Title: Isa Pang Bayani
Author: Juan Lauro Arsciwals
Release date: December 8, 2005 [eBook #17257]
Most recently updated: December 13, 2020
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special
thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save
this book.
Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng Kalubusan ay ni mamamanaag.
Juan L. Arsciwals.
Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan.
May palagay akong, maliban sa Páhiná IVilang pangyayaring katha, ang lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba, ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti. Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C. Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio atbp.
Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng Páhiná Vlahat. ¿Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't ¿sa paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga Trade Unions, kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi.
Sa bisa nga ng ganyang kilusan Páhiná VIay maaaring asahang sa araw ng bukas ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang puso ay titibay.
Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahílan dito'y ¿ano at bakit nga di magkakahalaga Páhiná VIIito sa ang akdang ito'y magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito.
Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri.
Carlos Ronquillo.
25 Sept. 1915.
Mga Manggagawa:
Sa paglalathala ko ng̃ aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap ng̃ madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan ng̃ mg̃a anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha ng̃ libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran ng̃ mg̃a manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan ng̃ lunas ng̃ mg̃a may tungkulin ay siyang pagbubuhatan ng̃ lubos at ganap na pagkapariwara ng̃ lalong magaganda at dakilang kilusán ng̃ mg̃a kawal ng̃ bisig.
Hindi ko nasa ang maglahad ng̃ anomang tuntunin ukol sa bagay na ito sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap ng̃ sakit na pinagbubuhatan ng̃ untiunting pagkamatáy ng̃ masisigla at mahahalagang kilusan ng̃ ating mg̃a manggagawa, upang Páhiná Xpagkatapos ay mailantad sa haráp ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad.
¡Nariyan ng̃a ang sakit! At ang mg̃a nagtataguyod sa buhay at kapalaran ng̃ mg̃a anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang nararapat na humanap ng̃ lunas upang sa lalong madaling panahon ay magamot ang sakit na nasabi.
Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko ng̃ kasaysayang ito ay hindi ko nasang sugatan ang damdamin ng̃ sino at alin mang tao ó Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang pagliwayway ng̃ ganap na Katubusan ng̃ mg̃a mangagawang pilipino, maging anoman ang kahalaga ng̃ Katubusang ito.
Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa ng̃ mg̃a manggagawang pilipino at gayon din sa mg̃a matatalinong makamanggagawa na nagtataguyod sa buhay at kapalaran ng̃ mg̃a anák-pawis dito sa atin.
Kun sa palagay ninyo, mg̃a manggagawang pilipino na makababasa sa Kasaysayang Páhiná XIkalakip nito, ang kanyang mg̃a nilalama'y walang kahaláhalagá sa harap ng̃ mg̃a suliraning manggagawa sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang panaginip ng̃ sumulat ó isang pang̃arap lamang ng̃ diwa kong umaasa sa Tagumpay ng̃ Paggawa sa ibabaw ng̃ Puhunan....
Juan L. Arsciwals.
Tundo, Maynila, S. P.
Sept. 8, 1915.
Umaga ng̃ ika 29 ng̃ Hunio ng̃ 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga, sa dakong Tundo sa panulukan ng̃ daang Ilaya, na kinatatayuan ng̃ isang malaking pagawaan ng̃ tabako, ay marami ang nagtayong mg̃a manggagawa; mg̃a babai't lalaki, matatanda't bata.
Pulúpulutóng ang pagkakaáyos. May kanikaniyang usapan at may kanikaniyang pinagtatalunan.
Sa anyo't pagmumukha ng̃ lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan ng̃ pananabik ng̃ kanilang mg̃a puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig malaman.
Doon, sa dako ng̃ dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita; nang̃aguuPáhiná 14sap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat ng̃ Botika Morelos ay isá pang pulutóng; pulutóng na kinabibilang̃an ng̃ maraming kabai.
Saa't saan man, at ang lahat halos ng̃ dako ng̃ panulakán ng̃ mg̃a daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan ng̃ maraming mg̃a manggagawa na ang mg̃a mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na pinto ng̃ isang malaking bahay, ng̃ bahay pagawaan ng̃ tabako na kanilang pinapasukan.
—¡Kay tagal nila...!—ang pabulalas na wika ng̃ isa sa nagkakalipon.
—¿Anó kaya ang kasasapitan?—ang wari'y tanong na isinagot ng̃ isá pa.
At ang tanong na itó'y hindi napang̃ahasang sagutin ng̃ sino man sa mg̃a kaharáp, at sa mg̃a labi ng̃ bawa't nakarinig ay waring napabitin ang kasagutan.
Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang mg̃a mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang mg̃a paning̃in upang sa mg̃a kalipon ay ibaling.
Páhiná 15¿Anó ang hinihintay ng̃ mg̃a manggagawang ito?
¿Anóng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman?
¿Ano't sa mukha ng̃ lahat ay nababadha ang malaking pagkainip?
Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila upang mabatid natin.
Nang araw na sinundan, ang mg̃a manggagawang nasabi ay tumanggap ng̃ isang babalang buhat sa mg̃a may-ari ng̃ pagawaan, at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat ng̃ mg̃a "vitola" na kanilang ginagawa.
Pagkatanggap nila ng̃ gayon babala, at sa pang̃ang̃asiwa ng̃ pangulo ng̃ Kapisanan nilang natatayo sa loob ng̃ pagawaan ay nagsipagpulong ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin.
Pagkatapos ng̃ isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan ng̃ lahat, na magsugo ng̃ isang Lupon sa mg̃a mamumuhunan, upang maipabatid na sa Páhiná 16dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, ang mg̃a mamumuhunan ay magbagong pasyá.
Ang nang̃ahalal na Lupon ay ang pang̃ulo na rin ng̃ kanilang Kapisanan na nagng̃ang̃alang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang mg̃a kasama nila sa pagawaan at sa Kapisanan.
Ang mg̃a ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan ng̃ pagkatanggap nila ng̃ babala; kaya't nang umagang yaon ng̃ ika 29 ng̃ Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang mg̃a dukhang anák-pawis, ang mg̃a manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba't ibang súlok at hayág na pook ng̃ mg̃a daang Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at iníp na iníp na halos sa paghihintay sa kahahanggaPáhiná 17nan ng̃ paguusap, na nang mg̃a sandaling yaon ay idinadaos ng̃ nahalal na Lupon ng̃ mg̃a manggagawa at ng̃ mg̃a mamumuhunan.
Ikasiyam na ng̃ umaga; subali't ang mg̃a hinihintay nila ay di pa dumarating.
Sa malaking pintuan ng̃ pagawaan, ang bawa't tao ó mg̃a taong makita nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... Ng̃uni't parating nabibigo, parating nawawalan ng̃ saysay ang kanilang mg̃a hinuha.
—¡Pagkatagaltagal...!—ang ulit-ulit na nawiwika ng̃ marami.
—Magsisilabás na sila ...—ang wika naman ng̃ ilan, na parang itinutugón at inilulunas sa pagkainíp ng̃ madla.
At parang itinaón sa huling tugon ng̃ ilán, sa pinto ng̃ pagawaan ay nagsilabas ang limá katao.
—¡Narito na! ¡Narito na!—ang sunodsunod at nagkapanapanabay na naibigkás ng̃ marami, nang makita ang mg̃a nagsilabás.
Páhiná 18Ang bawa't pulutong ng̃ mg̃a manggagawang yaón, ang bawa't pangkat na nag-uúsap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang dumarating na Lupon ay sinalubong.
—Mg̃a kapatid:—ang wikang malakas ng̃ pang̃ulong Gervasio nang mapalapit sila sa mg̃a kasama—Mahaharap marahil tayo sa isang malaking paglalaban.
—¿Anó po ang nangyari?—¿Anó po ang kinasapitan?—ang sabáy-sabáy na tanung̃an ng̃ marami.
—Wala; ang mg̃a mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatigás ...—ang tugón din ng̃ pang̃ulo.
—Kung gayon, tayo'y magsiaklás.—ang sigaw ng̃ isang manggagawa.
—¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!!—ang ulit-ulit na sigawan ng̃ marami.
—Mg̃a kasama:—ang malakas na wika ni Mauro,—¡Tayo'y huminusay! Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin ng̃ boong kalamigang loob.
Páhiná 19—¡¡Welga!! ¡¡Welga!!—ang ipinaghuhumiyaw din ng̃ marami.
—¡¡Tayo'y magsiaklás...!!—ang ulit ng̃ ilan.
—¡¡Magsiaklás!!—ang tugón ng̃ lahat.
—Ang lahat ay magagawa—ang tugóng malakas din ni Mauro—subali't, kailang̃an nating pagusapan muna ang mg̃a paraang gagawin. Tayo'y magpulong ng̃ayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat.
—¡Magpulong! ¡Magpulong!—ang sigawan ng̃ lahat.
