magkukunwang kukuha ng̃ kuwalta upang ikuha ng̃ bilyete, ng̃uni't uunahan siya ni D. Tiburcio sa taquilla. Si Tio Bestre ay lihim na tatawa. Si Beteng ay magaanyong bibile ng̃ mani.)
Lalabas ang PULIS.
Sila din at ang PULIS.
(Pagkakita sa aso na hila-hila ni Beteng.) Se, jombre ¿cosa, esti aso gat licencia? (Tatapikin sa balikat si Beteng, na pagka kita nito, ay mang̃ang̃atog sa takot.)
(Tatakbong lalapit sa ama niya.) Tatang dadakpanaku pu ning pulis.
(Sa Pulis) ¿Que es lo que quiere V.?
¡My God!... Mi quiere visto este licencia esti aso.
(Kay Tio Bestre) Ka Bestre, dala ba ninyo ang bwis ng̃ inyong aso?
(Patulala) Aba, ali. O bakit, ¿pati ba ing asu magbayad ng̃ bwis queti sa Manila ng̃eni?
Oo, ka Bestre. Dito sa Maynila, ay ibinubuwis ng̃ayon ang lahat. Hang̃in lamang ang hindi pa. Pag nagkabisala'y ito man ay ipagbabayad na din.
(Galit) Bah, milalu na naman iyan.... ¡¡¡Tekalanapu ning ... lintik ...!!
(Kay D. Tib.) Cosa, esti aso no gat licencia?
No tiene.
(Pagkaring̃ig sa sagot ni D. Tiburcio, ay pagtatangkaang agawin kay Beteng ang aso.) ¡Ce, jombre, entrega conmigo esti aso.
(Hindi ibibigay) Ba, aliku bisa. (Galit) Ing asung ini kanaku ya, ¿bakit kuanan me? ¡¡Salbaje nakang tao....! ¿Anta, ika ing sinese kanine? (Ituturo ang aso) Tabakan daka galang....(Sa ama niya) Oh, tatang, bakit kakuanane nining Pulis ing asu ku?
Mallari alang cedula, o queti pala sa Maynila, pati asu mamayad ng̃ cedula.
(Dahil na ayaw ibigay ang aso ni Beteng, ay kukunin ang kaniyang revolver.) Cosa, yu no dale conmigo esti yu aso?
(Maghihiyawan, pagkakitang tang̃an ng̃ Pulis ang revolver.) Beteng, ibigay mo na ang aso! ¡ibie mune ing asú....!!
(Tatagnan ang lubid ng̃ aso at aagawing pilit. Mabibitawan ni Beteng ang aso.) Ahora, si yu quiere saca esti asu otra vez, puede anda coral y paga diez peso. (Papasok na daladala ang aso.)
(Pagpasok ng̃ Pulis, iiyak at maglulupasay na parang isang bata.) Aruuuy.... kalulune rugú ing kakung asu.... (liyak ng̃ malakas.) Sinese que pa namang mayap saka eni, quing̃uane ning dipaning....!!
(Kay Bet.) Beteng, ustuna ng̃ pag-quiac. Tarana lumbe Cine.
(Iiyak ng̃ malakas pa sa una) Aliku, tatang, aliku bisa; ing asu ku....!
(Kay Balt.) Nanay, tignan ng̃a ninyo Páhiná 30ang naiibigan ng̃ tatay, masahol pa sa pasusuhin ah....
Tunay ng̃a, iha.
(Kay Tio Best) Ka Bestre, bakit ba naman dinala pa ni Beteng ang aso niya?
Bah, mallari, siya ang sumese doon; saka dela niya, bang regalo kanú queka. ¡Naku, taganang mahat sa kanyá ing asung iyon.
(Kay Bet.) O, Beteng, ustuna. (Sa lahat) Tarana, lumub tana qng Cine.
(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok. (Lahat ay magsisipasok. Matitira si Angeling.)
Si ANGELING at si LUISITO.
(Kay Ang.) Angeling, panahon na itong dapat nating samantalahin.
Maghintay ka pa ng̃ ilang saglit.
¿Maghintay pa?
Oo. Pagka tayo umalis ng̃ayon din, ang dulo'y abutin tuloy tayo ng̃ habol.
At, ¿paano ang ibig mong gawin ko?
Sinabi ko na sa iyong, maghintay ka pa ng̃ ilang saglit,
¿Lalabas ka bang uli?
