The Project Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org


Title: Ibong Adarna
       Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng
              Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina
              Valeriana sa Ca

Author: Anonymous

Release Date: July 1, 2005 [EBook #16157]

Language: Tagalog

Character set encoding: ISO-8859-1

*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK IBONG ADARNA ***




Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
scans provided by University of Michigan. Dedicated to the
three Filipino comedians Dolphy, Panchito and Babalu who
made this folklore memorable in a 1970s film adaptation.






Adarna

IBONG ADARNA

AKLATAN NI JULIANA MARTINEZ
116 P. Calderon, Manila


border

CORRIDO AT BUHAY NA PINAGDAANAN

NANG TATLONG

PRINCIPENG MAGCACAPATID

NA ANAC

NANG HARING FERNANDO AT NANG REINA VALERIANA

SA CAHARIANG BERBANIA


Virgeng Ináng mariquit

Emperadora sa Langit,

tulungan po yaring isip

matutong macapagsulit.

Sa aua mo po't, talaga

Vírgeng ualang macapára,

acong hamac na oveja

hulugan nang iyong gracia.

Dila co'i iyóng talasan

pauiin ang cagarilán,

at nang mangyaring maturan

ang munting ipagsasaysay.

At sa tanang nangarito

nalilimping auditorio,

sumandaling dinguin ninyo

ang sasabihing corrido.

Na ang sabi sa historia

nang panahong una-una,

sa mundo'i nabubuhay pa

yaong daquilang monarca.

At ang caniyang esposa

yaong mariquit, na reina,

ang pangala't bansag niya

ay si doña Valeriana.

Itong hari cong tinuran

si don Fernando ang ngalan

ang caniyang tinubuan

ang Berbaniang caharian.

Ang haring sinabi co na

ay may tatlóng anác sila,

tuturan co't ibabadyá

nang inyo ngang maquilala.

Si don Pedro ang panganay

na anác nang haring mahal,

at ang icalaua naman

si don Diego ang pangalan.

Ang icatlo'i, si don Juan

ito'i siyang bunsong tunay,

parang Arao na sumilang

sa Berbaniang caharian.

Ito'i, lalong mahal baga

sa capatid na dalaua,

salang malingat sa mata

nang caniyang haring amá.

Para-parang nag-aaral

ang manga anác na mahal,

malaqui ang catouaan

nang hari nilang magulang.

Ay ano'i, nang matuto na

yaong tatlóng anác niya,

ay tinauag capagdaca

nitong daquilang monarca.

Lumapit na capagcuan

ang tatlóng príncipeng mahal,

cordero'i, siyang cabagay

nag-aantay pag-utusan.

Anáng hari ay ganitó

caya co tinauag cayó,

dito sa itatanong co

ay sabihin ang totoó.

Linoob nang Dios Amá

na cayo'i, nangatuto na,

mili cayó sa dalaua

magpare ó magcorona.

Ang sagót nila at saysay

sa hari nilang magulang,

capua ibig magtangan

nang corona't, cetrong mahal.

Nang itó ay maringig na

nang haring canilang amá,

pinaturuan na sila

na humauac nang espada.

Sa Dios na calooban

sa canilang pag-aaral,

di nalao'i, natutuhan

ang sa armas ay pagtangan.

Ito'i, lisanin co muna

yaong pagcatuto nila,

at ang aquing ipagbadyá

itong daquilang monarca.

Nang isang gabing tahimic

itong hari'i, na-iidlip,

capagdaca'i, nanaguinip

sa hihigán niyang banig.

At ang bungang panaguimpan

nitong hari cong tinuran,

ang anác na si don Juan

pinag lilo at pinatay.

Ang dalauang tampalasang

sa caniya ay pumatáy,

inihulog at iniuan

sa balón na calaliman.

Sa pananaguinip bagá

nitong mahal na monarca,

nagbangon capagcaraca

sa hihigán niyang cama.

At hindi nanga na-idlip

sa malaqui niyang hapis,

sa hirap na masasapit

niyong bunsong ini-ibig.

Ito ang niyang dahilán

nang sa bungang panaguimpan

tuloy ipinagcaramdam

at sa banig ay naratay.

Nagpatauag nanga rito

marurunong na médico,

dili masabi cun anó

ang saquit nang haring itó.

Sa gayong carami bagá

medicong tinauag nila,

ay ualang macapagbadyá

sa saquít na dinadalá.

Ay mayroon namang isá

na bagong cararating pa,

siyang nagpahayag bagá

saquit nang bunying alteza.

Páhiná 2

Ang damdam mo haring mahal

ay galing sa panaguimpán,

sa iyo'i, aquing tuturan

ang iyo pong cagamutan.

May isang ibong maganda

ang pangalan ay Adarna,

cun marinig mong magcantá

ang saquít mo'i, guiguinhaua.

Sa Tabor na cabunducan

ang siyang quinalalaguian,

cahoy na hinahapunan

Piedras Platas ang pangalan.

Cun arao ay uala roon

itong encantadang ibon,

sa iba sumasalilong

at nagpapaui nang gutom.

Cun gabing catahimican

ualang malay ang sino man,

ay siyang pag-oui lamang

sa Tabor na cabunducan.

Cayá mahal na monarca

yao'i, siyang ipacuha,

gagaling pong ualang sala

ang saquít mong dinadalá.

Nang sa haring mapaquingan

ang caniyang cagamutan,

capagdaca'i, inutusan

ang anác niyang panganay.

Si D. Pedro'i, tumalima

sa utos nang haring amá,

iguinayác capagdaca

cabayong sasac-yán niya.

Yao nanga't, lumacad na

cabunducan ang pinuntá,

at hahanaping talagá,

mahal na ibong Adarna.

Mahiguit na tatlong buan

paglacad niya sa párang,

at hindi nga maalaman

ang Tabor na cabunducan.

May dinatnang landás siya

mataas na pasalungá,

tumahan capagcaraca

itong príncipeng masiglá.

Sa masamáng capalaran

sa Dios na calooban,

nang dumating sa ibabao

cabayo niya'i, namatáy.

Di anong magagaua pa

uala nang masac-yán siya,

ang bastimento'i, quinuha

at lumacad capagdaca.

Sa Dios na calooban

na sa tanong bininyagan,

dumating siyang mahusay

sa Tabor na cabunducan.

May cahoy siyang naquita

na tantong caaya-aya,

sa caagapay na ibá

siyang tangi sa lahat na.

Ang daho'i, sacdal nang inam

para-parang cumiquinang,

diamante'i, siyang cabagay

sa mata'i, nacasisilao.

Ang naisipan nga niya

sa loob at ala-ala,

doon na tumiguil bagá

itong príncipeng masiglá.

Ang nasoc sa calooban

ang cahoy na ito'i, siyang

marahil hinahapunan

nang ibong cong pinag-lacbay.

Ay ano'i, nang gagabi na

ang Arao ay lulubóg na,

madláng ibo'i, narito na

at manga cauan ang ibá.

Sa gayóng daming nagdaan

ualang dumápo isa man,

naguló ang gunam-gunam

nitong príncipeng timtiman.

Ganitong diquit na cahoy

ualáng ibong humahapon,

aco'i, dito nalingatong

paghihintay cong malaon.

Ang nasoc sa ala-ala

sa loob niyang mag-isá,

ang siya ay magpahingá

at búcas lumacad siya.

Páhiná 3

Humilig nanga't, sumandal

doon sa cahoy na mahal,

sa malaquing capaguran

siya'i, tambing nagulaylay.

Ay ano'i, nang tahimic na

ang gabí ay lumalim na,

siya nangang pagdating na

niyong ibong encantada.

Dumapo na siyang agad

sa cahoy na Piedras Platás,

balahibo ay nangulág

pinalitán niyang agad.

At capagdaca'i, nagcantá

itong ibong encantada,

ang tinig ay sabihin pa

tantong caliga-ligaya.

Ang príncipe ay hindi na

nacaringig nang pagcantá,

pagtúlog ay sabihin pa

himbing na ualang capara.

Ang sa ibong ugali na

cun matapos na magcantá,

ay siyang pag-táe niya

at matutulog pagdaca.

Sa masamáng capalaran

ang príncipe'i, natai-an,

ay naguing bató ngang tunay

ang catauan niyang mahal.

Di anong magágaua pa

nang siya'i, maguing bató na,

paghihintay sabihin pa

nang haring caniyang amá.

At nang maguing isang-taon na

hindi dumarating bagá,

inutusan capagdaca

si don Diegong pangalauá.

Sumunód at di sumuay

sa hari niyang magulang,

iguinayác capagcuan

cabayo niyang sasac-yán.

Pagca-handa'i, lumacad na

cabunducan ang tinumpá,

at hahanapin nga niya

ang bunying ibong Adarna.

Mahiguit sa limang buan

nag-lacad niya sa párang,

hindi naman maalaman

ang Tabor na cabunducan.

Nang siya ay dumating na,

sa daan na pasalunga,

nagtuloy at umahon na

itong príncipeng masiglá.

Sa masamáng capalaran

nang dumating sa ibabao,

nabual nanga't, namatay

ang cabayong sinasac-yán.

Di anong magagaua pa

sa cabayong namatay na,

ang báon niya'i, quinuha

at lumacad capagdaca.

Nang siya'i, dumating naman

sa Tabor na cabunducan,

may cahoy siyang dinatnan

diquít ay di ano lamang.

Nang caniyang mapagmalas

ang cahoy Piedras Platas,

ang dahon ay cumiquintáb

diquít ay ualang catulad.

Ang nasoc sa ala-ala

nitong príncipeng magandá,

cahoy na caaya-aya

hapunán niyong Adarna.

Sa puno nang cahoy baga

may bató siyang naquita,

cristal ang siyang capara

nacauiuili sa matá.

Doon niya napagmalas

ang cahoy na Piedras Platas

ang balát ay guintóng uagás

anaqui'i, may piedrerías.

Sa toua niya't, ligaya

sa cahoy niyang naquita,

oras nang á las cinco na

madlang ibo'i, nagdaan na.

Sa gayong daming nagdaan

manga ibong cauan-cauan,

ualang dumapo isa man

sa cahoy niyang namasdan.

Páhiná 4

Ganitong diquit na cahoy

ualang ibong humahapon,

ito'i, di co mapagnoynoy

cahalimbaua co'i, ulól.

Ang cahoy na caagapay

mayroong ibong nagdaan,

ito'i, siyang tangi lamang

bucód na hindi dapuan.

Cahit anong casapitan

ay hindi co tutugutan,

na cun anong cabagayán

sa cahoy na gaua't, laláng.

Ay ano'i, nang lumalim na

ang gabí ay tahimic na,

doon sa batóng naquita

ay nangublí capagdaca.

Ay ano'i, caalam-alam

sa caniyang paghihintay,

siya na nganing pagdatál

nang ibong Adarnang mahal.

Dumapo na nganing agád

sa cahoy na Piedras Platas,

at naghusay nangang caguiat

balahibong sadyang dilág.

Sa príncipeng napagmasdan

ang sa ibong cariquitan,

icao ngayo'i, pasasaan

na di sa aquin nang camay.

Ay nang macapaghusay na

itong ibong encantada,

ay siya nangang pagcantá

tantong caliga-ligaya.

Sa príncipenapaquingan

ang voces na sadyang inam,

capagdaca'i, nagulay-lay

sa caniyang pagcasandal.

Sino cayang di maidlip

sa gayong tinig nang voces,

cun marinig nang may saquít

ay gagaling siyang pilit.

Macapitong hintó bagá,

ang caniyang pagcacantá,

pitó naman ang hichura

balahibong maquiquita.

Nang matapos nganing lahat

yaong pitóng pagcocoplas,

ay tumáe namang agad

itong ibong sadyang dilág.

Sa casam-ang capalaran

si don Diego ay natai-an,

ay naguing bató rin naman

cay don Pedro'i, naagapay.

Di anong magagaua pa

nang siya'i, maguing bató na,

paghihintay sabihin pa

nang haring caniyang amá.

Hindi niya mautusan

ang anác na si don Juan,

at di ibig mahiualay

cahit susumandalí man.

Si don Jua'i, naghihintay

na siya ay pag-utusan,

aayao tauaguin naman

nang hari niyang magulang.

Siya nanga'i, nagcusa na

dumulog sa haring amá,

nag-uica capagcaraca

nang ganitong parirala,

Aco po'i, pahintulutan

nang haring aquing magulang,

aco ang quiquita naman

nang iyo pong cagamutan.

Ngayon ay tatlóng taón na

hindi dumarating bagá,

ang capatid cong dalaua

saquít mo po'i, malubha na.

Ang sagót nang haring mahal

bunsóng anác co don Juan

cun icao ay mahiualay

lalo co pang camatayan.

Mapait sa puso't, dibdib

iyang gayác mo't, pag-alís,

hininga co'i, mapapatid

cun icao'i, di co masilip.

Isinagót ni don Juan

ó haring aquing magulang,

sa loob co po'i, masucal

mamasdan quitang may damdam.

Páhiná 5

Cundi mo pahintulutan

ang aquing pagpapaalam,

ay di mo mamamalayan

ang pag-alis co't, pagpanao.

Sa uinicang ito naman

ang hari ay natiguilan,

at segurong magtatanan

ang príncipeng si don Juan.

Lumuhod na capagdaca

sa haráp nang haring amá,

bendición po'i, igauad na

siya cong maguing sandata.

Capagdaca'i, guinauaran

at siya'i, binendicionan,

at sa reinang iná naman

ay lumuhód capagcuan.

Ay ano'i, nang matapos na

na mabendicionan siya,

ay nagtindig capagdaca

itong príncipeng masiglá.

Ang despensa ay binucsán

nuha nang limang tinapay,

siyang babaunin lamang

sa talagang parurunan.

Di sumacay sa cabayo

nag-lacad nangang totoo,

ang príncipe nganing itó

cabunducan ang tinungo.

Doon sa paglacad niya

ualang tauong naquiquita,

paratí sa ala-ala

ang Vírgen Santa María.

Cung mahustong isang buan

paglacad niya sa parang,

ay siyang pagcain lamang

nang isang baong tinapay.

Sa isang buan ang isa

nang pagcaing muli niya,

parang nagpepenitencia

nang sa ibon ay pagquita.

Madai't, salita naman

at di co na pahabaan,

ay naguing apat na buan

pag-lacad niya sa parang.

Sa aua nang Vírgen Iná

cay don Juan de Berbania,

ay dumating capagdaca

sa daan na pasalunga.

Nang sa príncipeng matignan

taas niyong cabunducan,

lumuhód siya't, nagdasál

sa Vírgeng Ináng marangal.

Aco'i, iyong caauaan

Vírgeng calinis-linisan,

at aquin ding matagalán

itong mataas na daan.

Nang siya'i, matapos naman

pagtauag sa Vírgeng mahal,

nuha nang isang tinapay

at cumain capagcuan.

Sa limang tinapay bagá

na baon niyang talaga,

iisa na ang natira

na pangpauing gutom niya.

Nang matapos nang pagcain

sumalunga siyang tambing,

sa aua nang Ináng Vírgeng

ualang hirap na dinating.

Nang dumating sa ibabao

ang príncipeng si don Juan,

doo'i, caniyang dinatnán

isang leprosong sugatán.

Anitong leproso't, badyá

maguinoó po aniya,

na cun may baon cang dalá

aco po'i, limosán mo na.

Sa Dios po alang-alang

aco'i, iyong cahabagán,

cun gumaling ang catauan

ay aquin ding babayaran.

Isinagot ni don Juan

aco nga'i, mayroong taglay,

natirang isang tinapay

na aquing baon sa daan.

Dinucot na capagdaca

yaong tinapay na isa,

caniyang ibinigay na

sa leproso na naquita.

Páhiná 6

Anitong matanda't, saysay

pasasaan ca don Juan,

sabihin mo't, iyong turan

ang layon mo't, iyong pacay.

Anang príncipe at badyá

ganito po'i, maquinig ca,

sasabihin cong lahat na

ang sadya cong quiniquita.

Ang ama co'i, may damdam

sa banig ay nararatay,

ang ibong Adarna lamang

ang caniyang cagamutan.

Bucód dito ang isa pa

ngayon ay tatlóng taón na,

na hindi co naquiquita

ang capatid cong dalauá.

Anitong leproso bagá

don Juan maghihirap ca,

at sa pagca't, encantada

yaon ngang ibong Adarna.

Nguni't, ngayon ang bilin co

ay itanim sa pusó mo.

at nang hindi sapitin mo

na icáo ay maguing bató.

Sa iyong paglalacad diyan

ay may cahoy na daratnan,

diquít ay di ano lamang

cauili-uiling titigan.

Doo', huag tumiguil ca

na sa cariquitan niya,

totoong ualang pagsala

don Jua'i, mamamatay ca.

Sa ibaba'i, tumanao ca

may bahay cang maquiquita

ang magtuturo ay siya

doon sa ibong Adarna.

Yaring limos mong tinapay

ay cunin mo na don Juan,

nang may canin ca sa daan

sa láyo nang paroroonan.

Anitong príncipe't, badyá

ugali pagcabata na,

na cun mailimos co na

ay di co na quinucuha.

Pinipilit na ibigay

ang limos niyang tinapay,

umalis na si don Juan

siya'i, hindi pinaquingan.

Sa mahusay na pag-lacad

nitóng príncipeng marilág,

sumapit siyang liualas

sa cahoy na Piedras Platas.

Nang maquita ni don Juan

yaong cahoy na malabay,

loob niya'i, natiguilan

sa gayon ngang cariquitan.

Naualá sa ala-ala

yaóng bilin sa caniya,

parang naencanto siya

sa cahoy niyang naquita.