—Tayo nang lahat sa dulaang Rizal—ang wika ng̃ pang̃ulo.
—¡Sa dulaang Rizal!—ani Mauro naman.
—¡Tayo na mg̃a kasama...!—ang ulit ng̃ madla.
At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinung̃o.
Sa mukha ng̃ bawa't isá, ang kagiting̃an ay nababakas; at nababadha sa pawisan nilang noo ang búhay, ang sigla at ang lakás.
Páhiná 20Ang masiglang kilusang yaon ng̃ mg̃a manggawang tabakero, ay labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala ng̃ pagsikat ng̃ mabiyayang araw ng̃ Katúbusan.
At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa kapahintulutan ng̃ mg̃a may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami ng̃ tao.
Halos dalawa sa ikatlong bahagi ng̃ mg̃a butaka ay may mg̃a tao; bukod pa ang mg̃a nagtayo sa paligidligid ng̃ palko at "entrada general."
Sa harap ng̃ lahat, at sa ibabaw ng̃ "escenario," ay nang̃akaupo sa palibid ng̃ isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang ilán pa rin sa mg̃a bumubuo ng̃ lupong pamunuan ng̃ Kapisanang Manggagawa sa loob ng̃ pagawaan.
Samantalang ang mg̃a na sa itaas ng̃ "escenario," ay nang̃aguúsap pa muna bago pasimulan ang pulong, ang mg̃a nang̃asasaibaba nama'y walang tigil sa mg̃a pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na Páhiná 22lahat sa mangyayaring labanan ng̃ mg̃a manggagawa at mamumuhunan.
Ang aling̃awng̃aw ng̃ salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y hindi na magkarinigan.
—¡Ituloy ang aklasan!—ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw ng̃ isá.
—¡¡Ituloy!!...—ang tugóng pasigaw din ng̃ karamihan.
—At lalo nang hindi magkamayaw sa ing̃ay ang lahat.
Isang tinig, ang mula sa ibabaw ng̃ "escenario," ay narinig.
At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap ng̃ lahat.
At ang lahat ay napatahimik, at ang mg̃a paning̃in ay tung̃ong lahat sa magsasalita.
Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap ng̃ madla. Sa lahat ay ipinabatid, na ang pulong ay bukás na.
At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang mg̃a pinangyarihan at kinahangganan ng̃ paguúsap ng̃ Lupon at ng̃ mg̃a mamumuhunan.
Páhiná 23Ipinakilala at isinakabatiran ng̃ lahat, na ang pagbababa ng̃ úpa ay ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniúlat ng̃ Lupon ay ayaw dinggin ng̃ mg̃a namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigástigás sa kanilang nasa.
—Ang mg̃a mamumuhunan—ang patuloy pa ng̃ nagsasalita—ay nagsabi pa, na kung sino raw ang ayaw tumanggap ng̃ mababang úpa ay maaaring huwag pumasok. Kayó—anyá—ang masusunod ng̃ayon: ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap ng̃ ganitong pagmamatwid, kayo, mg̃a kasamang anák-pawis, ang siyang magpasya; sabihin ninyo ng̃ayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin.
At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán ng̃ nagsasalita ay ipinatuloy:
—Mg̃a kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa ng̃ úpa?
—¡¡Ayaw kami!!—ang sigawang napakalakás ng̃ lahat.
—Kung gayon—anang pang̃ulo pa rin—¿ano ang ibig ninyong gawin?
Páhiná 24—¡Magsiaklás!...
Itó ang sagutan ng̃ lahat.
At ang aling̃awng̃aw ay lumaganap na naman.
Untiunting nagkakaing̃ay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi na halos magkamayaw.
Sa haráp ng̃ gayong mainit na kilusán, si Mauro, ang bagama't bata sa tanang mg̃a kasama sa paggawa ay kina-aalang-alang̃anan ng̃ marami sanhi sa taglay na marang̃al na ugali at iniiwing kaunting talino, sa harap ng̃a ng̃ gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa madla'y sinabi:
—Mga kapatid; kayo'y pumayapa.
At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang.
Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig.
At si Mauro, sa harap ng̃ gayong katahimikan ay nagsalita:
—Mg̃a kamanggagawa:—anya sa buháy na tinig.—Sa haráp ng̃ napakalaking suPáhiná 25liranin na sa ng̃ayon ay ating kinasusuung̃an ay kinakailang̃an natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang bigát ng̃ suliraning ito ay mapagpasyahan natin ng̃ boong liwanag at huwag tayong malihis sa landas ng̃ matwid. Kinakailang̃an natin ng̃ayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang pagkilos at pagpapasyá. Kailan man, ang kapusukan at init ng̃ loob, sa anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi; pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit, lubha na sa mg̃a bagay na dakila't mahalaga, na gaya na ng̃a ng̃ hinaharap natin ng̃ayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating mg̃a manggagawa. Matwid at karapatan nating mg̃a manggagawa, ang wika ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan ng̃ úpa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan. Karapatan natin sa haráp ng̃ sino man,Páhiná 26 na ang pagpapagod at pawis na pinupuhunan natin ay tumbasán ng̃ sapát na kaupahán; at ang karapatang itó, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabót ng̃ kaya ... sukdang ikamatay.
Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na palakpakang isinunód ng̃ madlang nakikinig sa huli niyang mg̃a pang̃ung̃usap.
Pagkatapos ng̃ palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy:
—Sa mg̃a nangyayari sa atin ng̃ayon ay maliwanag na nakikita natin, na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa pamamagitan ng̃ ipinang̃ang̃ahás nilang lakás, ang alin mang daing natin ay ayaw na dinggin. Nagbibing̃ibing̃ihan sila at sa kahinaan natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa haráp ng̃a ng̃ ganitong mg̃a pangyayari ¿ay ano ang kailang̃an nating gawin? ¡Ah, mg̃a kapatid! Kinakailang̃an natin ang lakas ... at upang ang Páhiná 27lakas na ito'y tamuhin natin ay kailang̃ang lubha ang pagiisá, pagka't tang̃ing naririto ang ganáp na tagumpay. Sa ganito ng̃a ¿ay ano ang ibig ninyong gawin?
—¡¡Masiaklás...!! ¡¡Magsiaklas!!—ang sigawan ng̃ lahat.
—Kayó ang masusunod—ang patuloy pa ni Mauro—Ibig ninyong sa pagpapakilala ng̃ ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin ng̃a natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at kaisang-palad ay magpaalaala ng̃ isang bagay. Ang aklasan, para sa mg̃a anák-pawis na gaya natin, para sa mg̃a nabubuhay sa lanrang̃an ng̃ paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman ng̃ sa mg̃a manggagawa sa Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari ng̃ lupit ng̃ Puhunan sa ibabaw ng̃ matwid at karapatan ng̃ mg̃a manggagawa. Ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahiling̃an ng̃ mg̃a anák-pawis ay ayaw na dinggin ng̃ Puhunan; at sa mg̃a nangyayaring ito sa Páhiná 28atin ay maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang pagtutol. Upang kilalanin ng̃ Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw ng̃ayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, ¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa paglalabanang kasusuung̃an natin ay kinakailang̃an, na ng̃ayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis ng̃ hirap. Ilaan natin ang katawan sa mg̃a sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang mg̃a sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman ng̃ sa ating mg̃a asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis ng̃ gutom, kung sakali't kakailang̃anin ang mahahabang araw sa pagbubungguan ng̃ dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...! Ito ang kailang̃an natin upang maitaguyod ng̃ boong dang̃al ang aklasang gagawin ... At, kung kayo, mg̃a magigiting na anák-pawis ay hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat ng̃ayon ay mamayapa na at Páhiná 29sumailalim ng̃ bawa't maibigan ng̃ mg̃a mamumuhunan.
—¡¡Magtiis tayong lahat!!—ang sigaw ng̃ lalong marami.
—Salamat, mg̃a kapatid:—ang patuloy pa ni Mauro—Kung gayon mula sa araw na ito, buhat sa mg̃a sandaling ito, ang sandata nating mg̃a manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. ¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagaling̃an ng̃ bawa't isa sa atin ay kailang̃ang isailalim sa kapakanan at kagaling̃an ng̃ marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silang̃anan ng̃ bayang manggagawa ang mabiyayang araw ng̃ Katubusan. Mg̃a kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang aklasan!
—¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!!—ang sigawan ng̃ lahat.
—Sino man ay walang magtataksil.
—¡Wala ni sino man!
Páhiná 30At ang aklasan mula noon ay napagtibay.
Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa mg̃a mamumuhunan ay siya na ring pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan.
Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na taglay sa puso ng̃ bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan ng̃ kanilang ipakikipaglaban.
Sa kapahintulutan ng̃ may-ari ng̃ dulaang Rizal, ito ay siyang pinagkayarian ding maging "Cuartel General" ng̃ mg̃a nagsiaklas.
Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatung̃o sa Kawanihan ng̃ Paggawa, upang ipagbigay alam ang mg̃a nangyari.