Oo. Ang "chauffeur" namin ay pinagsabihan ko na. Hanggang mamaya.
¡Salamat ...!
Hintain mo ako sa auto. (Papasok.)
Si MARCOS at si LUISITO
(Kay Luisito) Ano, kaibigan; tila ng̃ayonPáhiná 31ay, sigue Dagupan kana, ha?
Wala ng̃ kasalasala.
Mabute. Ng̃uni't, tila ang lalong magaling, ay magbihes ka muna, at baka maamuyan ni Angeling.
¿At, bakit?
(Sa sarile) Bakit pa daw....(Hayag) Hale ng̃a, amuyan mo ng̃a ang suot mong damit, kundi, amoy supot ng̃ bakang australiano. ¿Sino ba ang naglalaba sa iyo?
Makao, bakit?
¡Kaya pala....!
Puro biro ang katawan mo!
(Mariring̃ig sa loob na ipalalagay na nagbubuhat sa cine, ang mg̃a hiyaw na: "Sigue" ... "Sigue" ... "Ibigay mo ang lines" ... "Ibigay mo ang nueve", kasunod ng̃ palakpakan at baswitan. Lalabas si Tio Bestre, at si Beteng, itong huli ay sapupo ang kaniyang tiyan.)
Tio BESTRE at si BETENG.
Bah, Beteng, makanyan lamang pala ing Cine. Magdidilim ampong sasala ... ¡Damongkal, makasira ya pa ng mata ...!
Yapin, tatang. Atinaku maliliú. Saka, masaquit ya pa ing atyan ku.
Saka purus mung halikan, ampong magnanakaw.
Yapin pu, píro, masakit ku atian, tatang. Bisa kung....(Ibubulong sa taing̃a ni Tio Bestre)
(Galit) ¡Demonios ...! Mallari, kumain ka ng̃ dakal na maní ampong uminom ka ng̃ sorbetes ...! ¡Salbaje nakang tau ...! Páhiná 32 Tara na qng lub ...! (Papasok silang dalawa. Magkakaing̃ay na muli sa Cine. Lalabas si Tia Martina at Matea.)
Si TIA MARTINA at si MARTA
Inang, inang, masakit ku buntuk ...
¡¡Siablos, makanyan mu naman pala ing cineng amanuan da. Makasakit ya palang buntuk....!!
O, Inang, maliliu ku pu.
Bah, ing anaku, aku man, maliliu ku.
Ing mayapa Inang, mulitana.
Ba, e maliari. Paintunan dacatamu di tatang mu.
Ba, milalu naku saquit buntuk.
Tara, lumub tamung pasibayu.
(Papasok silang muli, at ulit na magsisigawan sa loob ng̃ cine gaya ng̃ una.)
Lalabas si D. Tiburcio.
Si D. TIBURCIO, pagkatapos si BRUNO at si MARTINA.
(Lalabas) Talagang ako'y inaalat yata. Kung alin pa naman ang aking pinakaiilagang makita sa Cine; Kung alin ang minamasama ko, ay siya pang napanood ng̃ayon. At, ang hindi ko pa malaman, ay ang sanhi ng̃ kung bakit sa tuwing ang ilalabas sa Cine ay mg̃a pelikulang "Indian at Cowboy", hindi na nanalong minsan man ang mg̃a Indian, at kung talunin pa sila, ay palakpakang waPáhiná 33humpay ang ginagawa ng̃ mg̃a nanonood. ¿Ano ang ibig sabihin ng̃ gayon?
(Mula sa loob.) ¡Hayop!...¡Demonio!... ¡Walang hiya! ¡Isusumbong kita!... (Lalabas na kasunod si Bruno.)
(Pagkakita sa dalawa.) ¿Bakit, Martina, ano ang nangyare Bruno? ¿Bakit ninyo iniwan ang bahay?
(Iiyak) Mangyari po, iyang si Brunooooo, uuuhhh!!...
(Gagayahan si Martina) Mangyare po, si Martina, uuuhhh.
(Galit) ¡Demonio!...Magisaisa kayo sa pagsagot. Ikaw, Martina ang siyang ang umuna. ¿Ano ang nangyare?
(Paiyak na sasagot) Iyan pong si Bruno, pagkaalis ninyo, ay isinarang lahat ang bintana pati pintuan at.....¡¡Naku ...!! Napakahayup pong tao niyan ...!!