Sa caniyang pagmamalas

sa dahong nagsisiquintáb,

gayon din naman ang lahat

na anaqui'i, guintóng uagás.

Ay ano'i, caguinsa-guinsá

na sa panonoód niya,

ay parang pinucao bagá

ang caniyang ala-ala.

Tinutóp nanga ang noó

at nag uica nang ganito,

abá at nalimutan co

yaóng bilin nang leproso.

Sa ibabá'i, tumingin siya

ay may bahay ngang naquita,

lumacad na capagdaca

itóng príncipeng masiglá.

Nang dumating sa hagdanan

napatano capagconan,

capagdaca ay dumungao

isang ermitañong mahal.

Pinapanhic na sa bahay

ang príncipeng si don Juan,

at ang ermitaño naman

ang pagcai'i, inilagay.

Umupo na sa lamesa

nagsalo silang dalaua,

ay sa príncipeng naquita

tinapay na limos niya.

Páhiná 7

At nag-uica capagdaca

sa loob niyang mag-isa,

itong tinapay cong dalá

ay baquit narito baga.

Yaóng aquing linimosán

leprosong gagapang-gapang,

sacá dito'i, ibá naman

ermitaño ang may tangan.

Ngayo'i, hindi maisip co

sa Dios itong secreto,

anaqui'i, si Jesucristo

ang mahal na ermitaño.

Nang matapos ang pagcain

ermitaño ay nagturing,

don Jua'i, iyong sabihin

cun anong sadyá sa aquin.

Isinagot ni don Juan

sa ermitañong marangal,

gayon po'i, iyong paquingan

at aquing ipagsasaysay.

Ang sadyá co po aniya

dahil sa ibong Adarna,

igagamót na talagá

sa hari pong aquing amá.

Ang sagot nang ermitaño

don Juan iyang hanap mo,

maghihirap cang totoo

at ang ibo'i, encantado.

Isinagót niya naman

cahit aquing icamatáy,

ituro mo po ang lugar

at aquing paroroonan.

Ang sagot nang ermitaño

don Jua'i, maquiquita co,

na cun bagá nga totoó

ang pagsunód sa amá mo.

Ang cahoy mong naraanan

cauili-uiling pagmasdan,

yaon ang siyang hapunán

nang ibon mong pinapacay.

Na cun siya'i, dumating na

sa cahoy ay magcacantá,

at ang gabi'i, malalim na

ualang malay cahit isá.

At cun yao'i, matapos na

nang caniyang pagcacantá,

pitó naman ang hichura

balahibong maquiquita.

Ay nang iyong matagalán

pitóng cantang maiinam,

quita ngayon ay bibiguian

nang maguiguing cagamutan.

Naito at iyong cuha

pitóng dayap at navaja,

ito'i, siyang gamót bagá

na sa ibong encantada.

Balang isang cantá naman

ang catauan mo'i, sugatan,

at sa dayap iyong pigán

nang di mo macatulugan.

At cun ito'i, matapos na

nang macapitóng pagcantá,

ay siyang pagtáe niya

don Juan ay umilag ca.

Capag icao'i, tinamaan

nang táe nang ibong hirang,

maguiguing bató cang tunay

doon ca na mamamatáy.

Naito'i, cunin mo naman

ang cintas na guintong lantay,

pagca-hauac ay talian

at gapusin mong matibay.

Caya bunsó hayo ca na

at ang gabi'i, malalim na,

at malapit nanga bagá

dumating yaóng Adarna.

Yáo nanga si don Juan

sa Tabor na cabunducan,

at caniyang aabangan

ang ibong pinag-lalacbay.

Nang siya'i, dumating na

sa puno nang cahoy bagá

doon na hinintay niya

yaon ngang ibong Adarna.

Ay ano'i, caalam-alam

sa caniyang ipaghihintay,

ay siyang pagdating naman

niyaong ibong sadyang mahal.

Páhiná 8

Capagdaca ay naghusay

balahibo sa catauan,

ang cantá'i, pinag-iinam

cauili-uiling paquingan.

Naghusay namang mulí pa

itong ibong encantada,

umulit siyang nagcantá

tantong caliga-ligaya.

Nang sa príncipeng marinig

yaóng matinig na voces,

ay doon sa pagca-tindig

tila siya'i, maiidlip.

Quinuha na capagdaca

ang dala niyang navaja,

at caniyang hiniua na

ang caliuang camay niya.

Saca pinigán nang dáyap

nitong príncipeng marilág,

cun ang ibon ay magcoplas

ay nauaualá ang antác.

Di co na ipagsasaysay

pitóng cantáng maiinam,

at ang aquin namang turan

sa príncipeng cahirapan.

Pitóng cantá'i, nang mautás

nitong ibong sacdal dilág,

pitó rin naman ang hilas

cay don Juang naguing sugat.

Ay ano'i, nang matapos na

ang caniyang pagcacantá,

ay tumáe capagdaca

ito ngang ibong Adarna.

Ang príncipeng si don Juan

inailag ang catauán,

hindí siya tinamaan

para nang unang nagdaan.

Siya nangang pagtúlog na

nitong ibong encantada,

ang pacpac ay nacabucá

dilát ang dalauang matá.

Nang sa príncipeng matátap

nagtahan nang pagcocoplas,

umac-yat na siyang agad

sa cahoy na Piedras Platas.

Nang caniya ngang maquita

ang pacpac ay nacabucá,

dilát ang dalauang mata

nilapitang capagdaca.

Agad niyang sinungabán

sa paa'i, agad tinangnan,

guinapos niyang matibay

nang cintas na guintong lantáy.

At bumabá nanga rito

ang príncipeng sinabi co,

itong ibong encantado

dinalá, sa ermitaño.

Sa ermitañong quinuha

mahal na ibong Adarna,

inilagay nanga niya

sa mariquit na jaula.

Ang uica nang ermitaño

itong bangá ay dalhin mo,

madalí ca at sundin mo

ang ipinag-úutos co.

Muha ca nang tubig naman

dalauang bató ay busan,

nang sila ay magsilitao

manga capatid mong hirang.

Si don Jua'i, lumacad na

ang banga'i, caniyang dala,

sumaloc nang tubig siya.

at ang bató'i, binusan na.

Si don Pedro'i, ang nauna

na siyang nabusan niya,

lumitao capagcaraca

at hindi namamatay pa.

Umuling sumaloc naman

si don Diego ang binusan,

nagquita silang mahusay

at hindi pa namamatay.

Malaquing pasasalamat

nang magcapatid na liyag,

ualá silang maibayad

cay don Juang manga hirap.

Sila'i, agad napatungo

sa bahay nang ermitaño,

at naghain nanga rito

pinacain silang tatló.

Páhiná 9

Ay ano'i, nang matapos na

nang pagcain sa lamesa,

capagdaca ay quinuha

garrafang may lamáng lana.

At caniyang pinahiran

yaong sugat ni don Juan,

gumalíng agad nabahao

at ualang bacás munti man.

Nag-uica ang ermitaño

mangagsi-ouí na cayó

magcasundó cayong tatló

at huag ding may mag-lilo.

Don Juan ay cunin mo na

iyang mariquit na jaula,

baca di datning buháy pa

ang monarcang iyong amá.

Bago umalis at nanao

ang príncipeng si don Juan,

ay lumuhód sa harapan

nang ermitañong marangal.

Napabendición nga muna

at saca sila'i, nalis na,

si don Pedro ay nagbadyá

cay don Diegong bunso niya.

Si don Juan ay magaling pa

hindí mahihiyá siya,

at siya ang nacacuha

nito ngang ibong Adarna.

Ang mabuti ngayon naman

ang gauin nating paraan,

patayin ta si don Juan,

sa guitna nang cabunducan.

Si don Diego ay nag-uica

iya'i, masamang acala,

ang búhay ay mauaualá

nang bunsóng caaua-aua.

Ani don Pedro at saysay

cun gayon ang carampatan,

umuguin ta ang catauan

at saca siya ay iuan.

Ito ang minagaling na

sa loob nilang dalaua,

ang cataua'i, inumog na

nang bunsong capatid nila.

Di anong casasapitan

nang pagtulungan sa daan,

ay di nanga macagaláo

ang príncipeng si don Juan.

Quinuha na capagdaca

ang dalá nga niyang jaula,

nang dalaua't, omoui na

doon so reinong Berbania.

Nang sila'i, dumating na

sa canilang haring amá

ang ibong canilang dalá

nangulugó capagdaca.

Itinanong si don Juan.

nang hari nilang magulang,

sagót nang dalauá naman

di po namin naalaman.

Nang ito'i, maringig na

ang sabi nilang dalauá,

ang saquít ay lumubhá pa

nitong daquilang monarca.

Saca ang ibong marilág

balahibo'i, nangu-ngulág,

di magpaquita nang dilág

sa haring quinacaharap.

Ang uica nang hari bagá

itó ang ibong Adarna,

anong samá nang hichura

sa ibong capua niyá.

Ang sinabi nang medico

na ito rao ibong itó,

ay may pitóng balahibo

na tantong maquiquita mo.

At cun ito ay magcantá

lubhang caliga-ligaya,

ngayo'i, nangasaan bagá,

at di niya ipaquita.

Hindi pa nga nagcacantá

itong ibong encantada,

at sapagca nga uala pa

ang cumuha sa caniya.

Ito'i, aquing pabayaan

ang di niya pagsasaysay,

at ang aquing pagbalicán

ang príncipeng si don Juan.

Páhiná 10

Ano ang casasapitan

nang umuguin ang catauan,

hindi naman macagapang

sa guitna nang cabunducan.

Di anong magagauá pa

nang di macaquilos siya,

ang nasoc sa ala-ala

tumauag sa Vírgeng Iná.

Aniya'i, ó Vírgeng mahal

anó cayang naisipan,

manga capatid cong hirang

at aco'i, pinag-liluhan.

Ang boo cong ala-ala

caming tatlo'i, tiuasáy na,

mahusay na maquiquita

mahal naming haring amá.

O bacá pa caya naman

ay sa ibon ang dahilan,

at caya pinahirapan

sila ang ibig magtangan.

Cun sinabi nila sana

ang maghauac na ay sila,

yao'i, gaano na bagá

di ibigay sa canila.

Cayo naua'i, pagpalain

nang Dios at Ináng Vírgen,

gaua ninyong di magaling

ang guinhaua'i, siyang datnin.

Nagpanibagong nangusap

ang príncipeng na sa hirap,

ó Vírgeng Ináng marilág

amponin mo di man dapat.

Aco'i, iyong calarahin

cay Jesús Anác mong guilio,

magdalita't, patauarin

sa manga gaua cong linsil.

At doon sa oras naman

cun aco ma'i, mama matáy,

caloloua co'i, hugasan

nang caniyang dugóng mahal,

Ay anó'i, caguinsa-guinsa

sa pananalangin niya,

isang matanda'i, eto na

at nag-uica capagdaca.

Don Juan ay pagtiisan

ang madla mong cahirapan,

di na malalaong arao

guinhaua'i, iyong cacamtan.

Ang cataua'i, hinipo na

at hinilot nanga siya,

gumaling na capagdaca

at siya'i, nacatindig na.

Hayo't, lacad na don Juan

moui ca sa caharian,

di pa gumagaling naman

ang haring iyong magulang.

Lumacad na at umalis

itong príncipeng mariquít,

lagay ay cahapis-hapis

damit pa ay punit-punit.

Nang dumating nga siya

sa palacio'i, nagtuloy na,

sa haráp nang haring amá

at lumuhód capagdaca.

Ang hari'i, di macagalao

sa catre niyang hihigan,

at di naquiquilalang tunay

ang anác na minamahal.

Ay sa uala ring magbadyá

na magsabi sa caniya,

ang ibong na sa jaula

ay nangusap capagdaca.

Namayagpág at naghusay

nag-linis na nang catauán,

balahibo'i, pinalitao

anaquin ay guintong tunay.

At nagcantá nang ganitó

abá haring don Fernando,

quilalanin mo ngang totoó

ang naninicluhod sa iyo.

Iyan ang bunsó mong anác

si don Juan ang pamagát,

na nagdalita nang hirap

sa utos mo ay tumupad.

Yaong anác mong dalaua

na inutusang nauna,

anoma'i, ualang nacuha

at sila'i, naguing bató pa.

Páhiná 11

Nang ito ay masabi na

tumaha't, nagbago muna,

balahibong icalauá

na mariquit sa nauna.

Saca muling nagpahayág

abá haring sacdal dilág,

paquingán di man dapat

yaong cay don Juang hirap.

Ang bunsóng anác monghirang

nagtiis nang cahirapan,

at siyang nag-alís naman

batóng balot sa catauan.

Nang masabi nanga itó

naghaliling panibago,

nang balahibong icatló

na capua esmaltado.

At nag-uica nang ganito

mahal na hari'i, dinguin mo,

nagsi-oui silang tatló

sa bahay nang ermitaño.

Sila nga ay piniguing pa

pinacain sa lamesa,

pinangaralan pa sila

anác ang siyang capara.

Nang ito'i, maipahayag

naghalili namang agád,

nang balahibong icaapat

diamante'i, siyang catulad.

Nang macacain na naman

itong ermitañong mahal,

madlang sugat ni don Juan

pinagaling niyang tanan.

Nang ito'i, masabi na

tumaha't, naghalili pa,

balahibong icalimá

cahalimbaua'i, tumbaga.

Nangsila'i lumacad naman

sa bundóc at caparangan,

si don Pedro ay nagsaysay

na patayin si don Juan.

Si don Diego'i, sumansala

yao'i, masamang acala,

sa búhay na mauauala

ni don Juang ating mutya.

Nang ito'i, maipagturing

nitong ibong nagniningning,

naghalili siyang tambing

balahibong icaanim.

Ito'i, lalong cariquitan

sa icalimang nagdaan,

mahal na hari paquingán

cay don Juang cahirapan.

Ay ang pinagcaisahan

nang dalauang tampalasan,

ay umuguin ang catauan

sa guitna nang caparangan.

Nang hindi macagalao

ang príncipeng si don Juan,

capagdaca ay iniuan

aco'i, canilang tinagláy.

Nang masabi nanga itó

naghaliling panibago

balahibong icapitó

na anaqui ay carbungco.

Ito'i, siyang catapusán

mahal na hari'i, paquingán,

pinagdaanang cahirapan

nang bunsó mong si don Juan.

Sa malaquing auang lubós

nang Vírgeng Iná nang Dios,

isang matanda'i, dumulóg

at siya'i, tambing guinamót.

Hinipo na ang catauán

at pinag-ayos ang lagay,

nacatindig na mahusay

itong príncipeng si don Juan.

Caya co di ipaquita

ang mariquit na hichura,

ay hindi dumarating pa

ang sa aquin ay cumuha.

Ang isa pa haring mahal

ang anác mong si don Juan,

siya mo pong pamanahan

nitong iyong caharian.

Nang ito'i, masabi na

nitóng ibong encantada,

tumahán na nang pagcantá

hindi na naringig niya.

Páhiná 12

Ang saquít na dinaramdam

nang haring aquing tinuran,

parang nagdahilán lamang

at gumaling ang catauán.

Ang haring si don Fernando

tinipon na ang consejo,

at pinaghuntahan dito

si don Pedro't, si don Diego.

Sa guinauang caliluhán

sa capatid nilang hirang,

cun ano ang catampatang

parusang dapat ibigay.

Ang sagot nang calahatán

destierro'i, ang carampatan,

nang huag silang mapisan

sa príncipeng cay don Juan.

Nang cay don Juang matatap

ang hatol na iguinauad,

siya ay nagdalang habág

sa capatid niyang liyág.

Lumapit capagcaraca

sa harap nang haring amá,

dinguin nang vuestra alteza

ang aquing ipagbabadyá.

Alang alang sa corona

at hauac na cetro niya,

huag nang biguiang parusa

ang capatid cong dalauá.

Cun sila'i, ipadalá man

sa malayong caharian,

di co mababatang tunay

na hindi paroroonan.

Caya haring aming amá

patauarin na po sila,

sa Dios ito'i, talagá

ang guinaua nilang sala.

Ang di magpatauad naman

sa guinauáng casalanan,

ay di rin naman cacamtán

ang gloria sa calangitán.

Nang sa haring maunaua

yaóng cay don Juang uica,

pinatauad alipala

yaóng dalauang cuhilá.

Nagsamang nuling mahusay

doon sa palacio real,

ang hari nag-uica naman

sa tatlóng anác na hirang.

Cayong tatló'i, halinhinan

sa ibong co'i, magbabantay,

ang magpaualáng sino man

macacapalit ang búhay.

Sa cahabaan nang arao

nang canilang pagbabantay,

di mauala sa gunam-gunam

cay don Pedrong cainguitan.

Ang guinaua nilang laláng

ang dalaua'i, magsasabáy,

saca hahalili naman

ang príncipeng si don Juan.

Ay nang isang gabí bagá

ang ora'i, á las doce na,

guinising na nang dalaua

ang bunsóng capatid nila.

Si don Juan ang nagbantay

niyaong gabing calaliman,

nang magmamadaling arao

siya'i, agad nagulaylay.

Ang cay don Pedrong nilaláng

linapitang dahan-dahan,

yaong jaula at binucsan

ang ibon ay pinaualán.

At saca nga umalis na

na nag-ualang quibó siya,

ay niyong mag uumaga

si don Jua'i, naguising na.

Ano'i, nang caniyang maquita

na ang ibon ay uala na,

sinidlán nang tacot siya

sa mahal na haring amá.

Ito'i, sucat na pagmasdan

nang anác na sino pa man,

sinong di matacot naman

sa castigo nang magulang.