Pagkatapos ng̃ ilang pagtatanóng na ginawa ng̃ matalinong Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan ng̃ aklasang ipinasya ng̃ lahat, ang Kawanihan ay nang̃akong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob ng̃ bawa't panig.
Umaga ng̃ kinabukasan.
Sa malaking pagawaan ng̃ tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa.
Tahimik, at ang datidating yabag ng̃ mg̃a paang lumalakad sa pagyayao't dito ng̃ mg̃a tabakero, sa pagkuha ng̃ mg̃a "material" na gagamitin, at ang pagpupukpukan sa mg̃a "tapadera" nila ng̃ mg̃a pangbuling gamit, saka ang mataginting na tunóg ng̃ mg̃a "chaveta" na ipinangdadapa ng̃ mg̃a nag-alimbutod na "butó" ng̃ dahon ng̃ tabako, at sampu na ng̃ malalakas na awitan ng̃ mg̃a tabakera, noon ay pawang di na naririnig.
Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang ganap Páhiná 32na pagdadamayan ng̃ mg̃a manggagawa) ay tang̃ing makikita ang ilang manggagawa ng̃ kahong maliliit ng̃ tabako at saka ilang "embasador."
Ang mg̃a ito ng̃a ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila, ang kilusan ng̃ mg̃a kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiibá sa gawain ng̃ mg̃a yuon.
Ang kawikaang: Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong katawan sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na ng̃a sa paniniwala nilang iba sila.
¡Anong laking pagkakaiba ng̃ ugali at kilos ng̃ mg̃a manggagawa sa ibang lupain, sa ating mg̃a manggagawa...!
Sapagka't, samantalang doón, sa boong kaeorupahan at sa iba pang dako ng̃ Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan ng̃ mg̃a anak-pawis ay hindi kumikilala ni pumipili ng̃ uri ng̃ mg̃a manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat na Páhiná 33manggagawa sa pagtatanggol ng̃ matwid, upang ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain ng̃ mg̃a yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapóy na halos ang labanan ng̃ Puhunan at Paggawa, sampu na ng̃ lahat ng̃ mg̃a manggagawang may iba't ibang uri at kalagayan ay sumunód naman sa mg̃a ginawa ng̃ mg̃a dinadamayan; samantalang ang pagtutulung̃an at pagaabuluyan ng̃ mg̃a manggagawa roon ay ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan ng̃ anoman ang mg̃a nagsiaklás hanggang sa huli, sa pagtatanggol ng̃ matwid at karapatan.
At ... tayo'y magpatuloy....
Nang umaga ng̃ang yaon, samantalang ang karamihan ng̃ mg̃a nagsiaklás, ay nang̃awiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto ng̃ Pagawaan.
Pagkapasok ay ang tanggapan ng̃ Tagapamahala ang tinung̃o.
Páhiná 34Sa loob ng̃ nasabing tanggapan at sa haráp ng̃ isang lamesang marmol ay nang̃akaupo ang tatlo katao at kaukausap ng̃ nasabi nang Tagapamahala.
Ang tatlong yaon ay siyang mg̃a may-ari ng̃ pagawaan.
—Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka—ang anyaya ng̃ Tagapamahala sa taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan.
At si Pablo (tawagin na natin ng̃ ganitó yamang siyang itinawag sa kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo.
—Ipinatatawag daw po ninyo akó—ang simulang wika ni Pablo nang maupo na.
—Oo;—anang Tagapamahala—ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay na mahalaga akong sasabihin sa iyó.
—¿Ano po yaon?—ang may malaking pananabik na tugón ng̃ kinakausap.
—Isang mahalagang bagay na kapapalooban ng̃ iyong ikagiginhawa, at hindi lamang ikaw, kundi sampu pa ng̃ iyong "familia," kung aáyon ka sa aking sasabihin.
Páhiná 35—Sabihin mo na po.
—Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang mg̃a "orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa ng̃ kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala marahil ng̃ mg̃a walang utang na loob na iyan ay susuko kaming mg̃a mamumuhunan. Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang mg̃a mamumuhunan sa pagawaang ito—at sabay na itinuro ang mg̃a kaharap—ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka ng̃ ibang magiging kasama.
—Ako po'y ...
—Nalalaman ko—ang putol agad ng̃ Namamahala—na ikaw ay may pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay hindi makasasapát sa iyo at sa iyong asawa't mg̃a anák. Páhiná 36Dito, kung papayag kang gumawa, at mang̃ang̃ako pang hahanap ng̃ ibang magsisigawa rin ay bíbigyan kita ng̃ katang̃iang makagawa ng̃ hanggang ibig mo; alalaong baga'y hindi ka tatasahan sa mg̃a "material" na gagamitin, at sa gayo'y kikita ka ng̃ higit sa lahat, higit sa dating kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa kasalukuyang ginagawán mo. ¿Anó, nanayag ka ba?
Si Pablo ay hindi magkantututo ng̃ isa-sagot; napipigilan siyang umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa takot sa mg̃a nagsiaklás.
Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalók, sapagka't naiisip niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang samantalahin upang ikita ng̃ malaki.
Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagót; kaya't nang mamalas ng̃ mg̃a kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan muna at pagkatapos na sumung̃aw sa kanilang mg̃a labi Páhiná 37ang isang ng̃iti ay winika ng̃ Tagapamahala.
—Anó ang iyong sagót?
At si Pablo, sa tanóng na itó ay parang nabuhayan ng̃ loob; kaya't ang tugón:
—Ako po'y pumapayag; ng̃uni't nag-aalaala po ako na baka ...
—Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka ng̃ Pagawaan sa pamamagitan ng̃ mg̃a batás ... Upang matangkilik ka at gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami rito ng̃ ilang pulis na tatanod.
—Kung gayon po'y ...
—Asahan mo—ang hadlang ng̃ kausap. Huwag kang matakot; gawin mo ang lahat nang magagawa upang sa loob ng̃ linggong ito ay makapagpasimula na kayo.
—Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang siya po ang nang̃ung̃ulo sa kilusán; at inaasahan ko po, na kung ito ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod ng̃ iba.
Páhiná 38—Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ... Ipang̃ako mo rin ang mg̃a bagay na ipinang̃ako namin sa iyo.
—Ako na po ang bahala—at sabay na nagtindig sa kinauupán at pagkatapos ay ang patuloy:—Ako po'y aalis na.
—Oó—ang tugon ng̃ Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa bulsá, ay ang patuloy:—Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa mg̃a pagyayao't dito—at sa kamay ni Pablo ay iniyabót ang dalawang tiglilimang pisong papel.
—Salamat po—ang nakatawang tugon ng̃ pinagbigyan at sabay na isinabulsa ang sampung piso.—Ako po'y aalis na,—ang dugtong pa.
—¡Adyos!—ang tugon sa kanya ng̃ kausap.
Isang malakás na halakhakan ang isinunod ng̃ mg̃a naiwan nang makalabas sa pinto si Pablo.
—¡Nakabili na tayo! ¡nakabili na tayo...!—ang sunodsunod na wika pa ng̃ mg̃a Páhiná 39mamumuhunan na lalong pinakalakás ang pagtawa.
Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at sa pamamamagitan naman nitó, ay makaipon ng̃ mg̃a taong dapat na ipasok sa Pagawaang inaklasan.
Mg̃a manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas. Páhiná 40
Tatlong araw ang lumipas buhat sa huling mg̃a pangyayari.
Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan ng̃ sino mang manggagawang tabakero.
Ang matalinong pagsisikap ng̃ Kawanihan ng̃ Paggawa sa ipagkakasundo ng̃ dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat ng̃ pag-asa ng̃ Tagapamahala ng̃ "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay ng̃ sigalot sanhi sa pagmamatigas ng̃ mg̃a mamumuhunan sa Pagawaang pinagaklasan.
Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagót ng̃ mg̃a mamumuhunan. Hindi na nila mababago ang ipinasyá ... Ganito ang laging panagót.
Páhiná 42Noon, ay umaga rin, at ang Lupon ng̃ mg̃a manggagawa ay nakipagkitang muli sa Tagapamahala ng̃ Kawanihan ng̃ Paggawa, upang alamin dito ang tayo ng̃ salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at lalong nagpapakatigás ang mg̃a kalaban.
Tiyaga at pagtitiis, ang tang̃ing inihahatol ng̃ Kawanihan sa mg̃a nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba.
—Inaasahan ko—ang patuloy pa ng̃a ng̃ nasabing Tagapamahala—na sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob ng̃ dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang nawawala sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa mg̃a mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa paglalaban. At huwag lamang na sawíng palad na pasukan ng̃ mg̃a kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na Páhiná 43kayo'y magtatagumpáy, kung di man sa lahat ng̃ inyong mg̃a kahiling̃an ay sa marami niyang mg̃a bahagi.
At ang Lupong manggagawa ay bumalik noón din sa pinagtitipunan ng̃ mg̃a nagsiaklás.