(Kay Bruno: Galit). At, bakit mo naman ginawa ang gayon? (Pipiralin sa tayng̃a)
Kaya ko po lamang ginawa iyon, ay dahil siya ninyong utos.
¿Ano, utos ko?
Opo. Kang̃ina po ay sinabi ninyo sai akin na, pagkatugtog ng̃ ika 7 at kalahati ng̃ gabi, ay isara kong lahat ang pinto at bintana?
(Sa sarile.) Tunay ng̃a. (Sa dalawa) Siya, umui na kayo.
(Paiyak) At, ¿paano po ako?
Hayaan mo't ako, ang bahala.
Siyang̃a, siya na ang bahala sa iyo. Hala magsiwí na kayo.
(Aalis silang dalawa. Si D. Tiburcio, ay papasok uli sa Cine. Lalabas ang isang Pulis.)
Ang PULIS lamang
(Dala ang isang pahayagan) Esti periodico, motso, jabla robo. Every days, jabla robo. Every days, jabla olicem, Motso nakaw, pero, mi no bisto nada jasta hora. (Palakpakan sa loob ng̃ Cine, kasabay ng̃ sigawan)
(Pahiyaw)!!Sigue ... Zigomar ... sigue!! (Palakpakan)
(Gulilat) Cosa jabla esti jombres dentro cíne? (Anyong papasok na tang̃an ang batuta.) ¿Aqui gat ladron?!My godness ...! ¡Oh, this is creasy ...!...Mi cabeza motso loko ... Aquí dentro no ladron sino cine nomas ...! This is.... ¡Oh, mi poco tempo, bamus casa con una señorita motso rica, motso money, nomporta masque pea ... And, bay and bay, mi vamus America y no more polis ... ¡Ja ...! ¡Ja ...! Este motso bueno bisnes (Papasok na bumabaswit ng̃ isang "rag".)
(Lalabas si Angeling na parang ling̃as. Sasalubung̃in siya ni Luisito.)
Si ANGELING at si LUISITO.
TUGTUGIN
¡Luisito!
¡Oh, Angeling!
Paglisan na'y ating gawin.
(Yayaon silang madali, at papasok sa kanan. Mariring̃ig na dagli ang sipol ng̃ "auto". Lalabas si D. Tiburcio na kasabay ang lahat, at naghihiyawan.)
¡¡¡Angeling....!!!
Bili na kayo ng̃ mané....
¡¡¡Angeling....!!!
(Sa lahat) ¿Sino pu ba ang hinahanap ninyo?
Ang aming anak. ¿Nakita mo ba, among?
Iyon po bang maganda?
Oo, iyon ng̃a, ¿saan naroroon?
Tinang̃ay po ng̃ lawin......
(Pagkaring̃ig noon ni Beteng, ay hihimatain. Mapapatung̃ang̃ang lahat.)
Ang "libreto" ng̃ "Zarzuelang" may tinurang pamagat, na buhat sa panitik ng̃ manunulat sa dalawang wika, sa kastila at tagalog na si G. José Maria Rivera ay nabasa ko at napanood ko pa ng̃ ganapin ang unang tanghal sa Dulaang Rizal.
Sa tugmang ito ay ipinakilala ng̃ "Kumatha" na siya'y maalam sumulat ng̃ dula; ang pagkakasunod ng̃ mg̃a tagpo (escenas) ay napakahusay, hindi nawawala ang "continuidad" na kailang̃an sa isang obra at ang galaw at mg̃a anyo ng̃ mg̃a "personages"; ang paglalabas pumasok sa tagpo ay ayos na ayos sa tinatawag na "mecenica teatral."
Ang "caracter" ng̃ mg̃a personage ay hindi lumabo hanggang sa matapos.
Ang kanyang "vis comica" ay kilala na ng̃ madla. Ang pagkakalahok ng̃ salitang kapampang̃an sa kanyang '"obra" ay totoong mainam at matatawag nating "a lo hermanos Quíntero" na pawang nabantog at nang̃agsidakila sa kanilang "sistema" na ang kanilang mg̃a tugma na tunay na wikang kastila ay nilalahukan ng̃ mg̃a "dialectos españoles"; magpang̃ayo'y hinahang̃aan ng̃ boong Esgaña ang magkapatid na Quintero.