Sa malaquing tacot niya

sa búhay na macucuha,

nagtaanan capagdaca

at siya'i, umalis na.

Páhiná 13

Nguni aquin munang lisan

ang pag-alis ni don Juan

at ang aquing ipagsaysay

ang hari niyang magulang.

Nang siya ay maguising na

nagtuloy nanga sa jaula,

ang pintó ay nacabucá

at ang ibon ay uala na.

Capagdaca ay tinauag

ang caniyang tatlóng anác,

ang dalauang lilo't, sucáb

siyang lumapit na agád.

Itinanong capagcuan

ang ibon cung napasaan,

sagót ni don Pedro't, saysay

si don Juan ang nagbantay.

Ang nagpauala po'i, siya

doon sa ibong Adarna,

at cun cami ngang dalauá

huag mo pong biguiang sála.

Ang uica nang haring mahal

ay hanapin si don Juan,

at nang aquing maalaman

cun sinong may casalanan.

Yáo nanga't, lumacad na

magcapatid na dalauá,

cabunducan ang pinunta

si don Jua'i, quiniquita.

Ito'i, aquing pabayaan

na pag-lalacad sa párang,

ang aquing ipagsaysay

ang principeng si don Juan.

Doon naghinahán siya

sa bundóc niyong Armenia,

tantong caliga-ligaya

sa tanang bundóc na ibá.

Ang cahoy sa caparangan

cauili-uiling pagmasdan,

ang damó'i, gayón din naman

sadyáng nangagdiriquitan.

Ipagparito co muna

magcapatid na dalauá,

ang paghanap sabihin pa

cay don Juang bunsó nila.

Sa mabuting capalaran

sa Dios na calooban,

canilang napatunguhan

ang Armeniang cabunducan.

Doon nga nila naquita

ang bunsóng capatid nila,

si don Diego'i, nag-uica na

nang ganitong parirala.

Cun dalhín ta si don Juan

sa Berbaniang caharian,

quita ang parurusahan

nang haring ating magulang.

Ngayo'i, lalong mabuti pa

tayong tatló'i, magsasama,

at huag nating ipaquita

sa mahal na haring amá.

Doon nga tumahan sila

tatlóng magcapatid bagá,

ang tuá ay sabihin pa

sa cabunducang Armenia.

Ay ano'i, caguinsa-guinsa

isang balón ang naquita,

ibig ni don Juan bagá

ang lalim mataróc niya.

May lúbid nga sa ibabao

ang balón nilang dinatnán,

ay nag-uica si don Juan

acó ay inyong talian.

Sumagót nga si don Diego

aco'i, matanda sa iyo,

ang ihulog muna'i, aco,

ang lalim nang matantó co.

Si don Pedro'i, nagpahayag

aco'i, matanda sa lahat,

aco ang siyang marapát

na sa baló'i, sumiyasat.

At capag aquing tinangtáng

ang lúbid na iyong tangan,

hilahin ninyo pagcuan

nang aco'i, mapaibabao.

Tinalian nanga siya

inahulog capagdaca,

tatlong puóng dipa bagá.

ang siyang sinapit niya.

Páhiná 14

Sa malaquing catacután

ang lúbid agad tinangtáng,

hinila na sa ibabao

nang dalauang nagtatangan.

At tinanong nanga nila

cun ano bagang naquita,

paquingan ninyong dalauá

ang aquing ipagbabadyá.

Ang balón cong nilusungan

di co mataróc ang hangán,

dilím na di ano lamang

aco ay nahintacutan.

Ani don Diego naman

acó ang inyóng talian,

at nang aquing maalaman

ang sa balóng cahanganan.

Tinalian capagdaca

at siya'i, inihulog na

tatatló pa lamang dipá

ang siyang sinapit niya.

Sa malaquing tacot bagá

ang lubid ay tinangtáng na,

sa ibabao ay hinila

nang capatid na dalauá.

Ani don Juan at saysay

sa amin ay iyong turan,

cun inabót mo ang hangán

nang balón mong linusungan.

Sagót ni don Diego naman

di co masapit ang hangan,

at sa lubhang cadilimán

loob co'i, nahintacutan.

Ani don Juan at turing

aco ang taliang tambing,

at aquing sisiyasatin

itóng balóng sacdal dilím.

Tinalian capagdaca

ang bunsóng capatid nila,

sa baló'i, inihulog na

nang capatid na dalaua.

Ang sa historia ngang saysay

na sa balóng calaliman,

mahiguit sa isang daan

na dipá ang casucatán.

Nang siya nga'i, dumating na

sa fondo nang balón bagá,

ay quinalág capagdaca

ang lubid na tali niya.

Lumacad na capagcuan

ang príncipeng si don Juan,

isang pintó ang binucsán

pumasoc na nagtuluyan.

May isang campong maluang

doo'i, caniyang dinatnán,

linis ay ualang cabagay

nang lupang tinatapacan.

Ang sari-saring bulaclac

naroo't, namamacetas,

diquít ay ualang catulad

bangó'i, humahalimuyac.

Doon sa pag-libot niya

sa macetas at sampaga,

may bahay siyang naquita

diquít ay ualang capara.

Tumauag na capagcuan

ang príncipeng si don Juan,

siya naman ay dinungao

nang princesang na sa bahay.

Nang maquita'i, binati na

ang mariquit na princesa,

bibiguiang arao na maganda

poon nang tanang sampaga.

Anang princesa'i, ganito

salamat naman sa iyo,

namamangha ang loob co

nang iyong pagcaparito.

Sagót nang príncipe't, uica

abá mariquit na tala,

pagcaparito co'i, bigla

dalá nang sintang gahasa.

Inalipád sa itaas

nang malabay niyang pacpac,

saca po caringat dingat

sa harapan mo'i, lumagpác.

Caya mahal na diosa

huag cang mag-ala-ala,

sa Dios ito'i, talagá

tangáp ang hain cong sinta.

Páhiná 15

Ang sagot ni doña Juana

na cun may tapang cang dalá

magtulóy na pumanhic ca

at dini mag-usap quita.

Pumanhic na capagcuan

ang príncipeng si don Juan,

at nuha nang silla naman

ang dalaua'i, nag-agapay.

Ang uica nang princesa

doon sa hain mong sinta,

malaqui cong ala-ala

sa loob bagáng mag-isa.

Saan quita ilalagay

na iyong pagtataguan,

at baca icao ay datnan

nang giganteng tampalasan.

Yaong lilo at cuhilá

sa aqu'i, nag-aalaga,

malaqui co ngayong aua

sa buhay mong mauauala.

Isinagót ni don Juan

ualin mo sa gunam-gunam

at hamac sa aquing camáy

ang giganteng tampalasan.

Sa pag-uusap nila

nang príncipe at princesa,

siya nangang pagdating na

nang giganteng palamara.

Sa hagdan nang dumating na

tinauag si doña Juana,

amóy manusia aniya

dito'i, may tauo cang ibá.

Si don Jua'i, sumagót nga

anong dami mong usisa,

aco ang siyang nagsadyá

sa princesa mong alagá.

Anitong gigante naman

malaqui cong catuaan,

mayroon acong dinatnan

na sucat cong icabuhay.

Isinagót ni don Juan

yao'i, sucat mong asahan,

cun aco'i, iyong mapatay

pagsil-in ang aquing bangcay.

Anang gigante at badyá

cun gayon ay lalaban ca,

hinauacan capagdaca

ang espada't, naghamoc na.

Sa mabuting capalaran

sa Dios na calooban,

ay napatay ni don Juan

ang giganteng tampalasan.

Anang príncipe at badyá

ó mariquit na princesa,

anong hinihintay mo pa

at di pa umalis quita.

Ang sagót ni doña Juana

may lumbay rin acong dalá,

at aquing maiiuan pa

bunsó cong si Leonora.

Nariyan sa cabila naman

ang siyang quinalalaguian,

may alilang nagtatangan

isang serpienteng matapang.

Ani don Juang masiglá

dito ay iiuan quita,

at paroroonan siya

capatid mong Leonora.

Lumacad na nagtuluyan

itong príncipeng matapang,

doon sa icalauang bahay

sa mata'i, nacasisilao.

Ang hagda'y, gintong lantay

cauili-uiling titigan,

na cun sa lupang ibabao

ualang catulad cabagay.

Napatauo capagdaca

itong príncipeng masiglá,

siya namang pagdungao na

nang princesa Leonora.

Nang cay don Juang maquita

ang cariquitan at ganda,

ito'i, lumalo aniya

doon cay doña Juana.

Big-yan nang Dios na mahal

niyong pong magandang arao,

sagot nang princesa naman

ay capua maquinabang.

Páhiná 16

Nguni aco'i, namamangha

ó príncipeng daraquila,

lugar na ito'i, lihim nga

ay baquin mo naunaua.

Isinagót ni don Juan

ay abá palabang Buan,

paquinga't, aquing tuturan

ang sa aquin ay nagtaglay.

Isang bungang panaguimpan

sa pagtulog co'i, pumucao,

ang catulad co't, cabagay

ang isang pinag-ulapan.

Ang sa bungang tulog co nga

na pumucao sa pag-higa,

sa ilalim nitong lupa

ay mayroong isang tála.

At sa aquing pangangarap

aco'i, agád inalipad,

camuc-há'i, ibong may pacpác

dito aco inilagpac.

Hindi co nga máalaman

itó pong lihim na lugar,

sa Dios na calooban

cun caya po natutuhan.

Cayá mahal na princesa

huag cang mag-ala-ala,

ang Dios ang may talagá

cayá tangáp yaring sintá.

Sagót nang princesa't, sulit

magtulóy ca pong pumanhíc,

at nang iyo pong mabatid

handóg mong sintá sa dibdib.

Pumanhíc na capagdaca

itong príncipeng masiglá,

sa silla ay umupó na

nag-usap silang dalauá.

Isinagót ni Leonora

tungcól sa alay mong sintá,

malaquí cong ala-ala

serpiente'i, cun dumating na.

Saan quitá ilalagáy

na sucat mong pagtaguan,

nang hindi ca maamuyan

niyong lilo't, tampalasan.

Sagót nang príncipe't, badyá

huag cang mag-ala-ala,

ang bahala ay acó na

sa tacsíl at palamara.

Ano ay caguinsa-guinsa

ang lúpa ay umugong na,

siyang pagdating pagdaca

nang serpienteng palamara.

Sa hagdana'i, lumapit na

tinauag na si Leonora,

amóy manusia aniya

dito'i, may tauo cang ibá.

Sumagót si don Juan

sa serpienteng tampalasan,

yaring espada cong tagláy

aalis nang iyong búhay.

Anang serpiente'i, ganitó

iyan ang siyang hanap co,

ualang pagsalang totoó

icao ay bibihaguin co.

Ano pa nga at nag-laban

ang capua lacas, tapang,

ang príncipe'i, di tamaán

nang serpienteng tampalasan.

Ang isang catacá-tacá

sa tacsíl at palamara,

ang úlo'i, cun mapútol na

naniniquit na mulí pa.

Nang maguing tatlóng oras na

ang canilang pagbabaca,

cay don Juan ay nagbadyá

ang tacsíl at palamara.

Quita ay magpahingaláy

nitóng ating pag-lalaban,

napa-ayon si don Juan

sa serpienteng tampalasan.

Sa príncipeng pagcalagay

sa bintanang tapat naman,

ang princesa ay dumungao

at siya ay tinauagan.

Don Juan ay abutín mo

itóng mahal na bálsamo,

at siyang ibubuhos mo

sa mapupútol na úlo.

Páhiná 17

Ang balang úlong mapugay

cahit siya'i, lumucsó man

cun ma agád mong mabusan,

di mauulí sa lagay.

Quinuha na capagdaca

ang mahal na balsamera,

at mulíng naghamoc sila

nang serpienteng palamara.

Nang maputol na ang anim

na úlo nang lilo't, tacsíl,

at di na mauling tambing

cagalitan ay sabihin.

Lalo nga ang cagalitan

dito sa princesang mahal,

at biniguian si don Juan

nang bálsamong cagamutan.

Anang serpiente at badyá

dini sa úlo cong isá,

na ngayo'i, natitirá pa

sa búhay ninyo'i, cucuha.

Ang dalaua'i, nagsagupa

umulit silang nagbangá,

ang úlong natitirá nga

nalaglág agád sa lúpa.

Capagdaca ay binusan

nang bálsamo ni don Juan,

siya nangang pagcamatáy

nang serpienteng tampalasan.

Ani don Juan at badyá

ó mariquit na princesa,

anong hinihintáy mo pa

at hindi umalís quitá.

Sa pagmamadaling tunay

nang princesang matimtiman,

ang lobo niyang aliuan

ang na-isucbit na lamang.

Diamanteng singsing niya

ay naiuan sa lamesa,

nagsi-alis nanga sila

dalauang magcasi't, sintá.

At canilang dinaanan

si doña Juanang marangal,

ang tatló'i, nalis naman

at sa lúbid nagtuluyan.

Nang sila ay dumating na

sa lúbid na laan bagá,

sila ay nangagtáli na

at hinila capagdaca.

Nang dumating sa ibabao

ang tatló'i, magcacasabáy,

si don Diego ay nagsaysay

narito na si don Juan.

Cay don Pedrong maquita

mariquit na Leonora,

tinablán agád nang sintá

púso niya't, ala-ala.

Niyong sila'i, aalis na

at oouí sa Berbania,

ay nangusap capagdaca

ang princesa Leonora.

O don Juang aquing búhay

ay aquing nacalimutan,

ang singsing cong minamahal

sa lamesa ay naiuan.

Anang príncipe at badyá

cayo'i, maghintay aniya

at aquing cucunin muna

yaong singsing nang princesa.

Ani doña Leonora

huag na guilio co't, sintá,

cun paroon cang mag-isá

malaqui cong ala-ala.

Ang uinica ni don Juan

yao'i, masamáng maiuan,

aquin ngang pagbabalicán

at aco'i, nahihinayang.

Sa hindi ngani mapiguil

itong príncipeng butihin,

ay nagtali nangang tambing

lumusong na magtuloy rin.

Nang mayroong sampóng dipá

ang lúbid na nahugos na,

ay pinatíd capagdaca

ni don Pedrong palamara.

Di anong casasapitan

sa gayong lalim na hucay,

gauang capanganyayaan

capatid na tampalasan.

Páhiná 18

Nang maquita nang princesa

guinauá sa casi't, sintá,

halos manao ang hininga

sa baló'i, tatalóng sadyá.

Agád siyang hinauacan

ni don Pedrong tampalasan,

aanhin mo si don Juan

aco'i, narito rin naman.

Ang nasoc sa ala-ala

nang hindi bitiuan siya,

ang lobong aliuan niya

caniyang paualán bagá.

Quinuha na sa sucbitan

at inihulog sa húcay,

nguni't, bago binitiuan

caniyang pinagbilinan.

Cun nasactan si don Juan

gamutin mo capagcuan,

siya'i, aquing hinihintay

sa caniyang caharian.

Umalis at lumacad na

magcapatid na dalaua,

sampong dalauang princesa

ina-oui sa Berbania.

Atin munang pabayaan

ang paglalacad sa parang,

at ang aquing ipagsaysay

ang hari nilang magulang.

Yaón ang napanaguimpán

nang haring Fernandong mahal

ang anác na si don Juan

pinag-lilo at pinatáy.

Ito'i, lisanin cong agád

na sa haring napangarap,

at ang aquing ipahayág

ang apat na naglalacád.

Nang sila'i, dumating na

doon sa reinong Berbania,

sa palacio'i, nagtuloy na

humarap sa haring amá.

Lumuhód na sa harapán

nang amá nilang magulang,

canilang ipinagsaysay

lahat nang pinagdaanan.

Si don Juan po'i, hindi na

na amin siyang naquita,

itong dalauáng princesa

ang siya naming nacuha.

At sa lupang calaliman

doon namin nasumpungán,

may alagang nagtatangan

gigante't, serpienteng hunghang.

Cami ay naquipagbaca

at lumaban sa canila,

nang manga-patáy pagdaca

manga princesa'i, dinalá.

Nang ito'i, mapaquingan

nang hari nilang magulang,

di hamac ang catauaán

at sila'i, benendicionan.

Itong hari'i, may tuá man

sa manga princesang tagláy,

malaqui ring calumbayan

sa anác na cay don Juan.

Nagsitindig capagdaca

capua tinanong sila,

na cun alin sa dalauá

ang maguiguing asaua.

Sumagót na capagcuan

si don Pedrong tampalasa't,

tinuro sa haring mahal

si Leonorang timtiman.

Itong mahal na princesa

lumuhód capagcaraca,

dinguin nang vuestra alteza

ang aquing ipagbabadyá.

Aco po ay palugalán

manga pitong taón lamang,

saca aco pacacasal

sa anác mong minamahal.

Aco'i, biguian mong tambing

nang isang silid na lihim,

at doon co tutuparin

ang panata cong gagauin.

Nang ito ay mapaquingan

nitong haring matimtiman,

caniyang ipinaayunan

sa princesang cahingian.

Páhiná 19

Inilagay nangang tambing

sa isang silid na lihim,

at doon nga gaganapin

ang panata niyang hiling.

Si don Diego't, doña Juana

iquinasal capagdaca,

catuaa'i, sabihin pa

boong reino nang Berbania.

Ay ano'i, nang matapos na

siyam na arao na fiesta,

caguluha'i, payapa na

nitóng daquilang monarca.

Aquing ipagbalic naman

sa lobong pinacaualán,

nang maquita si don Juan

manga lamóg ang catauán.