Sinabi sa mg̃a kasama nila ang pinangyarihan ng̃ kanilang huling lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran ng̃ madla ang tayo ng̃ kanilang salitaan at gayon ang hatol naman ng̃ Tagapamahala ng Kawanihan.
Malalalim na buntonghining̃ang makadurog puso ang sa dibdib ng̃ mg̃a kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; mg̃a buntonghining̃ang nagpapakilala ng̃ tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na itinatagal ng̃ aklasan.
¡Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal ng̃ isang buwan man lamang!
At si Mauro, sa haráp ng̃ gayong namamalas ay lihim na nagtitiis.
—¡Umasa tayo at maghintay!—ang ipinanglulunas na lamang niyang hatol sa lahat.
Páhiná 44—Oó; umasa tayo at maghintay ...—ang ikinasisiyang tugón naman ng̃ marami.
Subali't ... ¡bigong pagasa! at ¡sayang na paghihintay!
Sapagka't sa kinahapunan noón, si Pablo ay boong tápang na pumasok sa maluwang na pinto ng̃ Pagawaan, na kasama ng̃ may labing isá pa, buhat sa ibang ginagawan.
¡Labing-isang manggagawa sila na nahikayat ng̃ makamandag na dila ni Pablo!
¡Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin ng̃ ibá!
¡Oh! Ang mg̃a gahamang ito ay siyang dapat managót sa napakaraming aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain ng̃ mg̃a asawa't anák ng̃ nagsisiaklás.
¡Lubha ng̃ang kanaisnais na ang mg̃a ito'y mawala at malipol agad!
Simula ng̃a sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon ng̃ buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at manakánakang pukpukan at tawanan ay naririnig.
Páhiná 45At samantala'y ...
¡Ang mg̃a kahabaghabag na nagsiaklás ay lalong nagsisipagtiis!
Sa mg̃a mukha nila ay nababakás ang isang malaking poót, nabábadha sa pawisang noó ng̃ bawa't isá, ang pagkasuklam sa mg̃a gahaman at taksil na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang mg̃a nagsiaklás.
Di miminsan, at sa init ng̃ nagpupuyos nilang loob, ay balakin ng̃ ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ó ilan man sa mg̃a taksil na yaón.
Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay napipigilan, sanhi sa mg̃a pang̃ung̃usap at hatol na ibinibigay ni Mauro.
Sa pamamagitan ng̃ maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban ng̃ kanyang mg̃a kasama sa haráp ng̃ namamalas na nalalapit na pagkabigo ng̃ aklasan.
—Huwag—anya—huwag. Huwag nating isipin ng̃ayon ang pagpapadának ng̃ kaPáhiná 46hi't iisang patak na dugo ng̃ ating mg̃a kapatid din; hindi natin kailang̃an, at kailang̃an man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa nang may kapakinabang̃an tayong tatamuhin. ¡Para sa mg̃a manggagawang pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa ng̃a, at lubhang napakalayo pa! Kung magkaminsan ng̃a ay kinakailang̃an din ang pagpapadanak ng̃ dugo upang maipakilala sa mg̃a taksil, ang kasamaang ibinubung̃a ng̃ kanilang mg̃a gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa magagandang simulain, sa pamamagitan ng̃ kanilang mg̃a inaasal; datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa mg̃a pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis ng̃ sosyalismong umiiral at nalalaman ó kinikilala at pinamamantung̃anan ng̃ mg̃a manggagawang gagamit ng̃ gayong sandata ... Kayo na ang magsabi. ¿Ano ang kapakinabang̃ang mahihintay natin pagkatapos ng̃ pagpapadanak ng̃ dugo? Wala, kundi maghari ang lakás ng̃ mg̃a batás sa ibabaw ng̃ Páhiná 47sawing-palad na tumupad sa atas ng̃ isang dakilang mithi ... at pagkatapos, ay maging dahil pa ng̃ mg̃a pagpula sa gumawa; maging sadlakan ng̃ paguyám at tagurian pa ng̃ mamamatay, unang-una na noong mg̃a makikinabang sa huli sa mabuting bung̃a ng̃ gayong pagpatáy. Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa; itatakwil at pawawalang kabuluhan sa haráp man ng̃ marami. Kaya ng̃a mg̃a kapatid; ¡saka ná! ¡Saka ná, kung makilala ng̃ mg̃a manggagawang pilipino ang tunay niyang karapatan!
Ang ganitong pang̃ang̃atwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at ikinalamig ng puso ng̃ mg̃a kasama.
At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ... Páhiná 48
At ... ¿si Gervasio ay saan naroron? ¿Ano't sa mg̃a huling pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pang̃ulo...?
Alamin natin.
Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan ng̃ pagawaan, ay nagisip ng̃ mg̃a paraang gagamitin sa paghimok kay Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin ng̃ araw na yaong makausap siya ng̃ may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay ng̃ hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay walang kimi ni pagaalinlang̃an ipinabatid kay Gervasio ang kanyang layon, sa pamamagitan ng̃ mg̃a tiyakang pang̃ung̃usap at hindi maligoy na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya ng̃ Tagapamahala ng̃ Páhiná 50Pagawaan, at gayon din ang mg̃a pang̃akong ibinigay at ng̃ sampung pisong kaloob.
Si Gervasio, sa haráp ng̃ gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo, ay natilihan muna at di agad nakasagót; pinagbulaybulay sa isip niya ang mg̃a pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang amuki ng̃ kaibigang humihikayat.
Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon ng̃ kanyang kausap ay nagpatuloy:
—Tingnan mo—anya—¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo ng̃ayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na ng̃a sa iyo ang sinabi sa akin ng̃ Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás. At tang̃i sa rito, ¿ano't makikiloko ka sa kanila? ¿Kung wala ka pa bang makain at sampu ng̃ iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo?
Páhiná 51—Iyan din ng̃a ba ang sinasabi ko sa taong iyan—ang halos ay nangdididilat ang mata ng̃ asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan—sa hirap naming ito ay hindi ko ng̃a malaman sa taong iyan kung ano't hahalohalo sa mg̃a kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan na siya at sampu ng̃ kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at makaaalaalang siya'y lapitan. ¡Sús ... aywan ko ng̃a ba!—at sabay sa mg̃a huling pang̃ung̃usap na ito ay nangdudura pa man din.
Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang pang̃ang̃atwiran ay di na maibuka sa bibig.
Marinig sa bibig ng̃ asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at ginagawa sa kapakinabang̃an ng̃ marami, bakit ay naisurot pa nito na kung ano at kung bakit hahalohalo sa mg̃a "chismes," ay doon na pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa haráp ng̃ mg̃a nakahahalinang amuki ni Pablo.
Kaya't pagkalipas ng̃ ilang sandali ay napilitang magsalita.
Páhiná 52—¿Paano ang iba kong kasamahan?
—¿Ang iba mong kasamahan?—ang wari'y sagot na tanong din ni Pablo.—¿Bakit mo sila iintindihin? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't isa ay dapat humanap ng̃ kanyang sariling kagaling̃an; kanikanyang hanap at pagsisikap ...
—¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...?
—Walin mong kabuluhan—ang saló agad ni Pablo.
—Aywan ko sa taong itó—ang sabad na naman ng̃ babai—tila ibig mag Kristong papako sa krus sa kagaling̃an ng̃ marami at ibig yatang matawag na manunubos.
—Siya ng̃a naman—ang sambot pa ni Pablo—isipisipin mong mabuti. Ang iniaamuki ko sa iyo ay kagaling̃an mong sarili at ng̃ iyong pamilya. ¡Siya na iyang makámakabayan!
At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa haráp ng̃ dalawang tuksó ay wala na siyang magagawa. At saka naaalaala ng̃a rin niya ang gipit nilang kalagayan sa Páhiná 53pamumuhay, sa gitna ng̃ malawak na dagat ng̃ buhay at sa gitna ng̃ naglalakihang daluyong ng̃ kasaliwaang palad.
At siya, si Gervasio, ay walang tápang na makahaharap sa malalaking pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbung̃a sa huli ng̃ tagumpay ng̃ isang dakilang simulain at kalasapan ng̃ di gaanong kagaling̃an ng̃ marami.
Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat. Ito, ang simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't sa wakás ay sinabi ng̃ boong siglá.
—Ako ay umaáyon.
At ang pang̃ulong Gervasio, mula sa mg̃a sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas.
—Kung gayon,—ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo—búkas ng̃ hápon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama ng̃ ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan.
Páhiná 54—Huwag; huwag muna. Kailang̃an nating hikayatin si Mauro.
—Siya ng̃a; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin.
—Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan.
—Kung gayon, bukas na ng̃ hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin dadalhin sa Pagawaan ang mg̃a magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaroón.
—Lalong mabuti ng̃a—ang tugon ni Gervasio—kita'y hihintayin.
—Oó, darating akong walang sala.