Pepe, magpatuloy ka sa landasing iyan ng̃ pagpapalago ng̃ ating dulaan; ang pagsulat ng̃ mabubuting dula ay higit pa ng̃ pagkamakabayan kay sa magmakisig na "politico".
Severino Reyes.
Si José M.a Rivera ó Pepe Rivera, gaya ng̃ karaniwang palayaw sa kanya ng̃ kanyang mg̃a kamanunulat at kaibigan, ay isang mangdudulang may sariling gabay at sariling watawat. Siya ay lumalakad sa larang̃an ng̃ pangdudula na masasabing hindi sumusunod sa ilaw ng̃ iba.
Nagbukas siya ng̃ landas na sarili niya, na sa kanyang pagasa'y lalong malapit para sa ikapagtatamo niya ng̃ tagumpay. At ang pagasang ito ni Pepe ay hindi nabigo. Kung ang tagumpay ng̃ mangdudula ay nakikilala sa pagkatig sa piling niya ng̃ lalong marami't piling nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa mg̃a dulaan kailan pa ma't itatanghal ang alin man sa kanyang mg̃a akdang "Mg̃a Pagkakataon," "Opereta"? at "Mg̃a Bing̃i", ay maliwanag nang patotoo na ang tagumpay ay nasa kanya na. Anopa't sa ganang aking pagkapisil, hindi na kailang̃an ni Rivera ang sumulat pa ng̃ lalong maraming katha upang maging karapatdapat siya sa luklukan ng̃ ating mg̃a ipinagkakapuring mang̃a mangdudula. Ang pagkamandudula ng̃ isang tao ay dapat kilalanin hindi sa karamihan ng̃ dulang sinulat, kundi sa uri at taglay na mg̃a katang̃ian ng̃ kanyang nakatha na. At inuulit kong labis ang kanyang mg̃a kathang nabanggit sa itaas, upang siya ay mapapiling sa unahang hanay ng̃ ating mg̃a maginoong guro ng̃ dulaan.
E.L. Valmonte,
Kinatawan ng AKLATANG BAYAN
Sa Kalipunan ng mga Samahang Mananagalog.
Maynila, Mayo 30, 1920.
Tao palibhasang may katutubong hilig sa pagsulat, hilig na nalalahukan ng̃ sipag at tiyagang siyang pang̃unang kailang̃an sa mg̃a kawal ng̃ panitik, gaya ng̃ pagiging kailang̃an ng̃ tikin sa isang bangka, kaya't hindi katakatakang si Pepe M.a Rivera, ang karapatdapat na Pang̃ulo ng̃ Ilaw at Panitik, ay maantayan natin ng̃ lalong kisig at mg̃a bung̃ang hinog ng̃ kanyang halamang itinanim sa panahon, at ng̃ayo'y malusog na nagbubung̃a.
Sa likod ng̃a ng̃ may mahigit na dalawampung taong ginugol ni Rivera sa kanyang paghahanda sa isang kabuhayang dapat niyang kaPáhiná 38pulhan ng̃ suson susong putong ng̃ tagumpay, gaya ng̃ tinamo niya ng̃ayon sa sunod-sunod halos na pagtatanghal ng̃ kanyang mg̃a akda, ay di katakatakang, ang lahat ng̃ humahang̃a sa kanyang panitik ay kapitan siya ng̃ karapatdapat na taguring "hari ng̃ mg̃a mapag-patawa".
Nariyan ang katang̃ian ni Pepe. At hindi katakataka! Ang isang taong pinagkalooban ng̃ Maykapal ng̃ isang loob na maluwag at isang damdaming walang iwing pagiimbot na linangkapan ng̃ isang mukhang wari'y nakang̃iti sa lahat ng̃ oras, saan hindi ang kanyang paguugali'y masisinag sa kanyang mga akdang sa twing itatanghal ay "nagpapasakit ng̃ maraming tiyan".
Crispin.
ANG MITHI, ika 28 Mayo, 1920.
José M.a Rivera, con su esfuerzo personal verdaderamente laudable y con su talento, ha llegado a una altura a la que ya quisieran llegar muchos de nuestros autores dramáticos. Es de la madera de dramaturgos y triunfará aún más. Comenzó a estrenar en el Teatro Rizal sus primeras producciones dramáticas y que fueron del agrado del público. Las operetas austriacas vertidas por él al tagalo y representadas con éxito, diéronle además un notable prestigio como traductor, distingiéndose además de los adocenados como autor dramático.