Ang guinaua capagdaca

nitong lobong encantada,

guinamót pinag-ayos na

catauáng caaya-aya.

Ano'i, nang gumaling naman

at siya nga'i, macagalao,

ang lobo'i, nuha pagcuan

nang tatlong botellang hirang.

Dalaua'i, tali sa paá

cagát sa bibig ang isa,

saca umalis pagdaca

itong lobong encantada.

Nagtulóy na capagcuan

doon sa ilog nang jordán,

nagcataóng nalilibang

yaong manga nagbabantay.

Isinaloc nanga niya

ang daláng tatlóng botella,

at lumipád capagdaca

ito ngang lobong masiglá.

Hinabol na capagcuan

niyong tanang nagbabantay,

ang lobo'i, napailanláng

at di nila inabutan.

Nang ito'i, dumating naman

sa príncipeng cay don Juan,

ang ulo'i, agad binusan

tuloy hangang talampacan.

Nang siya nga ay mabusan

tubig na galing sa jordan,

nagbango't, lumacás naman

itong príncipeng marangal.

Quinuha na niyang tambing

diamanteng naiuang singsing,

sa aua nang Ináng Vírgen

lobo ang nagparaan din.

Si don Jua'i, quinasihan

nang Dios na Poong mahal,

nacaahong matiuasáy

sa balóng quinalalag-yan.

Ang nasoc sa calooban

nitong príncipeng timtiman,

moui siyang magtuluyan

sa caniyang caharian.

Sa pag-lacad ni don Juan

sa bundóc at caparangan,

nagdamdam nang capagalan

sa tinding sicat nang Arao.

Sa isang puno nang cahoy

na malaqui't, mayamung mong

siya roon ay sumilong

at humilig naman tuloy.

Sa calamigan nang hangin

at tantong caalio-alio,

ay agad nang nagupiling

itong príncipeng butihin.

Ano ay caguinsa-guinsa

doon sa pagtulog niya,

siya nangang pagdating na

mahal na ibong Adarna.

At sa tapat ni don Juan

sa cahoy na sinilungan,

namayagpag at naghusay

balahibo sa catauán.

At saca siya nagcantá

nang tantong caaya-aya,

don Juan magbangon na

sa tulog mo'i, gumising ca,

Sa voces na mataguinting

siya'i, agad na náguising,

at pinaquingang magaling

ang sa ibong pagtuturing.

Páhiná 20

Malaquí mong ala-ala

sa princesa Leonora,

may lalo pa sa caniya

nang cariquitan at ganda.

Malayo nga rito lamang

ang caniyang caharian,

at malapit siyang tunay

sa sinisicatan nang Arao.

Na cun siya mong macuha

at iyong mapangasaua,

dito sa mundo'i, pang-una

sa cariquitan at ganda.

Yaong tatlong princesa

sa haring Salermong bunga,

si doña María Blanca,

ang matandá sa dalaua.

Sunód si doña Isabel

parang maningning na garing,

si doña Juana'i, gayon din

ang tala'i, siyang cahambing.

Hayo lacad na don Juan

sa reino nang de los Cristal,

ipagcacapuri mo naman

sa haring iyong magulang.

Nang ito ay maringig na

nitóng príncipeng masiglá.

naualá sa loob niya

ang princesa Leonora.

Lumacad na nagtuluyan

ang príncipeng si don Juan,

caniyang pinatunguhan

sinisicatan nang Arao.

Aquing lisanin na muna

yaong pag-lalacad niya,

at ang aquing ipagbadyá

ang princesa Leonora.

Arao, gabi'i, tumatangis

sa quinalalaguian'i silid,

ang caniyang sinasambit,

si don Juang sintá't, ibig.

Cun caya humingi aco

nang pitóng taóng término,

si don Juan ang hintay co

caya nagtitiis dito.

Na cun hindi ca binuhay

nang lobo cong pinaualán,

caloloua mo man lamang

aco'y paqui-usapan.

Ito'i, itiguil co muna

pananaghoy nang princesa,

at ang aquing ipagbadyá

si don Juan de Berbania.

Tatlóng taóng ualang culang

ang pag-lalacad sa párang,

hindi niya maalaman

ang reino nang de los Cristal.

Sa malaquing capalaran

nang príncipeng si don Juan,

ay nasalubong sa daan

ang isang matandang mahal.

Anang príncipe at badyá

núno'i, magdalang áua ca

na cun may baon cang dalá

aco'i, limusan po niya.

Sagót nang matanda naman

mayroon nga acong taglay,

munting duróg na tinapay

quinacain co sa daan.

Narito't, cumuha ca na

at nang huag magutom ca,

nang cay don Juang maquita

ay nasuclám bagá siya.

Ang tinapay ay maitim

ang isa pa ay bucbúquin,

sa malas niya at tingin

nacasusuclám na canin.

Sa malaquing cagutuman

nang príncipeng si don Juan,

nuha nang munti lamang

at para bagang titicmán.

Nang caniyang malasahan

itong bucbúquing tinapay,

masarap at malinamnam

parang cahahango lamang.

Anitóng matandá bagá

ang aquing bumbóng na dalá,

may lamang pulót aniya

cumuha at uminóm ca.

Páhiná 21

Humigop na si don Juan

nitong pulót nang puquiotan

ay naualá capagcuan

ang caniyang cagutuman.

At nulí ngang nag-uica pa

matandang causap niya,

diyan sa bumbóng na isá

may lamáng tubig aniya.

Huag mong ubusin lamang

caunti aco't, iuanan,

at mahaba pa ngang aráo

ang pag-lacad co sa párang.

Nang maquita ni don Juan

yaong bumbóng na may lamán,

ay isang dulong cauayan

ang siyang quinalalag-yan.

Uica nang principe at badya

núno po ay maquinig ca,

cun ito'i, ubusin co na

munti ma'i, ualang itirá.

Sagót nang matandá naman

inomin mo na don Juan,

cahit aco'i, maualá man

huag icao ang magculang.

Ininóm na ni don Juan

tubig na camuc-ha'i, cristal,

sa Dios na calooban

hindi nagculang munti man.

Nang caniyang mapagmasdan

ang tubig ay di nagcuculang,

ang matandáng ito naman

segurong may carunungan.

Umulit pa ngang nag-uica

itong príncipeng daquila,

ugali nang isang bata

ang magtanong sa matandá.

Sagót nang matandá naman

sabihin mo't, iyong turan,

ang loob co'i, namaáng

nang layong pinangalingan.

Isinagót ni don Juan

ganitó po ay paquingan,

ang aquing pong pinapacay

ang reino nang de los Cristal.

Sagót nang matanda'i, ito

Jesús na Panginoon co,

ang pag-lalacad cong ito

isang daang taóng husto.

Hindi co napag-alaman

ang reino nang de los Cristal.

iyang hanap mo don Juan

malayong di ano lamang.

Nguni't, quita'i, tuturuan

sundin mo't, huag sumuay,

lumacad cang magtuluyan

icapitóng cabunducan.

Doon ay inyong daratnán

isang ermitañong mahal,

at siya mong pagtanungan

nang sadyá mong caharian.

Narito't, ngayo'i, cunin mo

capiraso nang báro co,

at siyang ipaquita mo

sa daratnang ermitaño.

Cun icao ay tatanungin

nang quinunan mo cun alin,

ang pangalan mong sabihin

isang matandáng sugatín.

Yao nanga at pumanao

ang príncipeng si don Juan,

caniyang pinatunguhan

icapitóng cabunducan.

Ito'i, lisanin co muna

manga, pag-lalacad niya

at ang aquing ipagbadyá

ang princesa Leonora.

Parati nang tumatangis

sa quinalalag-yáng silid,

ang caniyang sinasambit

si don Juang sinta't, ibig.

Cundi ca guinamot naman

nang lobo cong binitiuan,

baquit di pinagbalican

nang hayop cong inutusan.

Tatlóng taón nang mahiguit

yaring aquing pagtitiis,

saca ang maipagsasapit

macacasal sa di ibig.

Páhiná 22

Diyata matuid naman

at iyo nang calooban,

na acó ay mapacasál

cay don Pedrong tampalasan.

Ito'i, uacás na at hangán

nang pagtauag co don Juan,

cun culanging capalaran

aco'i, di mo na daratnan.

Ito'i, lisanin cong agad

ang sa princesang pagtauag,

at ang aquing ipahayag

ang príncipeng naglalacad.

Limang buang hustó bagá

yaóng pag-lalacád niya,

siya namang pagdating na

sa mariquit na ermita.

Doo'i, caniyang dinatnan

isang ermitañong mahal,

balbás ay hangang sa bay-uang

nacatatacot cun tingnán.

Anang matanda'i, ganitó

umalis ca manunucsó,

mahaba nang taón aco

ualang sumasapit dito.

Sagót ni don Jua't, uica

nuno'i, huag cang mamangha,

aco'i, inutusang cusa

isang mahal na matandá.

Narito po't, iyong cuha

capirasong baro niya,

sa ermitañong maquita

ay inabót capagdaca.

Hinagcán na't, tinangisan

yaong baro niyang tangan,

luha sa mata'i, bumucal

parang agos ang cabagay.

At nag-uica nang ganitó

Jesús na Panginoon co,

ngayon lamang naquita co

ang mariquit na baro mo.

Ang hindi co naquita

catauan mong mapanintá,

di co nababayaran pa

ang aquing nagauang sala.

Sa dibdib ay inilagay

capirasong barong mahal,

at sacá tinanong naman

ang príncipeng si don Juan.

Ano ang sadyá mo bagá

at cusang naparito ca,

anang príncipe at badyá

ganitó po'i, maquinig ca.

Ani don Juan at sulit

ermitañong sacdal diquit,

ang hanap co pong mapilit

ang reinong de los Cristales.

Ang sagót nang ermitaño

Jesús na Panginoon co,

limang daang taón aco

nang pagcatahán co rito.

Ay hindi co naalaman

ang reino nang de los Cristal,

at malayong caharian

ang hanap mong pinapacay.

Tingnán cun sa aquing sacop

sa hayop cong nangag-libot,

cun canilang naa-abot

cahariang cristalinos.

Sa pintó ay lumapit na

campana'i, tinugtog niya,

nagsidating capagdaca

madlang hayop na lahat na.

Doon sa pagcacapisan

nang lahat niyang familiar,

itinanong capagcuan

nitong ermitañong mahal.

Sa inyong paglibot diyan

sa bundóc at caparangan,

sino ang naca-aalam

niyong reinong de los Cristal.

Ang sagót nang calahatán

hindi namin naalaman,

at malayong caharian

ang iyo pong catanungan.

Sampong olicornio bagá

na hari nilang lahat na,

hindi rin macapagbadyá

niyong reinong hanap niya.

Páhiná 23

Ang uica nang ermitaño

don Juan ay narinig mo,

cahima't, ang familiar co

di masabi ang hanap mo.

Ngayon quita'i, tuturuan

sundin mo't, huag sumuay,

paroon cang magtuluyan

icapitóng cabunducan.

Itong baro ay dalhin mo

sa bundóc na icapitó,

at siyang ipaquita mo

sa daratnáng ermitaño.

At tinauag nanga rito

yaong haring olicornio,

itong príncipe'i, dalhin mo

sa mabunying capatid co.

Si don Juan ay sumacay

sa olicorniong licuran,

lumacad na nagtuluyan

hangang sumapit sa pacay.

Nang sila nga'i, dumating na

sa sadyá nilang talaga,

doon na iniuan siya

olicornio'i, nagbalic na.

Si don Jua'i, capagdaca

nagtuluyan sa ermita,

sa ermitañong maquita

ay tinanong naman siya.

Icao baga'i, ali't, sino

naparitong manunucsó,

aco'i, malaon na rito

ualang naquiquitang tauo.

Isinagót ni don Juan

ualín po ang cagalitan,

naririto'i, iyong tingnán

capirasong barong mahal.

Sa ermitañong maquita

ang damit na mahalagá,

pinalapit nanga siya

at quinuha capagdaca.

Pagca-abót ay hinagcán

at caniyang tinangisan,

at ang uicang binitiuan

calunos-lunos paquingán.

Si don Juan ay nagtacá

sa ermitañong naquita,

lumalo pa nga sa isa

dalang catandaan bagá.

Ang balbás niya sa baba

ay sumasayad sa lupa,

balahibo'i, mahahaba

mapuputi namang paua.

At nag-uica nang ganitó

ang matandang ermitaño,

sino bagáng quinunan mo

mahalagáng barong itó.

Sagót ni don Jua't, badyá

nuno po ay maquinig ca,

sa aquin ang may padalá

ermitañong matanda na.

Ang sagót nang ermitaño

don Juan ay sabihin mo,

ang sadyá mo ay cun anó

nang iyong pagcaparito.

Isinagót ni don Juan

ganito po ay paquingán

ang sadyá co po at pacay

ang reino nang de los Cristal.

Anang matanda'i, ganitó

ang pagcatahan co rito,

nang aco'i, mag-ermitaño

ualóng daang taóng hustó.

Ay hindi co naalaman

cahariang de los Cristal,

anhin co'i, malayong lugar

ang sadyá mong linalacbay.

Tingnán cun sa aquing sacop

ibong naglipád sa bundóc,

cun canilang na aabot

yaong reinong cristalinos.

Sa pintua'i, lumapit na

campana'i, tinugtóg niya,

tanang ibo'i, capagdaca

nagcatipong para-para.

Anang ermitaño naman

sa inyong pag-liliparan,

di ninyó natatausán

ang reino nang de los Cristal.

Páhiná 24

Ang sagót ngani nang lahat

hindi namin natatatap,

at malayong di hamac

yaong cristalinong ciudad.

Umuling nag-uica siya

cung husto silang lahat na,

ay nagbilang capagdaca

uala ang ibong aguila.

Ay ano'i, caguin-guinsa

sa pag-uusapan nila,

siya nangang pagdating na

nang ibong haring águila.

Nang dumating ay pabagsác

sa pagod na dili hamac,

ang ermitaño'i, nangusap

sa laquing galit na hauac.

Na ang uica bagá niya

doon sa ibong águila,

baquit icao'i, nahulí pa

sa iyong manga familia.

Dili bagá iyong unaua

itong tunóg nang campana,

saan man naroong lupa,

ay oouí cayong biglá.

Sagót nang águila't saysay

panginoon naming mahal,

malayo pong pinagmulán

caya di nila casabáy.

Anang ermitaño naman

sabihin mo't, iyong turan,

ang pinagmulán mong lugar

at nang aquing maalaman.

Sagót nang águila't, sulit

ermitañong sacdal diquit,

pinangalingang cong tiquís

ang reinong del los Cristales.

Caninang umaga lamang

aco ay nag-aalmusál,

sa isang peras na mahal

na ang lasa'i, malinamnám.

Bahag-ya cong naringig nga

yaong tunóg nang campana,

ay lumipád acong biglá

capagala'i, di cauasa.

Ang sagót nang ermitaño

don Juan ay naringig mo,

at doon nangaling itó

sa reinong hinahanap mo.

Uica sa águila'i, ito:

ang príncipe ay dalhin mo,

isang buan sa banta co

doo'i, sasapit na cayó.

Isinagót nang águila

isang bua'i macucuha,

darating pong ualang sala

sa baño ni doña María.

Agad nangang nagpadaquip

niyong ibong maliliit,

siyang babauning tiquis

sa pagpanao at pag-alís.

Tatlóng daan na duruan

ang siyang pinagtuhugan,

at ang balang isa naman

limang libong ualang culang.

Balang isang tuhog bagá

isang ibon ang may dalá,

ito ay baong talagá

na cacanin nang águila.

Si don Jua'i, pinasacáy

na sa águilang licorán,

canilang pinatunguhan,

sinisicatan nang Arao.

Tanang naquiquita lamang

nang príncipeng si don Juan,

ang langit at caragatan

ualang lupang natatanao.

Doon sa sanbuang arao

pag-lipád na ualang tahán,

naubos nacaing tanan

ang tatlóng daang duruan.

Ay ano'i, nang maubos na

yaong baon nilang dalá,

siya nang pagdating nila

sa baño ni doña María.

Niyong oras nang vísperas

nang si don Jua'i, ilapág,

ang águila ay nangusap

ito ang ipinahayag:

Páhiná 25

Dito na quita iiuan

ay magtago ca don Juan,

nang hindi ca mamalayan

nang manga princesang mahal.

At mamayang á las cuatro

ualang sala't, paririto,

mahal na princesang tatló

na maliligo sa baño.

Di mo bagá naquiquita

bañong paliguan nila,

may sariling titig-isa

at hindi nga magsasama.

Magcacaparis nang gayác

calapati ang catulad,

doon sa cahoy na peras

ay magsisi-dapong lahat.

Paalam aco don Juan

dito na quita iiuan,

bilin co'i, iyong tandaan

huag mong calilimutan.

Nagtago na si don Juan

sa baño ngang paliguan,

at nang hindi mamalayan

cahit sila'i, pumanhic man.

Ay ano'i, caguinsa-guinsa

oras nang á las cuatro na,

ay dumating capagdaca

ang tatlóng manga princesa.

Dumapo na silang agad

doon sa cahoy na peras,

at capua nagsilapág

manga damit ay hinubád.

Nang cay don Juang maquita

yaong si doña María,

ang cariquitan at gandá

nacasisilao sa matá.

Naghubád na capagcuan

damit calapating hirang,

lumusong na nagtuluyan

sa bañong paliguan.

Ang guinaua capagdaca

nitong príncepeng magsiglá,

marahang quinuha niya

damit ni doña María.

At nagtagong uli siya

nang hindi bagá maquita,

nang umahon ang princesa

ang damit niya'i, uala na.