At noon din si Pablo ay nagpaalam.
Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa poók na pinagtitipunan ng̃ mg̃a nagsiaklás ay di man lamang nakita.
Sa haráp ng̃ kanyang susulatán, si Mauro ay payapang nakaupo kinagabihan din ng̃ araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang magkakasama.
Nakapatong sa ibabaw ng̃ lamesa ang dalawang bisig at sa mg̃a palad ay nakakatang naman ang dalawang pisng̃i.
Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang isang napakalaking damdaming kinakabaka ng̃ puso, damdaming nakapagpapapulás sa dibdib ng̃ malalalim na buntonghining̃a.
Sadyang nang mg̃a sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning pinagaaralan ...
Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may mg̃a manggagawang sa kilusang tung̃o sa pagtatangPáhiná 56gol ng̃ karapatan na pinagsisikapang itaguyod ng̃ iba nilang kamanggagawa ay nagkakatápang na siyang sumira sa kilusán sa pamamagitan ng̃ pagtataksil.
Hindi niya lubos maisip ang sanhi ng̃ kung bakit samantalang ang ilang magigiting na kawal ng̃ pawis ay nagpapakasákit sa pagtataguyod ng̃ aping karapatan ng̃ mg̃a manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin ng̃ mg̃a mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa mg̃a manggagawa ang walang sinasamantala kundi ang gayong mg̃a kilusan upang makasunod sa masamang nasa at kinamihasnan ng̃ puso na pagpapasasa sa mg̃a tungkulin at gawain ng̃ mg̃a nagsisiaklás, sa kapakinabang̃an at kagaling̃an nilang sarili.
Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu ng̃ kanyang kaluluwa, sa mg̃a katiwaliang namamalas.
Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doón sa mg̃a unang humawak ng̃ kapalaran ng̃ mg̃a Páhiná 57manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anák-pawis, bago'y ang kadalasang mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa mg̃a itó sa maraming kilusang nangyari.
At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa haráp ng̃ mg̃a napapariwarang kilusan ng̃ mg̃a anák-pawis, sa mg̃a nagbabansag na tagapagtanggol ng̃ malalayang karapatan ng̃ mg̃a manggagawa at sa mg̃a nagkukunwaring umaákay sa mg̃a ito, sa landas ng̃ pagkakaisá, sapagka't maliwanag na nakikita at nadadamá sa mg̃a pangyayari, na, marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap ng̃ isang lihim na pagiimbót sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong dapat gugulin sa pagiisip at paghanap ng̃ wastong paraan, upang ang marami at malalaking suliraning manggagawa sa Pilipinas ay malunasan.
Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa namamalas na kaapihan ng̃ madlang kilusang Páhiná 58manggagawa, ang mg̃a ito ay malimit lamang na gawing hagdanan ng̃ ilang mapagimbot at nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog ng̃ dang̃al at katungkulan, dang̃al at katungkulang gagamitin lamang sa sariling kapakanan at kagaling̃an.
Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si Serafina Halili, babaing puspos hinhin, marang̃al at matalino, na di lamang karapatdapat na iná ng̃ tatlo nilang maliliit na anák, kundi isá rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa buhay, na mula pa nang mg̃a unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo at kilos ng̃ asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa:
—¿Bakit ka nalulungkot?—¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May malubhang bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan?—ang sunodsunod na tanong ni Serafina.
—Serafina ... Serafina ...—ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang Páhiná 59kamay ng̃ asawa—¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang sinasapit ng̃ mg̃a manggagawa!
—¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá?
—¡Nagkakaisa! Oó; datapwa't ang mg̃a taksil, ang mg̃a Hudas, ay siyang nagwasak at magwawasak pa ng̃ nalalabing pagkakaisa ng̃ mg̃a nagsiaklas sa pamamagitan ng̃ ...—at si Mauro, sa laki mandin ng̃ pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw ng̃ kanyang sulatán at tuloy na napayukayok.
Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan ng̃ pagmamahal sa kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid ng̃ tungkulin niya, sa mg̃a sandaling yaón ay biglang napayakap kay Mauro at ito'y pinagbiyayaan ng̃ matatamis na halik.
—Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin sa akin ang sanhi ng̃ iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko, kung ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay walang magagaPáhiná 60wang anomang tulong upang sa kasawian ng̃ mg̃a kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay matulung̃an man lamang kita sa paghahanap ng̃ lunas.
—¡Salamat, Serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na ako'y walang lihim para sa iyo, kaya't makinig ka at aking isasalaysay ang lahat. Umupo ka.
Si Serafina ay umupo.
At si Mauro ay nagsimula.
—Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa mg̃a manggagawang nagsiaklás ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang mg̃a pangyayaring hinaharáp, at samantalang inaasahan namin ang tagumpay na di malalaon ng̃ mg̃a adhika namin, ay naririto, at sa pagawaan, ay nagsipasok ang ilán, sa ilalim ng̃ pang̃ung̃ulo naman ni Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat mandin ng̃ Tagapamahala ng̃ pagawaán, at ito naman ang siyang humikayat sa iba. Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiaklás ay wala Páhiná 61nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't nakikinikinita ko, na sa likod ng̃ taksil na si Pablo at sa likod pa ng̃ ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa wakas ... sa wakas ng̃a, ay marahil ang lahat na ¡Sukatin mo, Serafina, kung sa lahat nang itó ay may puso akong itatagal!
—Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa mg̃a nangyayaring iyan, munti man ay walang sala; hindi ka masisisi ng̃ sinoman, pagka't ikaw sa iyong sarili ay walang magagawa.
—Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang magiging palad ng̃ aklasan namin ng̃ayon kung matalo man, kundi ang magiging palad ng̃ mg̃a darating na kilusán.
—Iya'y katotohanan; subali't taglayin ng̃ mg̃a may sala ang parusa, subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap ng̃ iyong sariling budhi ang kaPáhiná 62siyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap ng̃ lalong malaking ligaya sanhi sa ang pang̃alang taglay ko na ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran ng̃ bahagya mang pagtataksil; at ang mg̃a batang anák natin ay maiiwanan mo naman ng̃ isang karang̃alang di matutumbasan ng̃ pilak ni ng̃ anomang kayamanan. Magbalik na silang lahat sa pagawaan ng̃ di natatamo ang tagumpay kundi ang kahiyahiyang pagkatalo; datapwa't, ikaw na asawa ko, ay hindi ko inaasahang gagawa ng̃ gayon, alangalang man lamang sa malinis na karang̃alan na dapat mong ipamana sa ating mg̃a anák. Dumating na ang hirap; dumagsa na sa atin ang lahat ng̃ sákit at paghihikahós sa buhay kung wala ka mang pagkakitaan ay nakang̃iti kong tatanggapin at ituturong tanggaping maluwag sa puso ng̃ ating mg̃a anák. Sa gayon ay maipakikilala natin sa haráp ng̃ kahit sino, na kung sakali mang may mg̃a manggagawang pilipino Páhiná 63na walang hinaharap ni sinisikap kundi ang kagaling̃an at kapakanang sarili, ay mayroon din namang hindi, at isinasailalim ang mg̃a kagaling̃ang sarili sa kagaling̃an na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ...
—Salamat, Serafina ... at tantuin mo, na sa haráp ng̃ mg̃a kasawiang laging inaabot ng̃ maraming aklasan at ng̃ ano mang kilusang manggagawa, ang mg̃a hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong gagawing kalasag ...
Isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang paguusap ng̃ mag-asawa.
Dinung̃aw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro.
Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw ng̃ dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang makiharáp sa kasama ni Gervasio ...
Datapwa't madali siyang nagbago ng̃ akala. Nararapat niyang tanggapin ang Páhiná 64pagdalaw ng̃ dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo.
Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy.
At nagsipanhik.
Sa haráp din ng̃ sulatan ni Mauro, pagkatapos ng̃ mg̃a kailang̃ang batian ay nagkaibayo sila ng̃ upo.
Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling nito.
—¿Anó, kumusta, mg̃a kasama...?—ang unang bati ni Mauro na nakang̃iti—¿Anó ang inyong layon...?
Nagkating̃inan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling ang mg̃a matá kay Serafina.
Ang gayon ay di naling̃id sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang pagaatubili ng̃ dalawa, kaya't muling sinabi:
—Sabihin ninyo, mg̃a kasama, ang sanhi ng̃ inyong ipinarito; huwag kayong magalinlang̃an at sa haráp ng̃ aking asawa ay makapagsasalitaan Páhiná 66tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ...
—¡Oh, hindi naman sa gayon!—ang sambót agad ni Gervasio.
—Kung gayon ay sabihin na ninyo.
At si Pablo ang nagpasimula.
—Kami ay naparito, kaibigang Mauro, upang kausapin ka sa isang mahalagang bagay.
—Siya ng̃a:—ang ayon ni Gervasio.
—Ipatuloy ninyo—ani Mauro naman.