Rivera es uno de nuestros contados aficionados a escribir obras teatrales. Como tiene mucha voluntad, sobre todo constancia y esfuerzo en el trabajo, se puede esperar mejores cosechas aún de su numen creador é inventivo. En sus obras, en donde se exponen al estudio, a la crítica y a la corrección, múltiples cuadros de costumbres locales, se refleja ese afán de corregir y cortar ciertos vicios muy nuestros, y ciertas imperfecciones tambien de órden social, habida consideracion a la altura de la civilización en que parece encontrarse el país. Su obra "Opereta?" que tantas veces figuró con éxito en los carteles y en las tablas Páhiná 39por ejemplo, es una prueba de esto que decimos. Es digno de notar además en Rivera ese estilo jocoso y festivo con que están escritas sus obras, lo que hace que estén á tono con nuestro público que gusta de humorismos y chistes.
Doy mi mas sincero parabien al Sr. José M.a Rivera por sus esfuerzos y aplicacion que le han conducido al éxito, al acometer una empresa tan arriesgada y problemática como es la de escribir obras teatrales en Filipinas ...
Jose G. Reyes.
De tal podemos calificar, el que en la noche del 1.o de Junio obtuvo nuestro querido colaborador D. José María Rivera estrenando en el Teatro Rizal, tres de sus mejores obras, tituladas: "Cinematógrafo", "Panibugho" (Celos) y "Mga Pagkakataon" (Coincidencias), en presencia de numeroso y selecto público que acudió al coliseo avido de conocer las últimas producciones de nuestro joven inteligente compañero.
En las tres obras líricas alcanzó Rivera un triunfo resonante, acreditando una vez más ser él de la madera de los comediógrafos modernos; que conoce palmo á palmo la mecánica teatral, y sobre todo, ha justificado una vez más su genio como uno de los pocos dramaturgos filipinos que con Severino Reyes, Patricio Mariano y Aurelio Tolentino integran y son verdaderos prestigios del teatro tagalo.
Con el espíritu de imparcialidad en que siempre se inspiran nuestros juicios, podrémos manifestar aquí sinceramente, que el Sr. José María Rivera, es de los contados escritores dramáticos que para dar verdadera vida a sus obras, sigue el derrotero trazado por los escritores españoles de presentar en cada obra dramática tipos regionales. En la zarzuela "CinePáhiná 40matógrafo" presenta Rivera el tipo de unos montaraces, que faltos de sociabilidad, creyeron que Manila, es tambien una montaña. Tanto en esta obrita como en "Panibugho" y "Mg̃a Pagkakataon", nuestro apreciado colaborador ha conseguido triunfar en toda la línea, asi como en su precioso monologo "Kakilakilabot" que interpretó maravillosamente el mejor actor dramático filipino D. Eusebio Constantino. El inspirado one-step del profesor Emilio A. Aninao el primer filipino que ostenta el titulo de Profesor de Armonia, titulado "José María Rivera", compuesto expresamente en honor al beneficiado, gustó muchisímo al publico que al final la aplaudió.
Los artistas que tomaron parte en la representacion de las obritas del Sr. Rivera, cumplieron como buenos en sus respectivos papeles. La tiple Juanita Angeles, demostró, una vez mas dominio en las tablas y la potencia de su voz. Desde los primeros momentos supo cautivar al público que le aplaudió á rabiar. Ildefonsa Alianza, acreditó ser de la madera de las buenas características. La tiple Feliza Buenaventura, supo bordar con maestria su papel en "Cinematógrafo" y recibió tambien muchos aplausos. Alfredo Ratia, el gran barítono de la Compañía que dirije el dramaturgo D. Severino Reyes, demostró ser dignísimo hijo del gran actor D. Nemesio Ratia, honra del teatro contemporáneo. Pepe Suarez y Joaquin Gavino, así como tambien los Sres. Eusebio Constantino, Eusebio Gabriel y Gregorio L. Lopez, contribuyeron mucho al éxito alcanzado por el autor.
Y para terminar repitimos que Rivera ha triunfado en toda la línea, por lo que el público le llamó muchas veces para aplaudirle entruendosamente. A los muchos aplausos que tan querido compañero ha recibido, une el FREE PRESS el suyo, entusiasta y sincero.
(FREE PRESS, Junio 15, 1918.)