Sabihin pa nga ang galit

nitong princesang mariquít,

nang di maquita ang damit

ito ang ipinagsulit.

Sino cayang lapastangan

ang naparitong nagnacao,

ó baca ang criado naman

nang haring aquing magulang.

Cun sino man siya't, alin

ay ang sucat pag-isipin,

aco'i, pag-iiuang tambing

manga capatid cong guilio.

Nang maguing isang oras na

sa damit niya'i, pagquita,

siya namang paglitáo na

nitong príncipeng masiglá.

Lumuhód na sa harapán

na haluquipquip ang camáy,

cordero'i, siyang cabagay

at nangusap nang malubay.

O mariquit na bathala

cometang nabá sa lupa,

magdala ca ngayong aua

sa aquing ipag-uiuica.

Aba mariquit na Fénix

at Buang sacdal nang lamíg,

sa aquing tinagis-tinagis

matá mo po ay ititig.

Hindi co po maguing sala

ang sa damít mo'i, pagcuha,

at ugali nang may sintá

quiquita nang daan bagá.

Alin naman cayang búhay

mahiguit sa sang-libo man,

na sa galit mo pong tangan

hindi alising paminsan.

Caya mahal na princesa

cun may galit ca pong dalá,

aco ay natatalagá

sa bala mong iparusa.

Páhiná 26

Sagot nang princesang mahal

cahit aco'i, may galit man,

ay sa iyong pagcalagay

nagdalá nang caauaan.

Aling bagsic nang justicia

ang magbibigay parusa,

sa pacumbabang may sala

dapat ang misericordia.

Cun ang apóy na mainit

nagniningas na masaquit,

capag-sinubhán nang tubig

mamamatay siyang pilit.

May galit man ang loob co

sa damit cong quinuha mo,

napaui ngayong totoo

dahil diyan sa anyó mo.

Nguni't, aco'i, tabi naman

sa iyo príncipeng mahal,

alin bagang caharian

ang iyong pinangalingan.

Sagót ni don Jua't, badyá

ó bulaclac nang sampaga,

ang pinagmulan cong sadyá

ang reino po nang Berbania.

Naparito at naglacbáy

sa iyo pong caharian,

bulá ang aquing sinac-yán

sa guitna nang caragatan.

Caya mahal na princesa

damit mo po'i, abot cuha,

at baca pa ipagdusa

nang búhay co't, caloloua.

Caya cun uala ring daan

ang sinta cong pinag-lacbáy,

ibig co pa aquing mamatáy

dini po sa aquing lagay.

Isinagót nang princesa

ó don Juan de Berbania,

ngayon mo nga maquiquita

tunay na aquing pagsintá.

Dini sa camay cong canan,

magtindig ca at tumangan,

at ito ang tandang tunay

nang pagsintá cong matibay.

Nagtindig na si don Juan

capagdaca'i, hinauacan,

yaong marangal na camáy

at umupong nag-agapay.

Ang uinica sa caniya

ó don Juang aquing sintá,

paquingan at manainga

sa aquing ipagbabadyá.

Pagmalasin mo at tingnan

manga batóng nalalagáy.

siyang nacabacod lamang

sa aming palacio real.

Iyan nga'i, tanong lahat na

sadyá'i, sa pangangasaua,

panang enengcanto sila

nang haring poon cong amá.

Nariya'i, manga príncipe

caballero't, manga conde,

pauang nangaduahagui

sintá nila'i, di nangyari.

Sila ay naguing talunan

naraig sa carunungan,

nang haring aquing magulang

naguing bató ang catauán.

Nagsiparito't, nag-lacbay

ay iyong pacatandaan,

itanim sa gunam-gunam

at huag mong calilimutan.

Na mamayang á las cinco

maguiguising na seguro,

mahal na haring amá co

ay maquiquita ca dito.

Cun icao ay tatanungin

pinagsadyá mo'i, cun alin,

ang iyo namang sabihin

mangangasaua ang hinguil.

At cung tauaguin, ca namang

manhic sa palacio real,

huag magtulóy don Juan

at icao ay mamamatáy.

Ang iyong isagot lamang

sa haring aquing magulang,

acó po ay pag-utusan

nang emperador cong mahal.

Páhiná 27

Bala niyang ipag-uica

aminin mo namang paua,

hindi icao ang gagauá

at aco'i, siyang bahala.

Paalam aco don Juan

quita muna'i, malilisan.

at mamayang gabi naman

saca quita babalican.

Umalis na capagdaca

yaon ngang tatlóng princesa,

ay siyang pagcaguising na

nang haring canilang ama.

Nang maquita si don Juan

nang haring Salermong mahal

tinanong na capagcuan

cun anó ang sadyá't, pacay.

Sagót ni don Jua't, tugón

ó hari cong panginoon,

icao po ay biguian ngayon

Dios nang magandang hapon.

Ang sagót nang haring mahal

salamat na ualang hangan,

sabihin mo't, iyong turan

ang sadyá mo't, pinag-lacbay.

Ani don Juan at badyá

ó daraquilang monarca,

ang sadyá co pong talagá

hinguil sa pangangasaua.

Cun baga maguiguing dapat

ang Berbania cong ciudad,

masama't, mapaquilangcap

sa iyong coronang hauac.

Ang uica nang haring mahál

icao ay pumanhic naman,

at quita'i, magsalitaan

dini sa palacio real.

Ang sagót ni don Juan

iyan po'i, di pasasaan,

ang hintay co'i, pag-utusan

nang aquing macacayanan.

Nang sa haring mapaquingan

ay tinauag capagcuan,

yaong criado niyang hirang

ito ang siyang tinuran.

Ngayon din magmarali ca

isang salóp na trigo'i, muha,

aquing susubuquin bagá

nagsadyáng mangangasaua.

Ay ano'i, nang dumating na

ang trigong ipinacuha,

don Juan ay sumunod ca

sa útos co ngang lahat na.

At cun di mo masunod nga

ang aquing ipagagaua,

ualáng pagsalang daquila

ang búhay mo'i, mauauala.

Itong trigo ay cunin mo

pag-ingatan mong totoo,

sasabihin co sa iyo

ang lahat nang gagauin mo.

Itong bundóc na mataas

tibaguin mo nang mapatag,

at doon mo nga icalat

itong trigong aquing hauac.

Ngayon din iyong itanim

gabing ito'i, tumubo rin,

sa gabing ito'i, gayon din

iyo namang aanihin.

At sa gabing ito naman

ay gagauin mong tinapay,

sa lamesa co'i, maguisnan

cacanin co sa almusal.

Quinuha na ni don Juan

yaóng trigong ibinigay,

doon sa porterong bahay

biniguian nang tatahanan.

Ang uica nang secretario

sampóng manga consejero,

ano baga't, naparito

ang príncipeng locó-locó.

At hindi na nahinayang

sa iningat niyang búhay,

uala ngang pagsalang tunay

na di siya mamamatáy,

Anó'i, nang magabi na

oras ay á las seis na,

itong si doña María

ay guló ang ala-ala.

Páhiná 28

Caniyang pinag-lalangán

hari at consejong tanan,

pinatulog na mahusay

isa man ay ualang malay.

Siya ngang pagpanaog na

nang mariquit na princesa,

at pinaroonán niya

si don Juang casi't, sintá.

Capagdating ay nagcamay

at saca tinanong naman

na cung anong cautusán

nang hari niyang magulang.

Anang príncipe at badyá

poon cong doña María,

ang utos nang iyong amá

ganito ay maquinig ca.

Itong trigo'i, ibinigay

sa aqui't, itaním co rao,

at sa gabing ito naman

mamunga't, maguing tinapay.

Sagót ni doña María

don Jua'i, bayaan mo na,

at hindi mahihiya ca

doon sa hari cong amá.

Saan patutungo naman

ang sa haring carunungan,

na májica negra lamang

ang caniyang tinatangnan.

Ang sa cay doña María

hauac ay májica blanca,

ang dunong nang haring amá

ay tinalo nga niya.

Ang uica niya, at saysay

icao ay magpahingalay,

at malaquing iyong pagal

sa layo mong pinagmulán.

Ay ano'i, nang lumalim na

hating gabing tahimic na,

pinalabas nang princesa

carunungang ingat niya.

Oras ding yao'i, napatag

itong bundóc na mataas,

isinabog niyang lahat

ang trigong caniyang hauac.

Ang isang catacá-tacá,

lacás nang májica blanca,

bagong isinasabog pa

oras ding yao'i, namunga.

Nang oras ding yao'i, agád

itong trigo ay guinapas,

maraming umaalagád

oras ding yao'i, nalugas.

Ito'i, salicsihang paua

manga inchic ang nagáua,

pucpóc magcabi-cabila

ingay na ualang camuc-há.

Nang oras na á las cuatro

isinoot na sa horno,

sabihin bagá ang guló

niyong caramihang tauo.

Niyong ngang á las cinco na

ang tinapay ay luto na,

hinango capagcaraca

cay doña Maríang quinuha.

Nanhic sa palacio real

sa lamesa'i, inilagay,

sa cuarto'i, nagtuluyan

at natulog capagcuan.

Ay ano'i, nang maguising na

itong daquilang monarca,

ay nagtuloy sa lamesa

ang tinapay ay naquita.

Nang damputin ang tinapay

ay napaso pa ang camáy,

at bagong hinango lamang

sa hornong pinaglutuan.

Nanguilalás nanga rito

ang hari 't, consejero,

marunong yatang totoo

itong bagong naparito.

Cun caniyang nagaua man

ang hiniling cong tinapay,

sa iba cong cautusán

ay siya nga'i, mamamatáy.

Ay ano'i, nang matapos na

don Jua'i, tinauag niya,

naparoon capagdaca

at siya'i, naquipagquita.

Páhiná 29

Ang uica nang haring mahal

pumanhic cang magtuluyan,

isinagót niya naman

aco po ay pag-utusan.

Capagcaraca'i, quinuha

ang frascong iningat niya,

ang hari ay nanaog na

ang príncipe ay casama.

Don Juan ngayo'i, tingna mo

ang aquing hauac na frasco,

at ang nasisilid dito

labing-dalauang negrito.

Ito'i, aquing pauaualán

sa tubig nang caragatan,

isilíd mong ulí naman

sa frascong quinalalag-yan.

Isa ma'i huag magculang

sa negritong pauaualán,

huag namang mapalita't,

capalit ang iyong búhay.

Pinaualán nanga rito

labing dalauang negrito,

at nag-uica nang ganitó

ang haring si don Salermo.

Sa umagang mag-almusál

sa lamesa cong cacanan,

maquiquitang ualang culang

negritos cong pauaualán.

Ang frasco'i, ibinigay na

cay don Juan nang monarca,

at sa palacio'i, nanhic na

saca tambing nagpahinga.

Ay ano'i, nang magabi na

oras nang Ave María,

dumating na capagdaca

ang mariquit na princesa.

Tinanong na si don Juan

ni doña Maríang hirang,

na cun anóng cautusán

nang haring caniyang magulang.

Sagót ni don Jua't, badyá

ó poon co't, aquing sintá,

ganito'i, paquingan niya

utos nang mahal mong amá.

Negrito niyang laruán

sa tubig ay pinaualán,

itong frasco ay iniuan

at mulí cong isilid dao.

Na hustong labing-dalauá

ang negritos na lahat na.

capag nagculang nang isa

búhay co ang cahalagá.

Ang sagót ni doña María

ó don Juang aquing sintá,

cun yaón ang utos niya

huag cang mag-ala-ala,

Gasino yaong familiar

nang haring aquing magulang,

capag aquing tinauagan

ay lalapit silang tanán.

Ang dalaua'i, nag-agapay

at sila'i, nagpapanayám,

hangang sa madaling arao

nang canilang salitaan.

At niyong á las cuatro na

ay nag-uica ang princesa,

ó don Juang aquing sintá

ang ilao dalhin mo muna.

Ang frasco'i, dalhin mo bagá

sa dagat quita'i, tumugpá.

yao nanga't, lumacad na

dalauang magcasi't, sintá.

Lumusong silang nagsabay

at ang frasco'i, iniumang,

saca niya tinauagan

ang negritong calahatán.

Balang mahulí sa inyo

nang pagpasoc nga sa frasco,

cahit na sa tubig cayó

masisilab sa galit co.

Sa negritong marinig na

voces ni doña María,

ay nangag-unahán sila

pagpasoc sa frascong sadyá.

Ay sa gayong pagcacalat

negritos niyang tinauag,

sa tacot na dili hamac

nangagsipasoc na agád.

Páhiná 30

Ang uinica nang princesa

mouí ca na aquing sintá,

aco'i, siyang bahala na

sa palacio'i, magdadalá.

Nagtuloy na si don Juan

doon sa porterong bahay,

si doña María naman

nanhíc sa palacio real.

Inilagay na sa lamesa

yaong frascong dalá niya,

sa cuarto'i, nagtuloy na

at natulog nanga siya.

Ay ano'i, nang maguising na

ang haring Salermo bagá,

sa lamesa ay naquita

ang frasco'i, naroon na.

Quinuha na at tiningnan

ang caniyang calaruan,

hustong hindi nagcuculang

ang negritong pinaualán.

Hindi na cumibó siya

pinaram sa ala-ala,

mayroon pa acong ibang

iúutos sa caniya.

Anó'i, nang quinabucasan

ipinataúag si don Juan,

naparoo't, di sumuay

sa haring Salermong mahal.

Anitong hari at badyá.

yamang pangaco nang una,

na sa utos cong lahat na

don Juan ay susunód ca.

Anang príncipeng daquila

yao'i, totoó cong uica,

utos mo po cun masira

ibig co pang mamatáy nga.

Ang uica nang haring mahal

ganito'i, iyong paquingan,

at nang iyong maalaman

itong aquing cautusán.

Ang ibig co ngayon naman

yaóng bundóc na nariyan,

ay dito sana malagay

sa tapat nang durungauan.

Búcas pagca-umaga nga

cun manungao acong biglá,

hangin sa bundóc tatama

ay pumasoc sa bintana.

Caya hayo na don Juan

utos co'i, sundin mo lamang,

cundi mo magaua naman

capalit ang iyong búhay.

Umalis na capagdaca

at sa bahay omoui na,

nang maca-Ave María

naparoón ang princesa.

Ang uinica sa caniya

ó don Juang aquing sintá,

ay anó ang utos bagá

nang aquing mahal na amá.

Ang utos niya sa aquin

ó sintá co't, aquing guilio,

ganito ay iyong dinguin

at aquing ipagtuturing.

Yaong bundóc na nariyan

aquing palacarin naman,

at caniya rao maguisnan

sa tapát nang durungauan.

At ang hanging magahasa

doon sa bundóc tatama,

at sa pág-ihip na biglá

ay pumasoc sa bintana.

Sagót ni doña María

cun yaon ang utos niya,

huag cang mag-ala-ala

aco'i, siyang bahala na.

Sa canilang salitaan

ay parang isang catauán

nang magmamadaling arao

ang princesa, ay nagsaysay.

Don Jua'i, matulog ca na

at baca napupuyat ca,

aco'i, siyang bahala na

sa poon cong haring amá.

Nang oras ding yaón naman

lumacad ang cabunducan,

doon niya pinatahán

sa bintanang durungauan.

Páhiná 31

Nang ito ay mayari na

á las cuatro nang umaga,

ang princesa'i, pumanhic na

na di namalayan siya.

Ay ano'i, nang maguising na

itong daquilang monarca,

bintana'i, binucsán niya

at nanungao capagdaca.

Milagro manding daquila

nang Dios na macalinga,

isang hanging magahasa

sa bundóc baga'i, tumama.

Sa simbuyóng calacasan

bilis nang hanging amihan

pumasoc sa durungauan

nang haring Salermong hirang.

Nanguilalás nanga rito

sampóng loob ay naguló

at hindi niya matalo

ang príncipeng naparito.

Ito'i, bayaan co muna

na sa haring ala-ala,

at ang aquing ipagbadyá

nang magdadapit hapon na.

Pinatauag si don Juan

doon sa porterong bahay,

quita ngayo'i, uutusan

sundin mo't, huag sumuay.

Sagót nang príncipe naman

sabihin po't, iyong turan,

at nang aquing maalaman

ang iyo pong cautusán.

Ang uica nang hari't, turing

ó don Juan iyong dinguin,

ngayo'i, aquing sasabihin

yaong lahat mong gagauin.

Ang bundóc mong inilagay

sa tapat nang durungauan,

ay doon maguiguisnan

sa guitna nang caragatan.

At maguing isang castillo

sa limaga'i, maquita co,

at gayon din ang simborio

ang bilog ay paparejo.

Sa castillong yaon naman

ay cun mayari nang tunay,

ay pitó namang halayhay

ang kañon mong ilalagay.

Mulá, sa palacio real

at castillong paroronán,

matuid ang lalacaran

na cauili-uiling tingnan.

Doon sa castillo bagá

dadaanan tang dalauá,

ay anim ang bateria

tatayó ang centinela.

At sa batería naman

ay may cañong malalagay,

na umaga'i, maguiguisnang

pauang nangag-puputucan.

Narito at cunin mo na

itong mazo at barreta,

sampóng pico at cuchara

sa pag-gauá ay talagá.

Quinuha na ni don Juan

ang lahat nang casangcapan,

at siya'i, noui na naman

doon sa porterong bahay.

Ay ano'i, nang magabi na

ora'i, á las ocho bagá,

siya nangang pagdating na

nitong si doña María.

Tinauag na si don Juan

at saca tinanong naman,

na cun anong cautusán

nang haring aquing magulang.