—Ang sanhi,—ani Pablo—ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa pagpasok.
—¿Saan?—ang nabiglang tanong ni Mauro na kumabakaba ang dibdib.
—Sa ating Pagawaan—ang tugon ni Gervasio.
—¿Sa Pagawaan natin?
—Oó,—ani Pablo naman.
Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi ng̃ dalawa.
Napatindig sa kinauupán; at noo'y ibig Páhiná 67na sanang daluhung̃in ang dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigát ng̃ sinabi; subali't nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa mg̃a pangyayaring di pamumung̃ahan ng̃ anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'y nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa ng̃ anomang malalabag sa magandang kaugalian; kaya't namayapa pa rin at ang wikang kasabay ng̃ pagupong muli.
—Mga kasama: ¿sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna?
—Oó, nalaláman namin—ani Pablo.
—¿Alin?
—Ang aklasan.
—Kung gayo't nalaláman ninyo, ay ¿anong mg̃a matwid ang mailalahad ninyo sa akin upang kayo'y ayunan ko?
—Ang sarili mo ring kagaling̃an—ang nakang̃iting tugón pa ni Pablo.
—Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko ng̃ marami ang iyong mabuPáhiná 68ting hang̃ad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko matatanggap kailan man ang anomang hang̃aring makapagpapabuti lamang sa aking sarili, ng̃uni't sa kapang̃anyayaan naman ng̃ marami.
—¿Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan ng̃ iba? Sukat mong alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay. Walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang ng̃ panahon; kaya't ¡bayaan mo na sila't harapin mo ang sarili mong kagaling̃an, yayamang isang pagkakataóng dapat mong samantalahin ang pang̃akong binitiwan ng̃ may Pagawaan!
—Siya ng̃a naman—ang paayon ni Gervasio.
—¿At ikaw ba, kasamang Gervasio, ay umáyon na?—ang tanong ni Mauro dito.
—Oó;—ang tugóng may kasiglahan ng̃ tinanong.—ako'y umayon na, sapagka't nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating pagmamatigás; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa.
Páhiná 69—Gervasio, Gervasio ...—ang ulitulit na tawag na may kahalong pagiring ni Mauro.—Hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa naman ng̃ marami mong mg̃a kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol, ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas ng̃ pagiisá; ikaw na pinagkatiwalaan nila ng̃ lahat nilang pagasa ay siya ng̃ayong maglalagpak sa karang̃alang malinis na dapat sanang dalhin at tamuhin nating lahat sa aklasang ito. Hindi ko hinihintay, oó; hinding hindi ng̃a, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di wastong paniniwala. ¡Sayang! Oó; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi.
—Mauro; hindi rin naman lubos na gaya ng̃ paniniwala mo ...—ang nakang̃iti pa ring tugon ng̃ kinakausap.
—¿At ano ang maitatawag sa iyong inaasal?
—Pagliligtas sa isang bagay na di katatamuhan ng̃ tagumpay—ang salo naman ni Pablo.
Páhiná 70—Mg̃a kasama; ipahintulot ninyo, na ako pa rin ay tumugon. Sa ganang akin, kailan man ay di ko magagawa ang magtaksil sa aking mg̃a pananalig. Pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako't hangga ng̃ayon ay nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan ng̃ layon at simulaing ipinakikipaglaban.
—Oó na ng̃a—ang putol pa ni Gervasio sa nagsasalita—datapwa't ang lahat nang iyan ay kailang̃ang ing̃atan kung nakikitang may tagumpay na inaasahan sa huli ...
—¿At paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may mg̃a taksil at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan ng̃ isang pang̃ako ng̃ lalong dakila at mahalagang kilusan? ¿Paanong ibig ninyo, na ang alin mang aklasan ay magwagí, kung ang mg̃a nang̃ung̃ulo at nagsisipang̃asiwa sa kapalaran at buhay ng̃ libolibong mg̃a kapatid ay siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa ng̃ Páhiná 71mg̃a manggagawa? ¡Oh! hindi, makalilibong hindi.
—¡Mauro! ¡Mauro!—ang nagkapanabay ng̃ dalawa.
—Ipatawad ninyo—ani Mauro—ang kaunting kabigatan ng̃ aking sinabi; subali't ang puso ko ang siyang naguutos; kaya't ...
—Huwag kang magalaala ng̃ anoman—ang tugon ni Pablo.—Kung sa bagay ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong mg̃a binitiwang pang̃ungusap; ng̃uni't ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala mo ang kahalagahan ng̃ aming layon.
—¡Salamat! Subali't, huwag na kayong magpagod—ang matigas ding tugon ni Mauro.
—Alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat unahin.
—Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmaPáhiná 72mahal sa sariling kapakanan at kagaling̃an ng̃ mg̃a manggagawa sa Pilipinas ay di isinasailalim ng̃ kapakanan at kagaling̃an ng̃ marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng̃ katubusan ay di mamamanaág ...
—¿At ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyán?—ang nakatawang tugón agad ni Gervasio.
—Kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man lamang sa pagbabagong buhay ng̃ mg̃a manggagawa sa Pilipinas.
—¡Ha, ha, ha, ha,...!—ang halakhakang nagkapanabay ng̃ dalawa, at saka ang sabi ni Pablo:
—Alalahanin mong may asawa ka at mg̃a anák, na madadamay sa paghihikahos.
Ang sandaling yaon, para kay Serafinang nakikinig at malaon na ring ibig na sumagót sa paguusap ng̃ tatlo; ang sandali ng̃ang yaon ay inakala niyang isa nang pagkakataóng dapat samantalahin upang maipakilala sa dalawa ang kaniPáhiná 73yang linoloob; kaya't pagkatapos na matingnan si Mauro ay boong siglang sinabi:
—Mg̃a ginoo: Dumating ang sandali, na sa kapahintulutan ninyo at ni Mauro ay kinakailang̃an kong magsalita, yayamang nabanggit na rin lamang ninyo sa inyong mg̃a pang̃ang̃atwiran ang kanyang asawa't mg̃a anak. Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo ng̃ayon, na sa pang̃alan din ng̃ inyong mg̃a nabanggit na asawa't anák ni Mauro, ay siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang mg̃a pananalig. Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong paghihikahós, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at mamamátay sa mg̃a dakilang kilusan ng̃ mg̃a manggagawa. Hindi namin kinakailang̃an ang anomang ginhawa, kung ang ginhawang iyan ay magiging kapalit ng̃ karang̃alang malinis na dapat ipamana sa aming mg̃a anák. Si Mauro ay hindi makagagawa ng̃ gayon. Ang karang̃alan muna, bago ang lahat, mg̃a ginoo. At ang lalaki ó amáng hindi marunong magtanggol sa karang̃aPáhiná 74lang naaapi, magpakailan ma'y busabos, alipin at apiapihan.
Ang mg̃a huling pang̃ung̃usap na ito ni Serafina ay parang mg̃a palasong tumímo sa puso ng̃ dalawa; hindi nang̃akakibo at mandin ay nang̃atubigan sa pagkakaupo.
Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong mg̃a pang̃ung̃usap; mg̃a pangungusap na labis ng̃ sakláp at paít.
Sa pagkabanggit nila sa asawa't mg̃a anák ni Mauro ay inaasahan nilang sila'y matutulung̃an ng̃ babai sa paglalahad ng̃ mg̃a katwirang sukat makapagpabago ng̃ loob sa hinihikayat at kailan ma'y hindi nila inakala, na si Serafina ay magkaroón ng̃ tápang at sigla ng̃ puso sa paghahayag ng̃ mg̃a damdaming pangbihira sa mg̃a babaing pilipina.
—Kayo po ang bahala ...—ang naitugón na lamang ni Pablo, pagkatapos ng̃ pagsasalita ng̃ babai.
—Ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'y maiPáhiná 75ligtas sa paghihikahós—ang naisagót naman ni Gervasio.
—Salamat sa inyong nasa, mg̃a kasama:—ang tugon ni Mauro.—Datapwa't narinig na ninyo ang mg̃a katwirang pinanghahawakan ni Serafina; at mg̃a pang̃ang̃atwirang lubos kong sinasangayunan sapagka't nasasalig sa aking mg̃a paniwala at sa mg̃a simulaing pinanghahawakan; kaya't ipatawad ninyong tapusin ko na ang paguusap na itó.
—Kami'y sadyang magpapaalam na naman—ang nagkapanabay na tugón ng̃ dalawa sabay ng̃ pagtitindigan.
Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't bagay na makakaya.
Liban sa mg̃a pusong walang anomang karang̃alan, na gaya ng̃ taglay na ng̃a ng̃ dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa mg̃a pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa napapang̃anib na karang̃alan ni Páhiná 76Mauro, na di tatablán ng̃ isang malaking kahihiyán.