K. Deogracias A. Rosario (alias) Delio. Taliba, Maynila.
Kasamang Delio:—
Yamang ikaw ang nakikilala kong "revistero" ng̃ TALIBA sa kanyang pitak ng̃ mg̃a Dulaan, ay minarapat kong sa iyo ibalita ang isang bagong naisip ni Pepe Rivera. Ng̃uni't, bago iyan, ay ibig ko munang tumukoy ng̃ ilang bagay. Naalaala kong ikaw na rin ang nakapuna ukol sa ginawang "recurso" ng̃ ilan sa ating mg̃a "autores" sa pagtatanghal ng̃ mg̃a dulang tang̃i sa marami ng̃ mg̃a actores principales at secundarios, ay napakarami pa rin ang mg̃a "koro" na kung minsa'y "nakasisinok" sa panlasa ng̃ mg̃a nanonood. Napuna ko rin sa mg̃a nakaraan mong lathala, na tumukoy ka sa mg̃a dulang "iilan" ang kanyang mg̃a "pesonaje" at sa pagtukoy mong ito ay nabanggit mo ang "Panibugho" ni Pepe Rivera, ang "Dalawang Hangal" ni Moneng Ilagan, at ang "Ana Maria" ni Ñol Binoy Reyes.
Ako'y sumaiyo ng̃ buong buo, sa iyong pagkukuro, na, upang makilala ang "habilidad" ng̃ isang "autor" ay sa pagtatanghal ng̃ isang dulang "iilan" ang mg̃a taong gumagalaw, buháy ang mg̃a tagpuan at busog sa kasariwaan ng̃ isang diwang ibinubuhay o nilalayon. Sa tatlong katha ng̃ mg̃a beteranong mandudulang nabanggit ko na sa iyo, na kapwa ko napanood, ay masasabi ko sa iyong isang katang̃itang̃i. Kung ang mg̃a isipan ng̃ "tatlong haring iyan", (tawagin na nating Hari), ng̃ ating dulaan, ay maging isipan ng̃ marami nating mangangatha, ay hindi malayong maiaagapay na rin natin ang ating dulaan sa taas at indayog ng̃ mg̃a isipan at sa kasaysayan din naman ng̃ mg̃a mangangathang hinahang̃aan natin sa ibayo ng̃ ating mg̃a dagat.
Doon, sangayon sa ating mg̃a nababasa, ay iilan sa maraming manang̃atha, ang natatang̃i hindi dahil sa kanilang katalinuhan, kundi sa mg̃a katha nilang binubuo ng̃ iilang "personaje" Páhiná 42lamang, ng̃uni't sa "iilang" yaon, ay nandoon na ang lahat. Anopa't nakayayari ng̃ isang buhay na kinalalarawanan ng̃ isang pangyayaring kung iisipin lamang, ay masasabing hindi magaganap kung "iilang katao" ang magsasagawa.
Nasabi ko ang ganyang malayang kurokuro, dahil sa nasaksihan ko, oo, Kasamang Delio, nasaksihan ng̃ dalawa kung mata na ang mg̃a kinatha ng̃ tatlo nating "hari ng̃ sariling dulaan" ay hindi na maihuhuli, maging sa layon, sa isipan, sa diwa at sa kabuuan man, ng̃ mg̃a nakatha ng̃ mg̃a nabanggit ko nang mandudulang taga ibang lupa.
Napaguusapan na rin lamang natin ang ukol sa mg̃a dulaan, ay maibabalita ko sa iyong ipalilimbag daw yata ni Rivera ang kanyang dulang may isang yugto na pinamagatang "Cinematografo".
Ang dulang ito, ay napanood ko na sa unang pagtatanghal sa "Rizal", sa kapakinabang̃an ng̃ kumatha. Pagkatapos kong mapanood, ay ako na rin sa sarili ang nagtanong:
—Ano ang aking napanood? Isang dula lamang kayang "pasampay-bakod"?
—Oh, hindi,—ang akin ding sagot. Tal mente, ay hindi isang dula lamang, manapa'y isang sinematograpong nang̃ung̃usap at ang kanyang layuni'y bumaka sa masasamang hilig ng̃ ating mg̃a tao.