Sinaysay rin namang tunay

nang príncipeng si don Juan.

ang lahat nang cautusán

nang haring Salermong mahal.

At sampong pagbibigay pa

niyong mazo at barreta,

manga pico at cuchara

sa pag-gauá ay talagá.

Isinagót nang princesa

casangcapa'i, aanhin pa,

aco'i, siyang bahala na

sa láhat nang utos niya.

Páhiná 32

Matulog ca na don Juan

na icao'i, magpahingaláy,

sa umaga,i, maguiguisnán

ang caniyang cahilingan.

Ay ano'i, nang lumalim na

ang gabi ay tahimic na,

sa májicang salamangca

ang castillo'i, guinauá na.

Nang oras na yao'i, agád

ang castillo'i, pinalacad,

doon sa guitna nang dagat

cataasa'i, sacdál taas.

Pitóng andana ang hanay

nitong cañong nalalagáy,

ang calzadang lalacaran

tuloy sa palacio real.

At anim ang batería

na may cañong para-para,

at ang nacacentinela

coroneles na lahat na.

Nang ito'i, mangyaring tunay

cahit isa'i, ualang culang,

ang princesa'i, nalis naman

at sa cuarto'i, nagtuluyan.

Ay anó'i, pagca-umaga

ang hari ay naguisíng na,

ang putuca'i, sabihin pa

sa castillo at batería.

Ang uica nang haring mahal

don Juan quita'i, magpasial,

ating panoorin lamang

sa castillong pagcalagay.

Yáo nanga't, lumacad na

nagpasial silang dalauá,

sinino na capagdaca

nang naroong centinela.

Ang sagót bagá at saysay

aco aniya'i, si don Juan,

anang de la guardia naman

emperador nating mahal.

Dito na ngani nagtaca

ang haring Salermo bagá,

at ang nacacentinela

coroneles na lahat na.

Sa canilang pagpapasial

cabi-cabila'i, putucan,

ang singsing nang haring mahal

nahulog sa caragatan.

Hari'i, nangusap pagdaca

don Juan quita'i, muí na,

at iyong ipatahan na

ang cañóng nagsisisalva.

Itinaás ang espada

cay don Juang, hauac bagá,

ang putuca'i, nagtahan na

at di na naringig nila.

Ang hari ay nagtuluyan

doon sa palacio real,

ang príncipeng si don Juan

nuí sa porterong bahay.

Mapahapong á las cinco

nag-utos sa isang criado,

si don Jua'i, tauaguin mo

at siya'i, hinihintay co.

Naparoo't, di sumuay

itong príncipeng timtiman,

anang hari'i, paquingan

itong aquing cautusán.

Ngayon sa gabing magdamag

paua mong alising lahát,

castillo at baterías

huag cong maguisnan bucas.

At sa dati'i, isauli mo

tapat nang durungauan co,

sa umaga'i, maguisnan co

huag na hindi sundin mo.

Ay ano'i, nang matapos na

yaón utos sa caniya,

si don Juan ay nalis na

sa bahay nuí pagdaca.

Niyong magabi na naman

nanaog na capagcuan,

ang princesang matimtiman

pinaroonan si don Juan.

Tinanong na capagdaca

na cun anong utós bagá

anang príncipe at badyá

ganito ay maquinig ca.

Páhiná 33

Ang castillong nalalagay

sampó nang batería naman

búcas huag nang maguisnan

nang haring iyong magulang.

Ang uinica nang princesa

ó guilio co't, aquing sintá,

icao ngayo'i, matulog na

aco'i, siyang bahala na.

Nang mahating gabing tapat

ualang malay silang lahat

ay naguing bundóc na agád

yaong castillong mataás.

At nasaulí na sa lagay

ang quinuhang cabunducan,

at ang bitería naman

sa hari'i, hindi naguisnan.

Tinauag namang mulí pa

itong príncipeng masiglá,

naparión capagdaca

sa hari'i, humaráp siya.

Capagdating ni don Juan

hari'i, nangusap pagcuan,

di co yata mabayaran

ang lahat mong capagalan.

Saca ngayon ang isa pa

muling uutusan quita,

anang príncipe at badyá

ay iyo pong sabihin na.

Sa canitang pagpapasial

sa castillong cariquitan,

ang singsing cong minamahal

nahulog sa caragatan.

At sa gabi namang ito

yaón lamang ay cunin mo,

sa umaga'i, maducot co

sa ilalim nang unan co.

Isinagót ni don Juan

cun yaón bagá po lamang,

cahit aquing icamatay

susundin cong malumanay.

Ay ano'i, nang magabi na

á las nueve ang oras na,

dumating na capagdaca

itong si doña María.

Itinanong cay don Juan

ang utos nang haring mahal,

sumagot nang mahinusay

at ganitó ang tinuran.

Ang utos bagá sa aquin

nang haring amá mong guilio,

sa dagat ay aquing cunin

ang diamante niyang singsing.

Anang princesa'i, ganito

tapangan mo ang loob mo,

at itong utos sa iyo

ay panganib na totoó.

Isang batia ang quinuha

nang mariquit na princesa,

may sangcalan at hapác pa

sa dagat sila'i, tumugpa.

Sa batia'i, lumulan agád

ang dalauang magsing-liyag,

pagcapalaot sa dagat

ang princesa ay nangusap.

Huag matacot don Juan

tadtarín mo acong tunay,

at huag matapon lamang

capirasong aquing lamán.

Huag cang matulog naman

at aco'i, iyong abangan,

cunin mo sa aquing camáy

ang singsing cong ililitao.

Tinadtad na ngani niya

itong si doña María,

sa tubig inihulog na

naguing isang isda siya.

Sa calaunang di hamac

sa ilalim ay paghanap,

ay nacatulog na agad

itong príncipeng marilag.

Nang ang singsing ay macuha

naguing tauo ang princesa,

daliri'i, inalitao na

si don Juan ang cucuha.

Sa calaunang pag-litao

singsing sa daliri'i, taglay,

sino ang cucuha naman

natutulog si don Juan.

Páhiná 34

Sa uala nganing cumuha

singsing sa daliri niya,

mulíng lumubóg pagdaca

itong si doña María.

Lumitao na muling tambing

itong princesang butihin,

at hinihintay na cunin

ang na sa daliring singsing.

At sa uala ring umabot

singsing niyang isinipot,

nasoc sa caniyang loob

si don Jua'i, natutulog.

Lumubóg na mulí bagá

ang mariquit na princesa,

icatlóng pag-litao niya

ang batia'i, siniquil na.

Mulí namang inalitao

ang daliri niyang mahal,

ito namang si don Juan

pagtulog ay cahimbingan.

Sa hindi rin cunin ngani

singsing doon sa daliri,

ay inihulog na mulí

umahon siyang madalí.

Nang sa princesang maquita

si don Juan niyang sintá,

himbing na ualang capara

ay guinising nanga niya.

Dili ang uica co naman

na aco'i, iyong abangán,

at hindi macalilitao

singsing cun aquing tangan.

Tingni itong guinaua mo

ang oras na'i, á las cuatro,

maca mamalayan tayo

nang bunying haring amá co.

Cun caniyang maalaman

lahat nating cagagauán,

aco nga at sampong icao

caniyang papupugutan.

Cundangan ang alang-alang

dalá niyaring caibigán,

quita ay pinahayaang

maguing bató ang catauán.

Marali nang iyong gauin

mulí mo acong tadtarin,

maca ang hari'i, maguisíng

ay uala pa yaong singsing.

Sa pagmamadalí niya

nang pagtadtad sa princesa,

umilandang capagdaca

dulo nang daliri bagá.

Sa tubig nang ihulog na

naguing isdá ang princesa,

ang singsing ay nang macuha

naguing tauong mulí siya.

Sa daliri'i, inilagay

isinipót na ang camay,

quinuha na ni don Juan

at ang princesa'i, lumitao.

At umahon nanga siya

sa batia'i, sumacay na,

dulong hintuturo niya

ang siyang ipinaquita.

Tingnan mo ito don Juan

ang aquing daliri'i, culang,

ito'i, tandaan mo bilang

na sucat ipagcaquilanlan.

Yao na't, umahon bagá

dalauang magcasi't, sintá,

ang princesa'i, nagtuloy na

sa real palaciong sadyá.

Sa pagtulog na mahusay

nang hari niyang magulang,

ipinailalim sa unan

ang singsing na minamahal.

At sa cuarto'i, nagtulóy na

itong si doña María,

at nag-ualáng quibó siya

parang hindi ala-ala.

Ang hari nang maguising na

dinucot ang unan niya,

ay nacuha capagdaca

singsing niyang mahalagá.

Naguló ang gunam-gunam

nang haring Salermong mahal,

at hindi niya mapatay

ang príncipeng si don Juan.

Páhiná 35

Tingnan dito pa sa isa

na ipag-uutos co pa,

tantó manding ualang sala

na siya'i, mapapatay na.

Tinauag na si don Juan

doon sa porterong bahay,

siya nama'i, di sumuay

naparoon capagcuan.

Anitong hari at saysay

ngayon ay iyong paquingan,

at sa aquing cautusán

sundin mo't, huag maliban.

Aco'i, may isang cabayo

ay mailáp na totoo,

hindi pa sinasac-yan co

sa umaga'i, mansohín mo.

Cunin sa caballeriza

doon natatali siya,

sampú nang freno at silla

naroon ding para-para.

Caya lacad na don Juan

at bucas ca na pariyan

iyong mamansohin lamang

cabayo cong minamahal.

Umoui nanga sa bahay

ang príncipeng si don Juan,

pinag-isip niyang tunay

cabayong patuturuan.

Ay ano'i, nang magabi na

higuit sa Ave María,

ay dumating capagdaca

itong butihing princesa.

Itinanong cay don Juan

na cun anong cautusán,

ganito'i, iyong paquingán

nitong sa aquing tuturan.

Ang utos niya'i, ganitó

siya rao ay may cabayo,

ay mailáp na totoo,

bucas dao ay mansohín co.

Sagót nang princesang mahal

ó sinta co't, aquing búhay,

baca di mo naalaman

ang cabayong tuturuan.

Siya rin nga at di iba

sa cabayo ay papara,

saca ang rienda'i, silla

ang capatid cong dalaua.

At aco ang freno naman

nang cabayo mong sasac-yan,

icao ay magpacatimbang

at doon ca mamamatay.

Tuturuan quitang tambing

nang paraan mong gagauin,

at nang hindi ca patayin

nang cabayong mamansohín.

Cun icao'i, lalapit bagá

doon sa caballeriza,

matá nito'i, magbabaga

nacatatacot maquita.

Cun aayao magpa-silla

ang cabayo'i, mag-aarma,

palo't, dagoc na lahat na

ng gauín mo sa caniya.

Nguni't, icao ay mangilag

sa dambá niya at sicat,

at ang cucó'i, matatalas

ang lamán mo'i, mauaualat.

At cun baga mahina na

lumuluha na ang matá,

saca mo subuan siya

nang freno sampú nang silla.

Ang bahala naman aco

sa bibig nitong cabayo,

sa pagca aco ang freno

ang rienda'i, alagaan mo.

Capag-iyong linubayán

ang riendang iyong tangan,

sa alapaap tatahán

ang cabayong sinasac-yán.

Icao nga ay malalaglag

at ang hangin ay malacas,

sa lupa ca malalagpac

lamán mo'i, mananambulat.

Huag bayaang lumuag

ang riendang iyong hauac,

palo't, taquid nang espuelas

nang manghina siyang agad.

Páhiná 36

At cun baga mahina na

lauay ay tumutulo na,

iyong ibalíc pagdaca

doon sa caballeriza.

Nang ito ay masabi na

ang lahat na bilin niya,

umalis na ang princesa

si don Jua'i, iniuan na.

Ano'i nang quinabucasan

naparoon si don Juan,

ay dinatnan sa hagdanan

ang lahat nang casangcapan.

Nang sa cabayong maquita

príncipe'i, naroroon na,

nagningas nanga ang matá

apóy ang siyang capara.

At nang anyóng ilalagay

yaong silla sa licorán,

ay nanghina ang catauán

nang cabayong tuturuan.

Di anong magagaua pa

nang siya'i, manglambót na,

inilagay na ang silla

ang freno'i, isinubo na.

Dito nanga nagdarambá

at ibig cagatin siya,

palo't, dagoc na lahat na

ang guinauá sa caniya.

Inacay nanga sa labas

nitong príncipeng marilág,

at sa sacong isinacbát

ang matalas na espuelas.

Sa cabayo'i, sumacay na

anyóng ilulucsó bagá,

hinigpitan na ang rienda

ay bumiling biling siya.

Pálo't, táquid nang espuelas

rienda'i, batac nang batac,

at nang di nga mailipád

ang príncipe sa itaas.

Ano pa't, sa cahirapan

pagdagoc na ualang tahan,

caniyang iniilagan

ang freno'i huag tamaan.

Sa malaquing tacot bagá

cabayong minansó niya.

nag-luhá nanga ang matá

ang lauay ay tumulo na.

Nang maquita ni don Juan

na di na macagulapay,

caniyang sinunód naman

sa princesang cabilinan.

Hinila na ang rienda

sa palacio ay nuí na,

matuid ang lacad niya

tuloy sa caballeriza.

Hinubdán na ni don Juan

nang freno't, sillang maringal,

inilagay sa hagdanan

at umuí na sa bahay.

Ay ano'i, nang magabi na

naparoón ang princesa,

at pinagsabihan niya

si don Juang casi't, sintá.

Búcas ay ualang pagsala

tantong ipatatauag ca,

magtulóy nang pumanhic ca

sa hari'i, maquipagquita.

Siya ay iyong daratnán

sa catre niyang hihigán.

malaqui ang capagalan

masasaquít ang catauan.

Nang ito ay masabi na

ay umalis ang princesa,

sa cuarto'i, nagtuloy siyá

at nang macapagpahingá.

Ano'i, nang quinabucasan

ang criado'i, inutusan,

tauaguin mo si don Juan

dito'i, aquing hinihintáy.

Naparoón na ang criado

sa bahay niyong portero,

aco'i, inutusan dito

nang haring si don Salermo.

Icao ay inaanyayahan

doon sa palacio real,

sumama't, hindi sumuay

sa criadong inutusan.

Páhiná 37

Nang dumating sa palacio

uica nang hari'i, ganito,

don Jua'i, may damdam aco

masaquit ang aquing ulo.

Yamang iyo nang naganáp

ang manga utos cong lahat,

mamili ca ngayon caguiat

na sa aquing tatlóng anác.

Ang hari'i, nagtindig naman

at sumama cay don Juan,

tatlóng cuartóng mag-agapay

siya nilang linapitan.

Yao'i, capua may bútas

na sa tablang inilapat,

hindi mo natatalastas

cagandahan nila't, quias.

Yaóng hintuturo lamang

ang siyang ipinalitao,

sa cuartong catapusan

doon niya napagmasdan.

Hinauacan capagcuan

yaóng daliring marangal,

at saca siya nagsaysay

ito ang ibig cong tunay.

Hindi nanga binitiuan

sa daliri'i, pagcatangan,

capagdaca ay binucsan

cuartong quinalalag-yan.

Di anong magagaua pa

nitong daquilang monarca,

ang mahal sa loob niya

ang siya bagang nacuha.

Nagsama na capagdaca

magcaibigang dalauá,

nag-isip nag-ala-ala

itong daquilang monarca.

Ang nasoc sa loob niya

ay caniyang ipadalá,

sa capatid niyang sintá

sa reinong Inglaterra.

Cun caniyang magustuhán

ang príncipeng si don Juan,

doon niya ipacasal

at caniyang alagaan.

O cun dili caya naman

at di niya magustuhan,

ang príncipeng si don Juan

ay caniyang ipapatáy.

Ito'i, lihim na di hamac

na guinaua niyang sulat,

ay natantó namang agád

niyong princesang marilag.

Cun yaón ang calooban

nang haring aquing magulang

aco ang gagaua naman

isang mabuting paraan.

Inutusan capapdaca

si don Juan niyang sintá,

doon sa caballeriza

isang cabayo'i, cumuha.

Iyong bibilangin lamang

ay ang icapitong tunay

na mangaling sa pintuan,

ang cunin mo at siyahán.

Dito'i, umalis na quita

sa Berbania ay mouí na,

at tayo'i, ipadadalá

sa reinong Inglaterra.

Si don Jua'i, nanaog na

tungo'i, sa caballeriza,

sa pagmamadali niya

icaualó ang nacuha.

Sinubuan nangang tambing

nang freno't, sillang magaling,

ay siya namang pagdating

nitong princesang butihin.

Nang ito baga'i, maquita

cabayong sasac-yán nilá,

nagdala rin nang pangambá

ang mariquit na princesa.

At nangusap cay don Juan

quita'i, panganib sa daan

sa di pagsunód mong tunay

sa lahat cong cautusán.

Di ang bilin co sa iyo

cunin mo ang icapitó,

ay baquit ang icaualó

ngayo'i, siyang quinuha mo.

Páhiná 38

Di anong magagaua pa

siya'i, siyang nariyan na,

sumacay na ang dalauá

at umalis capagdaca.

Nang silá ay mapalual

sa labas nang caharian,

agad silang namalayan

nang haring Salermong mahal.

Hinabol nanga't, sinundan

ang dalauang nagtaanan,

nang sila'i, maa-abutan

ang princesa ay nagsaysay.

Don Jua'i, naririto na

ang habol ay malapit na,

panganib quitang dalauá

sa hari na aquing amá.

Tingnan mo ang calacasan

nang cabayo mong iniuan,

quita ngayo'i, aabutan

dito sa guitna nang parang.