Pagkaalis na pagkaalis ng̃ dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa; inaloalo ng̃ matatamis na pang̃ung̃usap na sukat bagang makapagpatibay sa loob ni Mauro sa mg̃a nangyayari, at sabay sa mg̃a pagsasalita niya'y pinagbibiyayaan ng̃ matutunog na halik, halik na ginaganti naman ng̃ lalaki ng̃ gayon ding tanda ng̃ walang maliw na pagiibigan.
¡Mapalad na lalaki ang magkaasawa ng̃ ganitong mg̃a babai!
At mg̃a babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita.
Sumapit ang kinabukasan.
Ang pagawaang pinagaklasán, nang umagang yaón ay pinapasukan na ng̃ maraming manggagawa.
Ang lahat halos ng̃ mg̃a manggagawang ito ay pawang nang̃ahikayat ni Pablo sa ibang mg̃a pagawaan.
At siya, si Pablo, na pinang̃akuan ng̃ mg̃a mamumuhunan ng̃ kung anoanong katang̃ian, ay lalong napamahal sa mg̃a ito, dahil sa kanyang ginugol na sipag at tiyaga sa paghahanap ng̃ mg̃a tao; sipag na nakatulong nang malaki upang silang mg̃a mamumuhunan ay magwagi sa ibabaw ng̃ mg̃a nagsiaklás.
At, ang mg̃a pulés, na buhat pa sa unang araw ng̃ aklasan ay tumatanod sa Páhiná 78pagawaan, sa kahiling̃an ng̃ mg̃a may-ari, ay naroón pa rin at di nagsisialis.
Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nang̃aroon ang mg̃a nagsiaklás.
Ang lahat ay nakating̃in sa maluwang na pinto ng̃ pagawaan, at pinagmamasdan ang mg̃a lumalabas at pumapasok.
At ang ilan sa kanila ay boong ng̃itng̃it na sumasaksi sa gayong pagkapariwara ng̃ aklasan, dahil sa pagtataksil ng̃ mg̃a kapatid din nila; subali't ang lalong marami ay waring nang̃aiinggit na sa nagsisipasok.
Sa lipunang ito ng̃ lalong marami ay pinaguusapan ang pagbabalik na sa pagawaan, yayamang wala na rin lamang magagawa, sa dahilang pinapasok na ng̃ marami ang pinagaklasan nila, at dahil dito ay nagaalaalang baka kung sila'y magpapaumatumat ay hindi na tanggapin ng̃ mg̃a, mamumuhunan, at sila naman ay wala nang iba pang mapapasukan dahil sa ang karamihan ng̃ mg̃a pagawaan ng̃ Páhiná 79tabako ay inaabot ng̃ malaking panghihina sa kalakal.
Nang mg̃a unang sandali pa ay ibig na ng̃ ilan ang pumasok; subali't walang makapang̃ahas na mang̃una; ang kaunti pang karang̃alang nalalabi sa bawa't isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na't magunita nilang ang ilan sa mg̃a kasama ay mahigpit na tumututol.
Itó ang sanhi ng̃ di matuloytuloy nilang pagsasagawa ng̃ mg̃a binabalak na panunumbalik sa Pagawaan.
Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't noón, ay nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan ng̃ marami ay nagsitung̃o.
Pagdating ng̃ dalawa ay niligid na ng̃ marami, at kay Gervasio ay tinanong ang nararapat na gawin.
Ipinabatid ng̃ tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala ang pagmamatigás laban sa mamumuhunan; at kasabay na Páhiná 80rin ang paghikayat sa marami upang magsipasok na.
Pagkatapos ng̃ ilang sandaling pagpapaliwanagan, ang lipunang yaón na binubuo ng̃ marami ay sumang-ayon na rin sa hikayat ng̃ dalawa, bagama't ang lipunan ng̃ ilan, na binubuo lamang yata ng̃ anim ó walo katao, ay nagmamatigás at ayaw sumang-áyon.
Magsisialis na sana ang maraming yaón upang magsisama sa dalawa, nang dumating si Mauro at siyang ikinahinto muna.
Inantabayanan nilang makalapit.
—Mg̃a kasama:—ang unang bati ni Mauro pagkalapit.—¿Saan ang inyong tung̃o?
—Sa Pagawaan—ang sagutan ng̃ marami.
—¿Magbabalik kayo? ¿at bakit?—ang may malaking panggigilalas na tanong pa ni Mauro.
—Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan—anang ilan pa rin.
—Kung gayon, mg̃a kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo?
Páhiná 81Oó;—ang sigawan ng̃ marami.
—Mg̃a kapatid: ¡Kayo ang masusunod! Kung ibig na ninyong magbalik ay hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo ng̃ inyong loob. Subali't alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat taglayin sa mg̃a darating na araw, sa harap ng̃ bayan, sa harap ng̃ Diyos at sa haráp ng̃ inyong sariling budhi. ¡Gawin ng̃ sino man ang maibigan! Datapwa't, ¡bumagsák sa ulo ng̃ mg̃a may sala ang sumpa!...
—¡Ulól! ¡Ulól!—ang sigaw ng̃ isang tinig.
Si Mauro ay napaling̃on. Sa poók na pinagbuhatan ng̃ gayong sigaw ay pinagalagala ang mg̃a matá niya.
Isang bagay ang kanyang namalas.
Si Gervasio at si Pablo ay ligíd ng̃ ilang lalaki, at ang ilang itó ay nakilala niyang mg̃a kaibigan, at siyang mg̃a sumusunod sa madlang simulaing pinananaligan niya.
Hawak ng̃ ilan, sa mg̃a bisig ang dalawa, at anyong nagkakainitan sa paguusap.
Páhiná 82Si Mauro ay lumapit, at sa gitna ay tumayo.
—Ang mg̃a taong ito po ay siyang sumigaw sa inyó ng̃ ulól—ang wika ng̃ isang may hawak sa bisig ni Pablo, sabay ng̃ pagbibitiw dito.
—¿Totoó ng̃a ba, kaibigang Pablo, na ikaw ang sumigaw?—ang nakang̃iti pa ring tanóng ni Mauro.
—Oó; ¿anó ang ibig mong gawin?—ang may pangdidilat pang tugón ni Pablo.
—Wala—ani Mauro pa rin ng̃ boong kalamigan.—Subali't, ¿anó ang dahil at ako'y tinawag mong ulól?
—Sapagka't ibig namin—ang tugón naman ni Gervasio
—Ulól ka ng̃a at sampu ng̃ iyong mg̃a kasama—ang sigaw pang muli ni Pablo.
Sukat itó, upang ang higing ng̃ isang malakas na suntók na lumagpag sa mukha ng̃ isang tao, ay marinig ng̃ lahat.
Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat.
Páhiná 83Ang pangkat ng̃ iilán, na kinabibilang̃an ni Mauro, ay nagigitna sa pangkat ng̃ karamihan na kinabibilang̃an naman nina Pablo at Gervasio.
Sigawan at panakbuhan ng̃ mg̃a babai at ing̃ay ng̃ mg̃a nagaaway ang siyang sa mg̃a pulés na bantay sa Pagawaan ay nakapagpadalo.
At ang lahat ay ibig na magpulasan; subali't hindi nagawa, sanhi sa pagbabala ng̃ mg̃a tanod ng̃ kapayapaan.
Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang dugo ang nakita ng̃ lahat.
Si Mauro at isa pang kasama nitó ay siyang may mg̃a sugat sa bisig at ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo, na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha....
Sa gitna ng̃ gayong paglalaban ay si Mauro ang siyang unang tumanggap ng̃ isang saksak na sa dibdib sana niya umabot kundi natutuhang salagin ng̃ bisig Páhiná 84na kaliwa, kaya't ito ang nasaktan din naman ng̃ malaki.
May sugat na si Mauro; subali't gayon man, ay hindi rin nasira ang loob; kaya't nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni Pablo'y babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi mandin ng̃ lintik na sinagupa ang kamay na mamamátay at mahigpit na hinawakan.
Nagpang̃agawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni Mauro ay nakuha sa kamay ni Pablo ang kortapluma.
Ang dugong umaagos halos sa sugatang bisig niya ay siyang nakapagpadilim sa mg̃a paning̃in ni Mauro; umakyat halos sa kanyang ulo ang dugo at siyang nakapagpasubo sa malamig niyang puso ... Kinakailang̃an na niya ang magtanggol, upang mailigtas ang sariling buhay na sa mg̃a sandaling yao'y sumasapang̃anib.
Kaya't pagkapasakamay niya ng̃ patalim na hawak ni Pablo ay maliksi na rin sanang itatarak dito; subali't isa pa ring Páhiná 85bisig na may patalim ang namalas niyang lalagpak sa katawan niya, kaya't itó na ang hinaráp; si Gervasio naman ang kanyang pinakipagtunggalian.
Sa pagsasagupaan nila, sa unang saksak na ibinigay in Gervasio, si Mauro ay nakailag; kaya't lumihis ang saksak na yaon. At pagkatapos, si Mauro naman ang gumanti.