Ang "Cinematografo" ni Rivera, ay naglalayon ng̃ malalaking bagay na tumutukoy sa masamang hilig ng̃ marami sa ating mg̃a kapwa, na dahil sa malaking hilig sa bisyo, ay napapabayaan ang lahat ng̃ gawain sa sariling tahanan. Inilarawan din ng̃ kumatha, ang kasagwaan ng̃ ilang tanod o tagapaging̃at ng̃ kapayapaan at tinuligsa ang kanilang kasagwaan sa paggamit ng̃ kanilang tungkulin. At hindi pa iyan. Sakali't ipalilimbag ng̃a ng̃ Kasamang Rivera ang katha niyang ito, (kahimanawari'y ipalimbag ng̃a sana), ay mababasa ng̃ madla na isa sa mg̃a tagpo ay maguusap ang dalaPáhiná 43wang magkaibigan sa harap ng̃ pintuan ng̃ isang Sine. Ibabalita ng̃ isa, na, may nalalaman siyang isang kakilalang naglihi sa isa sa mg̃a artista ng̃ isang pelikula at dahil doo'y ginabigabi ang pagpasok sa alin mang sineng pagtanghalan sa kanyang "favorito"; nagbuntis halos sa loob ng̃ sine, at nang̃anak, oo, Kasamang Delio, nang̃anak sa loob din ng̃ kamalig ng̃ isang sine, bagay na masasabing isang tunay na "barbaridad" na hindi makikita sa ibang bayan.
Ang anak ng̃ naglihi sa nasabing artista, ay naging isang pusakal na alagad ng̃ sinematograpo hanggang sa lumaki.
Inilarawan din ni Pepe sa kanyang dula ang ukol sa karaniwang napagkikita natin, na ang sine ang siyang ginagawang paraan sa pagtatanan ng̃ mg̃a anak na napakakasal ng̃ hindi pa oras. At isa pa, ang lalong kriminal, ay ang ukol sa mg̃a pagnanakawang parang itinuturo sa mg̃a nanonood. Ang bahaging ito, ay pinagukulan ng̃ autor ng̃ ilang "halibas" sa pamamagitan ng̃ paglalarawan ng̃ kasamaang ibinubung̃a, lalo pa ng̃ napapanahon ang mg̃a Zigomar at mg̃a Fantomas.
Iyan, at mg̃a iba pang tagay na pawang "sakit ng̃ Sangkatauhan" ang kanyang binaka at kung tunay ng̃ang ipalilimbag, ay inaasahan kong makatutulong ng̃ malaki sa pagpapaliwanag at pagbaka sa inaasal o maling hilig ng̃ marami sa atin.
Tang̃i sa riyan, ay masasabi ko sa iyong ang pagpapalimbag na gagawin ni Rivera sa kanyang "Cinematografo", ay makatutulong din naman sa pagpapalaganap ng̃ Sariling Wika sa una, at sa pang̃alawa'y magkakapanahong mabasa ng̃ mg̃a tumatangkilik sa dulaang tagalog ang kanilang karaniwang nakikita't naririnig magbuhat sa esenario ng̃ isang dulaan. Mabasa, oo ng̃a, mabasa, at sa gayo'y mapagaralan nila't masuri ang kahalagahan ng̃ ating mg̃a dulaan na siyang tampok at karang̃alang masasabi ng̃ Lahi ni Balagtas, na hindi man karapatdapat, ay kinabibilang̃an natin.
Kung hindi lamang inaakala kong pahahaba ang liham na ito, at may isang gawain akong nakahahadlang sa akin, ay tutukuyin ko sana rito ang lahat ng̃ nalalaman ko ukol sa mg̃a katha ni Pepe Rivera. Gayon pa man, at sa maiikling salita ay tumukoy rin tayo ng̃ pasapyaw.
Napanood mo ang tatlo niyang dulang "Panibugho", "Mg̃a Bing̃e" at "Mg̃a pagkakataon," hindi ba?
Ng̃ayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong niloloob.
Sa kanyang "Panibugho", tang̃i sa nakatatawang pangyayari, ay nakatutulong din sa pagbibigay liwanag sa nalalabuang isipan ng̃ mag asawang (mg̃a asawang babae ang tinutukoy ko rito), pagdaka't magbubudhi na lamang at sukat, at hindi na sumasangguni sa kanyang tapat na puso, kung namamali siya o kung hindi, at pagdaka'y patatang̃ay sa simbuyo ng̃ magdarayang damdamin, ¿Hindi ba tunay? Ang kamaliang iyan, ay nagamot ni Rivera sa pagtatanghal ng̃ kanyang "Panibugho".