Ang guinaua nang princesa

niyong aabutan sila,

inilaglag capagdaca

ang carayom niyang dalá.

Ay naguing tinic na bacal

ang hari'i, di macaraan,

hindi macasagui naman

ang cabayong sinasac-yan.

Sa malaquing galit bagá

sa nagtaanang dalauá,

sa cabayo'i, lumunsád na

at hinauanan na niya.

Husto ngang dalauang arao

bago niya nahauanan,

at tatlong leguas ang lagay

nang dalauang sinusundan.

Hinabol nangang muli pa

ibig ding mapatáy niya,

ibon ang siyang capara

tulin nang cabayo bagá.

Nang malapit nang abutan

princesa'i, muling nagsaysay,

don Jua'i, eto na naman

ang haring aquing magulang.

Ang guinaua nang princesa

quinuha ang sabón niya,

sa lupa'i, inihulog na

naguing isang bundóc bagá.

Hindi ngani magcaraan

ang cabayong sinasac-yan,

nababaón ang catauán

sa sabón na cabunducan.

Naisip sa loob bagá

nitong daquilang monarca,

na hilahin ang rienda

at mag-libid capagdaca.

Ang lagay apat na leguas

nang dalauang magsing-liyag,

sa malaguing paghihirap

cagalita'i, dili hamac.

Na sa gayong calayo na

at di na niya maquita,

hinabol din capagdaca

ang nagtaanang dalauá.

Nang malapit nang abutan

princesa'i, agad nagsaysay,

naquita mo na don Juan

tayo ngayo'i, aabutan.

Cung culanging palad quita

ito na ang ating hanga,

papataying ualang sala

nang haring poon co't, amá.

Ang guinaua nang princesa

niyong aabutan sila,

ang coje niya'i, quinuha

sa lupa'i, inihulog na.

Naguing isang caragatan

na malalim at maluang,

hindi nanga nacaraan

cabayo nang haring mahal.

Di anong magagaua pa

di na macahabol siya,

guinaua nang hari baga

benendicionan pagdaca.

Sa pangalan nang May-gaua

nang Dios Haring daquila,

ito ngayong aquing sumpa

tumaláb sa iyong paua.

Páhiná 39

Cun icao'i, dumating diyan

sa reinong paroroonan,

tunay na icao'i, iiuan

sa labás nang caharian.

Icao naua'i, malimutan

nang príncipeng si don Juan,

at icao ay pabayaan

sa iba siya pacasal.

Sa masamang capalaran

itong hari'i, nagcadamdam,

sa dalamhati at lumbay

ay siyang iquinamatáy.

Ito'i, lisanin co muna

ang namatáy ay anhin pa,

ang aquing ipagbabadyá

si don Juan at princesa.

Nang sila ay dumating na

doon sa labas nang villa,

ay nangusap capagdaca

si don Juang casi't, sinta.

Dito ay quita'i, iiuan

icao'i, huag malulumbay,

sa pagca't, tantong mahalay

pumasoc na gayon lamang.

Isinagót nang princesa

ó don Juang aquing sintá,

ay di maliligalig pa

ang mahal mong haring amá.

Sagót nang príncipe't, saysay

totoo sintá co't, búhay

sa iyo nama'i, mahalay

di salubungin sa daan.

Cay doña Maríang turing

sa uinica mo sa aquin,

itong aquing tagubilin

sa loob huag limutin.

Cun icao ay dumating na

sa real palacio bagá,

ay huag palalapit ca

ni sa iyong reinang iná.

Sa cangino mang babayi

don Jua'i, iyong paquingui,

sa reino'i, huag mangyari

aco'i, mauaualang puri.

Capag icao'i, nalapitan

nang babaying sino pa man,

aco'i, macacalimutan

sa villa't, labás nang bayan.

Sagót ni don Jua't, badyá

huag cang mag-ala-ala,

aco'i, ualang ibang sintá

hindi malilimutan ca.

Lumacad na si don Juan

pumasoc sa caharian,

at nagtulóy capagcuan

sa hari niyang magulang.

Nang siya ay dumating na

sa harap nang haring amá,

caguluha'i, sabihin pa

nang consejerong lahat na.

Sa malaquing caingayan

sa loob nang caharian,

ito'i, agád napaquingan

ni Leonorang timtiman.

Binucsán na niyang tambing

yaong silíd niyang lihim,

lumapit nanga sa siping

ni don Juang sinta't, guilio.

Umupo na capagcuan

doon sa sinapupunan,

nauala sa gunam-gunam

princesa niyang iniuan.

Ang uica ni Leonora

ó daraquilang monarca,

dinguin nang iyong alteza

ang aquing munting querella.

Pagca't, ngayo'i, narito na

ang sa aquin ay cumuha,

tapós na po ang panata

na hiningi co nang una.

Aco'i, dito pacacasal

at siyang aquing catipán,

si don Pedrong tampalasan

sa loob co ay masucal.

Sucat na po haring mahal

ang aquing munting tinuran,

at di co ibig masaláng

sugat nang puso co't, subiang.

Páhiná 40

Ang hari ay natiguilan

nang sa princesang tinuran,

at tila mandin may bagay

ay hindi tapatin lamang.

Napaayon capagdaca

itong daquilang monarca,

cahit cay don Juan bagá

tunay ring manugang quita.

Sa lingo'i, ualang pagliban

ang sa inyo'i, pagcacasal,

nguni ay mayroong lamán

ang sabi mong binitiuan.

Ang sagót ni Leonora

mayroon nga po aniya,

at cun aquing ipagbadyá

malalagót ang hiningá.

Cun aquin na pong macamtán

yaong matrimoniong mahal,

saca co po isasaysay

ang lihim cong iningatan.

Ito'i, lisanin co muna

ang súgat nang púso niya,

at ang aquing ipagbadyá

itong si doña María.

Nang maguing tatló nang arao

ang caniyang paghihintay,

nang uala rin si don Juan

balisa ang gunam-gunam.

Ito'i, malilihim bagá

sa dunong na iningat niya,

ay natantó capagdaca

nang mariquit na princesa.

Na sa lingo'i, icacasal

ang príncipeng si don Juan,

aco'i, maquiquipagcangay

sa arao nang cafiestahan.

Madali't, salita bagá

ay hahaba ang historia,

ang lingo'i, nang dumating na

gumayác na ang princesa.

At sa singsing nganing mahal

na caniyang iniingatan,

ay humingi capagcuan

carrosa niyang sasac-yán.

Humingi rin naman siya

nang damit emperadora,

sa arao na yaón bagá

ay lumitao capagdaca.

At tambing nangang nagbihis

niyong damit emperatriz,

lalong nagningning ang diquit

serafin mandin sa langit.

Sa carrosa ay lumulan

itong princesang timtiman,

ang catulad at cabagay

yaong luminariong Buan.

At ang nangag-sisihila

cabayong labing-dalauá,

magcaparis ang hichura

naca-aalio sa matá.

Anim ang cocherong hirang

sa cabayo'i, sumasacáy,

at saca anim din naman

ang librea sa licorán.

Magcaparis ang vestido

nang librea at cochero,

pumasoc nanga sa reino

ang emperatriz na bago.

Sa arao ring itó bagá

icacasál ang dalauá,

príncipe't, si Leonora

at sila'i, mag-aasaua.

Nang maquita sa palacio

ang carrosang guintong puro,

anang haring don Fernando

emperatriz sa banta co.

Ay ating itiguil muna

pagcacasal sa dalauá,

baca manonoód siya

nitong pagdedesposada.

Ang uica nang calahatán

emperatriz nga po iyan,

manonoód ang dalihán

sa bago pong icacasal.

Nang dumating sa harapán

sinalubong sa hagdanan,

anang hari't, manga mahal

emperatriz na marangal.

Páhiná 41

Sila ay nagsi-loclóc na

sa manga uupáng silla,

ay nangusap capagdaca

itong si doña María.

Ang sadyá co pong talagá

manoód nang desposada,

acó yata'i, nahulí na

at silá ay nacasál na.

Ang sagót nang haring mahal

emperatriz na marangal,

natiguil ang pagcacasál

sa iyo po ang dahilán.

Ang uica niya at saysay

haring macapangyarihan,

aco ang corderang leal

na naparitong nag-lacbáy.

Di caya mangyari bagá

mahal na vuestra alteza,

isang laro'i, ipaquita

dito sa novio at novia.

Ang uica nang hari't, saysay

ó emperatriz na mahal,

ituloy ang calaruan

sa haráp nang capisanan.

Nang ito ay marinig na

nang bunying emperadora,

quinuha na capagdaca

diamanteng singsing niya.

At humingi naman dito

nang isang malaquing frasco,

na may lamáng tubig ito

may negrita at negrito.

At isang corong músico

ang hiningi naman dito,

di naman maquiquita mo

ang tumutogtóg na tauo.

Ang isang catacá-tacá

sa laróng palabás niya,

ay may hauac na suplina

ang mariquit na negrita.

Siya ngang pag-uinica na

ang músico'i, tugtuguin na,

at magsayáo ang dalauá

na negrito at negrita.

Sinong di matuá naman

sa dalauáng nagsasayáo,

sa tugtóg ay nababagay

yaóng quilos nang catauan.

Mag-uiuica capagdaca

itong si doña María,

itiguil iyang música

pag lilibad nang dalauá.

At saca tatanong bagá

itong mahal na negrita,

cun hindi naquiquilala

yaóng si doña María.

Sagót naman nang negrito

hindi naquiquilala co,

iyang itinatanong mo

di co masabi cun sino.

Páhiná 42

Diyata don Juan aniya

hindi mo naquiquilala,

itong mahal na princesa

siya mong casamasama.

Nang icao ay pag-utusan

nang hari niyang magulang,

tibaguin ang cabunducan

ang trigo ay ibinigay.

Di niyon ding gabí bagá

itong trigo ay namunga,

guinauang tinapay niya

sa palacio ay dinalá.

Cun hindi naalaman mo

guinauáng bien sa iyó,

ang suplina sa camay co

madurog sa catauán mo.

Saca papaluin naman

ang negritong caagapay

cun ano't, ang nasasactán

ang príncipeng si don Juan.

Aróy co ang uiuicain

sinong pumalo sa aquin,

capagdaca ay lilingapin

ay ualang tauong casiping.

Siyang pag-uiuica naman

ulitin ninyo ang sayáo,

músico'i, magtutugtugan

nacaaalio sa lumbay.

Sacá naman mag-lilibád

negrito't, negritang hayág,

maraming tauong di hamac

ang nagsisi-panguilalás.

Uica ni doña María

itiguil iyang música,

at sacá tatanóng bagá

sa negrito ang negrita.

Niyóng icao'i pag-utusan

nang hari niyang magulang,

na sa dagat ay paualán

ang caniyang calaruan.

Labing-dalauang negrito

ang nasisilíd sa frasco,

sabihin mo sa harap co

cun sinong humuli nito.

Dili si doña María

na iyong casama-saíma,

at ang frasco'i, hauac niya

may ilao ca namang dalá.

Di siya rin ang naglagay

sa frascong quinasisidlán,

siya ring nagdala naman

doon sa palacio real.

Isinagót naman dito

hindi naquiquilala co,

papaloin nanga rito

nang negrita ang negrito.

Cun ano at si don Juan

ang siya ngang nasasactán,

marahás na carunungan

sa princesang tinatangnan.

Nang calahati nang oras

ang canilang paglilibad,

ay muli namang nangusap

yaong princesang marilág.

Ang uica'i, itiguil muna

ang pagtugtog nang música,

ang negrita'i, tatanong na

sa negrito na casama.

¿Diyata't, di mo quilala

yaong si doña María!

ay hindi ang sagót niya

cun sino't, cun alín siya.

Anitong negrita naman

sasabihi'i, paquingán,

at nang iyong maalaman

nagligtás sa iyong buhay.

Hiniling sa iyo naman

mataas na cabunducan,

at doon nga maguiguisnán

sa tapát nang durungauan.

Ang uinica nang negrita

ganito'i, tahaquin co na,

at nang iyong maquilala

yaong si doña María.

Ang bundóc mong inilagay

sa tapat nang durungauan,

doon naman maguiguisnan

sa pusod nang caragatan.

At guinaua pang castillo

nang pag-ibig nga sa iyo,

saca ngayo'i, nilimot mo

at hindi mo asicaso.

Singsing nang haring mahal

nahulog sa caragatan,

di iyong tinad-tad naman

si doña Maríang hirang.

Ang capirasong daliri

sa dagat natapon ngani,

naguing tandang icauari

sa pagquilalang madali.

At bucód sa rito naman

nang sa iyo'i, paturuan,

ang cabayong tampalasan

na lalo mong camatayan.

Di guinauán ca nang daan

niyang princesang marangal,

ang ama'i, cahit masactán

sa pagsintá ang dahilán.

Di nang macapanhic ca na

sa real palaciong sadyá

cayong dalaua'i, nagsama

sa sariling cuarto niya.

Ay naisip capagdaca

nang haring caniyang amá,

na cayó ay ipadalá

sa reinong Inglaterra.

Páhiná 43

Si doña María naman

gumaua rin nang paraan,

at nang cayo'i, macatanan

sa reinong de los Cristal.

Niyong cayo'i, aabutan

nang hari niyang magulang,

ay caniyang hinadlangan

nang matinic na cauayan.

At bago nga nacaraán

ang haring Salermong mahal,

ay tatlóng leguas ang lagay

niyong inyong calayuan.

Hinabol cayong dalauá

nang anyong aabutan na,

ang sabóng caniyang dalá

sa lupa'i, inihulog na.

Tingnan mo ang carunungan

niyong princesang timtiman,

naguing isang cabunducan

yaong sabóng binitiuan.

Hindi nanga nacaraan

ang cabayong sinasac-yán,

apat na leguas ang lagay

niyong inyong calayuan.

Diyata't, sa lahat bagá

nang hirap niyang dinalá,

hindi mo pa naquilala

yaong si doña María.

Papaluin capagcuan

ang negritong calibaran,

cun ano't, ang nasasactán

ang príncipeng si don Juan.

Uiuicain nang negrita

diyata't, totoó bagá,

sa loob mo'i, nauala na

yaong mahal na princesa.

Papaluing ualang tahan

ang negritong caagapay,

boong cataua'i, nag-latay

nang príncipeng si don Juan.

Ang uica ni doña María

tugtuguin yaong música,

nagsayáo na mulí bagá

ang negrito at negrita.

Ay nang may isang oras na

pag-lalaró nang dalauá,

ay nangusap ang princesa

ang músico'i, itahán na.

Ang tanong nitong negrita

don Jua'i, diyata bagá,

totoong di mo quilala

itong si doña María.

Isinagót nang negrito

hindi natatalastas co,

anang negrita'i, ganito

sasabihi'i, paquingan mo.

Di cayo'i, nang aabutan

nang haring Salermong mahal,

gumaua pa nang paraan

itong princesang timtiman.

Di ang coje niyang dalá

sa lupa'i, inihulog na,

naguing dagat capagdaca

hindi nacatauid siya.

At nang cayo'i, dumating na

Ermopolisis na villa,

sa bahay niyong pastora

iniuan mo ang princesa.

Di ang bilin niyang tunay

sa babaing cangino man,

huag palapit don Juan

at siya'i, malilimutan.

Cundi mo pa sinusucat

dinaanan niyang hirap,

ngayon na ang pagcautás

ng buhay mong ualang palad.

Sa oras ding ito bagá

ang músico'i, naualá na,

ang negrito at negrita

hindi na nila naquita.

At ang frasco nga ang siyang

bucód na natira lamang,

siya ang quinalalag-yan

niyong cay don Juan buhay.

Ang uinica nang princesa

diyata don Juan aniya,

di mo pa naquiquilala

yaong si doña María.

Páhiná 44

Yayamang gayon din lamang

aco'i, ualang cabuluhán,

pagsisi nang casalanan

at siya mong cahanganan.

Siya nangang pagdampot na

sa frasco nitong princesa,

at babasaguing talaga

sa malaquing galit niya.

Dito nanga naramdaman

nang príncipeng si don Juan,

at naquilala ngang tunay

si doña Maríang mahal.

Linapitan capagdaca

at saca niyacap niya,

icao nga ang aquing sinta

na iniuan co sa villa.

Aco ang may casalanan

sucat mong paghinanactan,

pagca't, aco'i, nalapitan

ni Leonorang timtiman.

Aco'i, parang ulól bagá

na sa loob cong mag-isá,

cundi ngayon lamang sintá

hindi co na-ala-ala.

Icao ang sintá cong tunay

na pinagsadyáng linacbáy.

sa reinong de los Cristal

ang pinuhunan co'i, búhay.

Patauad doña María

sa aquing pagcacasala,

ang cataua't, búhay co pa

ay sa iyo't, di sa ibá.

At saca nag-uica naman

ó haring aquing magulang,

dito acó ipacasál

sa emperatriz na mahal.

Anang doña Leonora

mahal na vuestra alteza,

sandaling paquingán niya

ang aquing munting querella.

Ngayon co na po tuturan

ang lihim cong iningatan,

at nang iyong maalaman

yaong hirap ni don Juan.

Aco ay doon quinuha

sa bundóc niyong Armenia,

cami ay magcacasama

capatid cong doña Juana.

Tiuasáy ang aquing lagay

sa lupang cailaliman

ang príncipeng si don Juan

ang siyang cumuha lamang.

Bucód dito ang isá pa

ó daraquilang monarca,

nang siya'i, pagliluhan na

capatid niyang dalauá.

Nang caniyang pagbalicán

ang singsing cong minamahal,

siya'i, agád tinalian

magcapatid na sucaban.