Sa dibdib ni Gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang patalim ni Mauro.
At sabay sa pagbagsak ng̃ duguang katawan ni Gervasio ay lumagpak din naman ang katawan ni Pablo sa isang saksak na ibinigay ng̃ isang di nakilala.
At ang lahat ay naganap sa loob ng̃ isang kisapmatá lamang.
At nang ang mg̃a pulés ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang naagaw na kortapluma at puno ng̃ dugo.
Pinabitiwan sa kanya ng̃ pulés ang hawak at siya ang unaunang binantayan.
At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo ng̃ mg̃a Páhiná 86kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang mg̃a ito'y ligid na rin ng̃ ibang pulés na gumibik.
Dalawang "ambulancia" ang dumating na maliksing tinawag ng̃ isang detective at sa isang laan sa mg̃a may sugat ay doon isinakay ang mg̃a ito, at sa isá pa ay ang mg̃a malalakas naman ...
¡¡Kakilakilabot na bung̃a ng̃ di pagkakaunawaan ng̃ mg̃a manggagawa sa kapwa manggagawa...!!
Tatlong buwan ang lumipas buhat nang mg̃a huling pangyayari.
Sa tulong ng̃ malaking pagsisikap ng̃ mg̃a manggagamot, ang buhay nila Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan.
At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos ng̃ may mahigit na isang linggong paggamot sa mg̃a sugat nila, ay mayroon nang dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay ng̃ araw ng̃ paglilitis.
Ang ilan sa mg̃a kasama pa nila ay pinakawalán na ring matagal, pagkatapos na makunan muna ng̃ ilang; mg̃a tanóng na siyang ihaharap na, saksi sa araw ng̃ paglilitis.
Ang ilan sa mg̃a kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang Páhiná 88mg̃a sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman ng̃ paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro.
......................................................................
......................................................................
......................................................................
......................................................................
Ang araw ng̃ paglilitis ay sumapit.
At ang maluwang na bulwagang yaon ng̃ Hukumang Unang Dulugan ay napuno sa dami ng̃ taong nanoód ng̃ paglilitis.
Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu ng̃ tatlong anák nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang asawang sa loob ng̃ panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man nangyaring kausapin.
Sa Hukuman ng̃a ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa.
Sa pamamagitan ng̃ mg̃a abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan at kakilala nilang mag-asawa, at gayon ng̃ buhat sa mg̃a kamaganakan nila, ay nangPáhiná 89yaring si Serafina ay makakuha ng̃ isang abogado upang magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap ng̃ Hukuman.
Sa haráp ng̃ kagalanggalang na Hukom ang lahat ng̃ kailang̃an ay ginawa at isinakatuparan ng̃ Tagausig-sala, at gayon din ng̃ Tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin ...
Ang paglilitis ay natapos. Subali't ang Hukuman ay hindi nagpasya. Ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay idaan ang lahat.
Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina, ay maraming pagod muna ang ginugol ng̃ mg̃a bantay; sapagka't si Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay.
—¡Katitiís ka, asawa ko...!—ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang sumasakáy na sa "ambulancia."
—¡Mauro! ¡Mauro!—ang sigaw naman ng̃ kaawaawang babai.
Páhiná 90—¡¡Tatay!! ¡¡Tatay!!—ang habol naman ng̃ mg̃a anák.
—¡Huwag kayong mang̃ahapis!—ang sa wakas ay nasabi na lamang ni Mauro sa boong pagdaramdam.
At ang sasakyang ay matuling tumakbo.
At si Serafina at ang kanyang mg̃a anák ay nagsiuwi na rin.
¡¡Kaawaawang magiiná!!
Samantalang tumatakbo ang mg̃a pangyayari, ang mg̃a manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi ng̃ aklasan ay sumailalim.
At hindi lamang yaon. Kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala marahil sa gayong mg̃a pagkakataon na walang magagawa ang alin mang kilos na gawin ng̃ mg̃a manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu ng̃ pagtatatag ng̃ anomang kapisanan sa loob ng̃ pagawaan. Ibinaba pang muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola" at ang Páhiná 91lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima sa gayong mg̃a bagong utos at kapalakarang pinaiiral ng̃ may pagawaan.
Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat ng̃ bagay na magaling̃in ng̃ puhunan ...
Ang pagsisisi, ang paghihimutók ng̃ lahat at pagsusumpaan ay dumating.
At ang lahat sa katayuan nila ng̃ayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro sa mg̃a pagmamatigas nito noón, at sa lahat ng̃ mg̃a ginawa niya sa pagtataguyod ng̃ aklasan.
Subali't ang lahat ay huli na. Nagawa na nila ang malaking pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa ng̃ sinoman sa haráp ng̃ isang dakilang layon at adhika.
¡Ng̃ayon nila natutuhang panghinayang̃an ang mg̃a pagsusumikap ni Mauro...!
¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa mg̃a taksil at walang pusong mg̃a manggagawang yaon!
Páhiná 92¡Datapwa't wala na silang magagawa!
.......................................................................
.......................................................................
.......................................................................
.......................................................................
At ang araw ng̃ paghatol ay dumating.
At ang minarapat ng̃ Hukuman, pagkatapos na mapagaralan ng̃ boóng pagiing̃at ang mg̃a pangyayari at naging sanhi ng̃ sigalot na namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nitó sa dalawa, ay ipinasyang mabilanggo ng̃ siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman.
—¡Siyam na buwan at isang araw!—ang napabulalás na sabi ni Serafina, pagkarinig sa hatol, at sabay na nanang̃is.
—Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan ng̃ araw na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...—ang wika ni Mauro sa kanyang asawa sa buháy na tinig—alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang simulain ang ipinagPáhiná 93tatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw ng̃ lahat. Sa harap ng̃ mg̃a batás ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa haráp ng̃ aking bayan at sa haráp ng̃ aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ...
—¡Mauro! ¡Mauro! ¡Ang mg̃a anák mo!—ang panang̃is ni Serefina.
—Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila.
At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang mg̃a anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na ambulancia....
At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo.
Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya.
¡Oh, ang tadhana!
At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; ng̃uni't samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong Páhiná 94paghihinagpis na sinasabi sa mg̃a anák ang mg̃a pang̃ung̃usap na itó:
—Mg̃a anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís at pang̃ung̃ulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan ng̃ pagkabusabos at kaalipnan ng̃ lalong dakilang karapatan ng̃ mg̃a manggagawang pilipino na kinabibilang̃an ng̃ inyong amá, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot ng̃ kanyang kaya; ng̃uni't sadyang kapos palad pa ang mg̃a manggagawa ... sapagka't ang panahon ng̃ kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila. Kinakailang̃an pang magkaroon ng̃ maraming magtitiís ng̃ hirap sa ikatutubos ng̃ lahat, at kailang̃an pang Páhiná 95magkaroon ng̃ maraming Kristong magpapakasákit sa katubusan ng̃ madla.
Sa mapupung̃ay na mg̃a matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha ng̃ pagdaramdam ang nagunahang sumung̃aw.
Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay pinaghahagkan ng̃ boong giliw at boong pagmamahal.
Mukha: | Talata: | Nababasa: | Dapat Basahin: |
XI | 2 | kahalán laga | kahaláhalagá |
XI | 5 | nnoman | anoman |
1 | 7 | matanda't bata | matatanda't bata |
14 | 2 | Botika Morelos. | Botika Morelos |
14 | 6 | ng̃ dako ng̃ panulakan | dako ng̃ panulukan |
24 | 2 | ng̃ laha,. | ng̃ lahat. |
24 | 3 | tumaganap | lumaganap |
24 | 12 | ng̃ gayon | ng̃ gayong |
24 | 13 | tumayo at | tumayo |
24 | 21-22 | katahimikan. | katahimikan |
25 | 9 | upang kalamigang | upang ang kalamigang |
30 | 22 | manggawa | magagawa |
31 | 3 | nakabukás ang | nakabukás |
32 | 12 | ug̃ boong katawan | ng̃ boong katawan |
49 | 11 | nay Pagawaan | may Pagawaan |
55 | 17 | at kung kahit | at kung bakit |
61 | 8-9 | itaitagal | itatagal |
63 | 12 | gagagawing kalasag. | gagawing kalasag. |
63 | 16 | Dinung̃aw si Seraflna | Dinung̃aw ni Serafina |
64 | 7 | ipinatuloy | pinatuloy. |
71 | 7 | naguntos; | naguutos; |
77 | 15 | ikabaw | ibabaw |
79 | 1 | tabakero | tabako |
80 | 24 | ¿Kun gayon, | ¿Kung gayon, |
81 | 12 | sumpal!... | sumpa!... |
81 | 16 | aag | ang |
94 | 1 | sisanabi | sinasabi |
"Bagong Magdalena"............... | P 0.20 ang isá |
"¡Sakim na Magulang!"............ | 0.40 " |
"Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?.... | 0.40 " |