Sa kanyang "Mg̃a Bing̃e" ay nakuha rin namang naipakilala ang kadalubhasaan ng̃ kanyang panitik. Kanyang inilarawan ng̃ ganap na ganap ang konsekuensiang laging ibinubung̃a ng̃ isang hindi pagkakaunawaan, at tang̃i sa roo'y ginulo niya muna ang isip ng̃ nanonood, at ng̃ lito na, ay "pinaglamas" niya ang salitaan, ng̃uni't, pagkatapos, ay unti unting nagliliwanag hanggang sa niwakasan ng̃ isang "pagkakataong" hindi inaantay na mangyari na ipinagkapalad ng "isang hindi naghahanap" at "hindi nananadya". Ng̃ayon kung sa dalawang obrang iyan, ay nakuha kong naipakilala sa iyo ang "kadiyaskihan" ng̃ ating Pepe, ay tignan naman natin ang kanyang walang kamatayang "Mg̃a Pagkakataon", na habang tumatanda ay lalong nagiging bata at na kahahalina sa puso ng̃ ating publiko.
Ano ang napuna mo sa "Mg̃a Pagkakataon"?
Sa "obrang" iyan, ay hindi pangkaraniwang talino ang pinuhunan ni Rivera ng̃ kanyang sulatin. At, sobre todo,ay ang pagkakalagay Páhiná 45ng̃ pamagat. Nasabi ko tuloy na "kinasihan yata ng̃ Santong katutubo si Pepe", sa kanyang "Mg̃a Pagkakataon", o talagang natama sa mabuting oras.
Kalabisan pang ilarawan dito ang mg̃a "kuntil butil" ng̃ "obra". Sukat nang sabihin ko na sa "Mg̃a Pagkakataon", ay hindi dapat manood ang isang tao o mg̃a taong katatapos kumain lalo pa't busog, pagka't hindi malayong saktan ng̃ tiyan o kaya'y maapendesitis. Itatanong mo sa aking kung bakit? Saksi ka. Hindi ba't ng̃ mapanood natin, ay kaunti ka nang pang̃apusan ng̃ hining̃a dahil sa katatawa, bakit at si Ballecer pa naman ang nag-Kosme? Hindi ba't sinabi mo pang, "ang lalong matimpiin, ang lalong pihikan, "at ang lalo pa mang walang kibo kahima't banal o simenarista pa siya ay tatawa, at tatawa pag napanood ang "Mg̃a Pagkakataon"?
Tang̃i sa riya'y nagtuturo din naman sa isang magulang na ayaw pabayaan ang hilig ng̃ isang anak lalo pa't sa gawang pagaasawa.
Dahil sa mg̃a naipahayag kong iyan, ay inaasahan kong sa pagpapalimbag ni Pepe ng̃ nanyang "Cinemetografo", ay lalong mapatutunayan ng̃ madla kung tama o kung hindi ang aking mg̃a daglian pagkukuro hinggil sa kakayahan at sa "habilidad" ni Pepe Maria Rivera sa gawang pagsulat.
Samantala'y magutos. Kumusta sa Katotong Crispin.
Remigio Mat. Castro.
Kalihim ng Ilaw at Panitik.
Marso, 15 ng̃ 1920.
A beneficio de los incendiados de Cavite, la "Compañia Ilagan" dió una función en el Teatro "Zorilla", en la noche del 6 de Mayo, representandose tres obras de un acto de José Maria Rivera. Páhiná 46 Pepe es un creador de tipos y se reveló en "Opereta", haciendo mover en escena a dos tipos pueblerinos, uno del pasado, ignorante, socarrón y desconfiado y otro del dia, aunque con reminiscencias del de antaño, pero con más desparpajo, con más perspicacia.
Rivera al hacer mover en escena a esos tipos, a mas de ir dandolos a conocer, pintando sus defectos para ser corregidos, regocija al espectador con graciosas escenas.
En el escenario, este joven autor, completa la pintura haciendo hablar a los muñecos en su dejo y estilo peculiares de la region correspondiente. En esto, el autor tuvo un éxito completo, como tambien en la presentacion de otro tipo popular, un cantante que fue tambien caricaturizado de un modo acabado.
¡Bien por Rivera!
Alitaptap.
CONFETTI, 16 de Mayo de 1920