Nang mayroong sampóng dipá

ang lubid na nahulog na,

ay tinagpás nang espada

ni don Pedrong palamara.

Nang maquita co ang lagay

nang príncipeng si don Juan,

acó tantong daramay

sa quinahulugang hucay.

Aco'i, agad sinungaban

ni don Pedrong tampalasan,

ang lobo co sa sucbitan

ang quinuha co na lamang.

Inihulog co sa hucay

at aquing pinagbilinan

cahit patáy si don Juan

ay iyong pag-remediohan.

Ito nga po haring mahal

ang iyo lamang hatulan,

cun siya'i, dapat macasal

cay doña Maríang hirang.

Ang uica nitong monarca

icao ang unang nacuha,

an sagót ni Leonora

aco nga po't, dili ibá.

Sa iyo ang carampatan

si don Juan ay ipacasál.

sapagca't, iyong binuhay

sa balóng quinahulugan.

Páhiná 45

Sa hatol bagang nasambit

sinong macapag-aalis,

doña María'i, nagtindig

at capagdaca'i, nagsulit.

Ito ang uinica niya

ó daraquilang monarca,

dinguin ngayon nang lahat na

ang aquing munting querella.

Ang uica nang haring mahal

sabihin mo na at turan,

at nang aquing maalaman

ang iyong pahahatulan.

Ang uica ni doña María

cun gayon po'i maquinig ca,

cay don Juan dahil bagá

ang aquing pinag-hablá.

Naparoon at nag-lacbay

sa reinong de los Cristal,

cami ay nagcaibigan

usapan nami'i matibay.

Gaano ang búhay niya

sa utos nang aquing amá,

acó ang naghirap bagá

na sumunód sa caniya.

Cun aquing pinabayaan

ang príncipeng si don Juan,

hindi na darating naman

doon siya mamamatáy.

Naguló ang gunam-gunam

ng haring Fernandong mahal,

cumuhang sanguni naman

sa arzobispong marangál.

Ang sa arzobispong saysay

cun sinong unang catipán,

siyang dapat pacasalán

nang príncipeng si don Juan.

Sagót ni doña María

ó amá nang caloloua,

ang sa tauong puri bagá

di búhay ang cahalagá.

Anang arzobispo naman

ngayo'i, uala ca nang daan,

at may na unang catipán

na marapat pacasalán.

Cay doña María'i, itó

cun uala ring daan aco,

hinauacan nanga rito

yaóng itiniráng frasco.

Ibinuhos na marahan

ang tubig sa frascong mahal,

ano pa nga't, nag-languyan

ang tauo sa caharian.

Ang tubig ay umapao nga

hangang palaciong bintana,

dito'i, agád nanga mutlá

ang lahát nang tauong madlá.

Ang uinica ni don Juan

sucat na sintá co't, búhay,

aquing ipa-aaninao

ang totoong catuiran.

O mahal na pontífice

cay Jesús na cahalili,

yaring aquing munting sabi

ngayo'i, sandaling paquinguí.

Ang princesa Leonora

ay hindi co tangcá siya,

sa balóng aming sinonda

doon co lamang naquita.

Pinuhunan co nga'i, búhay

sa serpienteng nacalaban,

at cay doña Juana naman

sa giganteng nagtatangan.

Cun caya pinagliluhan

manga capatid cong hirang,

sa singsing niyang naiuan

na aquing pinagbalican.

Abót na princesang mahal

ang singsing mong nalimutan,

at dito nagmulang tunay

tanang aquing cahirapan.

Sa búhay cong pinuhunan

nang sa iyo ay pag-agao,

bagama't, iyong binuhay

bilang nacapalit lamang.

At nag-uica si don Juan

dito aco pacacasál,

sa princesang lubhang mahal

sa reinong de los Cristal.

Páhiná 46

Ang uica nitong monarca

cay don Pedro'i, pacasál na,

at hindi naman sa ibá

at tunay ring anác quita.

Sapagca't, uala cang daan

cay don Jua'i, mapacasál,

matigas ang carunungan

ni doña Maríang mahal.

Ang sagót ni Leonora

ó daraquilang monarca,

icao po ang bahala na

gauin ang balang magandá.

Nang maringig yaon bagá

nang haring caniyang amá,

sumanguning muli siya

sa arzobispo ngang sadyá.

Ano pa nga at nagcabagay

pinag-isang catuiran,

tinauag nilang marahan

doña Leonorang mahal.

Nang oras ding yaón naman

sabáy silang iquinasál,

fiesta'i, dalauang siyam

sa Berbaniang caharian.

Ay ano'i, nang matapos na

ang canilang pagsasayá,

isasalin ang corona

cay don Juang anác niya.

Si doña María'i, nag-uica

ó monarcang daraquila,

sumandaling mag-unaua

sa aquing ipag-uiuica.

Ang corona't, cetrong mahal

si don Pedro ang salinan,

aco'i, may corona naman

sa reinong de los Cristal.

Sa uinicang ito baga

niyong si doña María,

ipinutong capagdaca

cay don Pedro ang corona.

Ang sa mariquit na reina

bunying doña Leonora,

ibinigay sa caniya

ang mahal na diadema.

At sila'i, umúi naman

sa reinong de los Cristal,

gayong layong linacaran

isang oras na linacbay.

Ang catulad at capara

nitong si doña María,

lumabás sa, isang guerra

at nanalong nagvictoria.

Ito'i, aquing pabayaan

victoria niyang quinamtán,

at aquing ipagsasaysay

ang canilang paglalacbay.

Nang sila'i, dumating naman

sa reinong de los Cristal,

uala nanga at namatáy

ama't, capatid na hirang.

Ang dinatnan sa palacio

secretario't, consejero,

siya ngang pagdating dito

nang emperador na bago.

Yaong encantong laon na

ay inalis capagdaca,

yaóng batóng balót nila

nagsilitao na lahat na.

Ang lihim na iningatan

nang hari nilang magulang

sa panahóng ito naman

ay caniyang inalitao.

Ang tigre't, león sa parang

at tauo sa caharian,

sila'i, nangagsipaluál

sa balát cayong catauan.

Nang, mangyaring malabas na

ang tauo ay cumapal na,

nagpahanda nang lamesa

itong si doña María.

Ang silla'i, gayon din naman

ay husto ring ualang culang,

ang pagcaing bagay-bagay

sa lamesa'i, nalalagay.

At sa dulo nang lamesa

mayroong dalauang silla,

na uupán bagáng sadyá

nang príncipe at princesa.

Páhiná 47

Sacá naman capagdaca

itong si doña María,

nuha nang isang bandeja

inilagay ang corona.

Cumuhang sintabi naman

sa haráp nang manga mahal,

na naroong napipisan

consejeros bagáng tanán.

Pagmalasi't, tingnan ninyo

ang emperador na bago,

siyang nahalili ito

doon sa haring amá co.

Ipinutong capagdaca

yaong cetro at corona,

at sa cay doña María

ang mahal na diadema.

Matapos umagapay na

ang bunying emperadora,

at cumain ang lahat na

sa mariquit na lamesa.

Nang sila ay matapos na

nang pagcaing mahalagá,

nagsi-tindig na lahat na

para-parang nangag-viva.

Viva ang inahihiyao

nang boong sangcaharian,

mabuhay na ualang hangan

ang emperador na mahal.

Sabihin bagá ang guló

doong sa loob nang reino,

arao, gabi ang músico

ualang tahan sa palacio.

Ay ano'i, sa matapos na

siyam na arao na fiesta,

caguluha'i, payapa na

nitong bagong nagcorona.

Ang emperador na mahal

at asaua niyang hirang,

nagpasunod nang mahusay

sa tanang nasasacupan.

Ano ipa't, silang dalauá

sing-ibig na mag-asaua,

mahusay ang pagsasama

ualang pagtatalo bagá.

Sila'i, lubós nagcabagay

at capua manga mahal,

mag-utos pa ay malubay

sa manga vasallong tanán.

Caya nga't, ang naging hangá

nitong bunying mag-asaua,

nang sila'i, mangamatay na

quinamtan ang santa gloria.

Ito ang dapat tularan

nang mag-asauang sino man,

ang loob na cababaan

capatid nang capalaran.

Aquin nang bibig-yáng hangá

corridong ipinagbadyá,

cun sa letra'i, may sumala

capupunan ay cayó na.


CATAPUSAN


Páhiná 48

[Imprenta, at Papeleria ni J. Martinez]






End of the Project Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous

*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK IBONG ADARNA ***

***** This file should be named 16157-h.htm or 16157-h.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
        https://www.gutenberg.org/1/6/1/5/16157/

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,
Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page
scans provided by University of Michigan. Dedicated to the
three Filipino comedians Dolphy, Panchito and Babalu who
made this folklore memorable in a 1970s film adaptation.


Updated editions will replace the previous one--the old editions
will be renamed.

Creating the works from public domain print editions means that no
one owns a United States copyright in these works, so the Foundation
(and you!) can copy and distribute it in the United States without
permission and without paying copyright royalties.  Special rules,
set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to
copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to
protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark.  Project
Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you
charge for the eBooks, unless you receive specific permission.  If you
do not charge anything for copies of this eBook, complying with the
rules is very easy.  You may use this eBook for nearly any purpose
such as creation of derivative works, reports, performances and
research.  They may be modified and printed and given away--you may do
practically ANYTHING with public domain eBooks.  Redistribution is
subject to the trademark license, especially commercial
redistribution.



*** START: FULL LICENSE ***

THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE
PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK

To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free
distribution of electronic works, by using or distributing this work
(or any other work associated in any way with the phrase "Project
Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project
Gutenberg-tm License (available with this file or online at
https://gutenberg.org/license).


Section 1.  General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm
electronic works

1.A.  By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm
electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to
and accept all the terms of this license and intellectual property
(trademark/copyright) agreement.  If you do not agree to abide by all
the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy
all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession.
If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project
Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the
terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or
entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8.

1.B.  "Project Gutenberg" is a registered trademark.  It may only be
used on or associated in any way with an electronic work by people who
agree to be bound by the terms of this agreement.  There are a few
things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works
even without complying with the full terms of this agreement.  See
paragraph 1.C below.  There are a lot of things you can do with Project
Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement
and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic
works.  See paragraph 1.E below.

1.C.  The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation"
or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project
Gutenberg-tm electronic works.  Nearly all the individual works in the
collection are in the public domain in the United States.  If an
individual work is in the public domain in the United States and you are
located in the United States, we do not claim a right to prevent you from
copying, distributing, performing, displaying or creating derivative
works based on the work as long as all references to Project Gutenberg
are removed.  Of course, we hope that you will support the Project
Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by
freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of
this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with
the work.  You can easily comply with the terms of this agreement by
keeping this work in the same format with its attached full Project
Gutenberg-tm License when you share it without charge with others.

1.D.  The copyright laws of the place where you are located also govern
what you can do with this work.  Copyright laws in most countries are in
a constant state of change.  If you are outside the United States, check
the laws of your country in addition to the terms of this agreement
before downloading, copying, displaying, performing, distributing or
creating derivative works based on this work or any other Project
Gutenberg-tm work.  The Foundation makes no representations concerning
the copyright status of any work in any country outside the United
States.

1.E.  Unless you have removed all references to Project Gutenberg:

1.E.1.  The following sentence, with active links to, or other immediate
access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently
whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the
phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project
Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed,
copied or distributed:

This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever.  You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org

1.E.2.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived
from the public domain (does not contain a notice indicating that it is
posted with permission of the copyright holder), the work can be copied
and distributed to anyone in the United States without paying any fees
or charges.  If you are redistributing or providing access to a work
with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the
work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1
through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the
Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or
1.E.9.

1.E.3.  If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted
with the permission of the copyright holder, your use and distribution
must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional
terms imposed by the copyright holder.  Additional terms will be linked
to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the
permission of the copyright holder found at the beginning of this work.

1.E.4.  Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm
License terms from this work, or any files containing a part of this
work or any other work associated with Project Gutenberg-tm.

1.E.5.  Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this
electronic work, or any part of this electronic work, without
prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with
active links or immediate access to the full terms of the Project
Gutenberg-tm License.

1.E.6.  You may convert to and distribute this work in any binary,
compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any
word processing or hypertext form.  However, if you provide access to or
distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than
"Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version
posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.org),
you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a
copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon
request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other
form.  Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm
License as specified in paragraph 1.E.1.

1.E.7.  Do not charge a fee for access to, viewing, displaying,
performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works
unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9.

1.E.8.  You may charge a reasonable fee for copies of or providing
access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided
that

- You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from
     the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method
     you already use to calculate your applicable taxes.  The fee is
     owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he
     has agreed to donate royalties under this paragraph to the
     Project Gutenberg Literary Archive Foundation.  Royalty payments
     must be paid within 60 days following each date on which you
     prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax
     returns.  Royalty payments should be clearly marked as such and
     sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the
     address specified in Section 4, "Information about donations to
     the Project Gutenberg Literary Archive Foundation."

- You provide a full refund of any money paid by a user who notifies
     you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he
     does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm
     License.  You must require such a user to return or
     destroy all copies of the works possessed in a physical medium
     and discontinue all use of and all access to other copies of
     Project Gutenberg-tm works.

- You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any
     money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the
     electronic work is discovered and reported to you within 90 days
     of receipt of the work.

- You comply with all other terms of this agreement for free
     distribution of Project Gutenberg-tm works.

1.E.9.  If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm
electronic work or group of works on different terms than are set
forth in this agreement, you must obtain permission in writing from
both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael
Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark.  Contact the
Foundation as set forth in Section 3 below.

1.F.

1.F.1.  Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable
effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread
public domain works in creating the Project Gutenberg-tm
collection.  Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic
works, and the medium on which they may be stored, may contain
"Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or
corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual
property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a
computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by
your equipment.

1.F.2.  LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right
of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project
Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project
Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all
liability to you for damages, costs and expenses, including legal
fees.  YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT
LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE
PROVIDED IN PARAGRAPH F3.  YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE
TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE
LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR
INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH
DAMAGE.

1.F.3.  LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a
defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can
receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a
written explanation to the person you received the work from.  If you
received the work on a physical medium, you must return the medium with
your written explanation.  The person or entity that provided you with
the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a
refund.  If you received the work electronically, the person or entity
providing it to you may choose to give you a second opportunity to
receive the work electronically in lieu of a refund.  If the second copy
is also defective, you may demand a refund in writing without further
opportunities to fix the problem.

1.F.4.  Except for the limited right of replacement or refund set forth
in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS' WITH NO OTHER
WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO
WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE.

1.F.5.  Some states do not allow disclaimers of certain implied
warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages.
If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the
law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be
interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by
the applicable state law.  The invalidity or unenforceability of any
provision of this agreement shall not void the remaining provisions.

1.F.6.  INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the
trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone
providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance
with this agreement, and any volunteers associated with the production,
promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works,
harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees,
that arise directly or indirectly from any of the following which you do
or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm
work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any
Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause.


Section  2.  Information about the Mission of Project Gutenberg-tm

Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of
electronic works in formats readable by the widest variety of computers
including obsolete, old, middle-aged and new computers.  It exists
because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from
people in all walks of life.

Volunteers and financial support to provide volunteers with the
assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's
goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will
remain freely available for generations to come.  In 2001, the Project
Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure
and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations.
To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation
and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4
and the Foundation web page at https://www.pglaf.org.


Section 3.  Information about the Project Gutenberg Literary Archive
Foundation

The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit
501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the
state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal
Revenue Service.  The Foundation's EIN or federal tax identification
number is 64-6221541.  Its 501(c)(3) letter is posted at
https://pglaf.org/fundraising.  Contributions to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent
permitted by U.S. federal laws and your state's laws.

The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S.
Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered
throughout numerous locations.  Its business office is located at
809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email
business@pglaf.org.  Email contact links and up to date contact
information can be found at the Foundation's web site and official
page at https://pglaf.org

For additional contact information:
     Dr. Gregory B. Newby
     Chief Executive and Director
     gbnewby@pglaf.org


Section 4.  Information about Donations to the Project Gutenberg
Literary Archive Foundation

Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide
spread public support and donations to carry out its mission of
increasing the number of public domain and licensed works that can be
freely distributed in machine readable form accessible by the widest
array of equipment including outdated equipment.  Many small donations
($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt
status with the IRS.

The Foundation is committed to complying with the laws regulating
charities and charitable donations in all 50 states of the United
States.  Compliance requirements are not uniform and it takes a
considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up
with these requirements.  We do not solicit donations in locations
where we have not received written confirmation of compliance.  To
SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any
particular state visit https://pglaf.org

While we cannot and do not solicit contributions from states where we
have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition
against accepting unsolicited donations from donors in such states who
approach us with offers to donate.

International donations are gratefully accepted, but we cannot make
any statements concerning tax treatment of donations received from
outside the United States.  U.S. laws alone swamp our small staff.

Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation
methods and addresses.  Donations are accepted in a number of other
ways including including checks, online payments and credit card
donations.  To donate, please visit: https://pglaf.org/donate


Section 5.  General Information About Project Gutenberg-tm electronic
works.

Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg-tm
concept of a library of electronic works that could be freely shared
with anyone.  For thirty years, he produced and distributed Project
Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support.


Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed
editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S.
unless a copyright notice is included.  Thus, we do not necessarily
keep eBooks in compliance with any particular paper edition.


Most people start at our Web site which has the main PG search facility:

     https://www.gutenberg.org

This Web site includes information about Project Gutenberg-tm,
including how to make donations to the Project Gutenberg Literary
Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to
subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.